Chapter 16

169 9 0
                                    


Akimara Pov

('Girlfriend')

BUONG maghapon akong lutang habang naglilinis, matinding pala-isipan ang sinabi ni thor kaninang umaga na importante ang nararamdaman ko para sa kanya. Naguguluhan ako kung bakit, nagkakaroon na rin ba siya ng pagtingin sa' kin? Natitipuhan niya ba ako kaya kung bakit lagi niya akong iniimbita sa galaan, nalilito ako kung tama ba na paniwalaan ko ang isip ko, pero baka mali ako at umasa lang sa bandang huli.

Ipinahinga ko ang likuran sa sandalan ng kama, nasa kwarto ako dahil tapos na ang lahat ng trabaho. Wala ng gagawin at oras na ng pahinga, siguradong maaga akong makakatulog nito dahil sa pagod na natamo.

Bumuntong hininga ako, ipinikit ko ang mata ngunit agad din nagmulat ng maalala si mama. Hindi ito sumagot kanina ngunit nag-iwan naman ako ng mensahe, gaya nung una ay wala na naman siyang sagot.

Inabot ko ang cellphone at lalong nadismaya ng wala itong reply. Ano ng nangyayari kay mama? Hindi ba ako nito naaalala?

Nagbukas ako ng facebook at nagscroll upang libangin ang sarili, nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa tungkol sa isang bagong pelikula ng may mag pop sa notification ko. Agad ko iyong tiningnan at halos mamilog ang mata ko dahil sa nakita.

Storm Salazar Sent a friend request.

Wala akong nagawa kundi titigan ang screen ng cellphone ko, In-add niya ako sa facebook? Uso pala sa kanya ang social media?

Imbes na i-click ang accept ay ang profile nito ang una kong pinuntirya. Katulad sa personal ay mas gwapo ito sa picture niya, nakatayo siya at may gitarang nakasabit sa likuran nito. Tumaas ang kilay ko dahil doon, marunong siya mag gitara?

Nag-scroll ako sa timeline nito, ang dami niyang friends ngunit kaonti lang ang pictures. Puro mga write post ang nasa wall nito na inuulan ng komento at likes, wow famous ha?

'-Ang ganda ng crush ko sa nursing^.^-'

naitikom ko ang bibig dahil sa post niyang ito, nursing?

321 comments, 460likes.

Napanguso ako, ang daming likers.

-'500 likes, yayayain kong magsimba si crush..-'

Napalunok ako, masyadong assuming ang isip ko at pilit isinisiksik ang sarili na ako ang tinutukoy niya sa post na ito. Ang landi talaga,

'-I stole a kiss!"

Simpleng post lang iyon ngunit umabot ng isang libong kumento, hindi ko maiwasang basahin ang mga comments at lahat ay pinapantasyahan ito. Ang dami talagang patay na patay sa lalakeng 'to.

"I see a girl crying in the shed.."

Nangunot ang noo ko, matagal na ang post na ito at hindi ko alam kung bakit niya pa ito isinama sa wall niya? At dahil hindi na ako interasado sa ilang post nito ay in-exit ko na ang facebook na hindi man lang tinugunan ang respond niya. Saka na lang pag napatunayan ko ng may gusto rin siya sa' kin.

NAKATULOG ako noong oras din na iyon, pag-gising ko ng umaga ay wala pa rin text si mama o tawag man lang. Iniisip ko na lang na baka masyado siyang maraming ginagawa kaya hindi na ito nakakapag-cellphone man lang. Saka na ako mag-aalala pag hindi na talaga ito matawagan, sa ngayon ay iisipin ko muna kung anong mangyayari ngayong araw.

Sunday na ngayon, at ito ang araw na lalabas kami ni tristan. Ito rin ang araw na hinihintay ako ni thor, naguguluhan ako ngunit hindi pweding i-ghost ang supladong attorney, baka mahatulan ako at mayari na. Kakatakot pa naman ang lalakeng 'yon.

Tamad akong bumangon sa kama at lumabas ng kwarto, tutungo pa sana ako sa kusina ngunit bigla na lang may kumatok sa pintuan, napakamot ako sa ulo at iniisip kung sino ang mang-gugulo sa ganito kaaga.

Ang Poging tambay sa kanto (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon