Chapter 30

138 8 0
                                    

Mara Pov.

(Love Between Money)

Naniniwala ba kayo sa isang kasabihan na money can buy happiness?

Money can easilly drown your mind as a bad one.

money is more than important in anything?

Mahalaga ba ang pera?

Siguro'y oo dahil hindi naman tayo mabubuhay kung walang pera, naniniwala din ako na mabibili ng pera ang kaligayahan ng isang tao. Na minsa'y magiging masama ang isang tao dahil sa pera, meron din ang ilan ay sinasamba na ang pera kesa sa ibang bagay.

Pero isa lang ang masasabi ko, kaya ng pera na baguhin ang ugali mo kung hindi mo kayang i-handle ang yaman na meron ka. Maaari 'kang maging sakim at hindi muna nakikita ang ilang importante sa paligid ko, na halos hindi ka na marunong lumingon sa pinanggalingan mo.

Iyon ang halos na nakikita ko kay papa.

Hindi ko lubos maisip na kaya niyang ipagka-lulong ako sa ibang lalake, lalo na iyong hindi ko naman mahal. Paano niya naisip na gawin iyon, ang mahalaga lang ba talaga sa kanya ay pera. Hindi ba mahalaga sa kanya ang mararamdaman ko?

O sadyang wala na siyang ibang nakikita kundi ang sarili niya na lang.

Napabuntong hininga ako.

Hindi sa masamang tao si tristan, hindi dahil sa ugali niya kaya hindi ko ito gusto. Nagkaroon na nga ng pagkakataong nagustuhan ko ito ngunit sa maikling panahon lamang. May iba lang talaga akong nagugustuhan kaya nasabi ko iyon kanina.

Hindi ko rin naman inaasahang sasabihin niya iyon.

Para pa akong nakusensya bigla.

"I use light make-up, ms akimara.." anang cindy, siya iyong nakausap ko kanina na ngayo'y siya rin ang nag-aayos sakin.

Tumango ako.

"You have smooth face, so i decide to use smooth color too.."

Ngumiti lang ako sa sinabi niyang iyon, nasa kwarto ako at naghahanda na. Medyo kinakabahan ako sa hindi ko malaman na dahilan, siguro'y ito ang unang beses na dinaos ni papa ang birthday ko sa isang magarbong ideya.

Kung sabagay si ate rin naman pala.

"Iyong lalakeng naka asul kanina ms. akimara.." binalingan ko si cindy ng sabihin niya iyon.

"Napano si tristan?"

"Tristan pala ang pangalan niya?" tumango ako. "Ang gwapo ng boyfriend mo.." natawa ako.

"Hindi ko siya nobyo.." napamaang siyang nakatingin sakin.

"Talaga ba?"

"Oo, wala pa akong boyfriend.."

"Kung ganon, bakit hinahabilin ka ni sir hernandez sa kanya?" hindi ako sumagot sa tanong nito. "Naku, ms. akimara. Pasensya na, Im too talkative.."

Tumango lang ako.

Hindi ka talkative, Chismosa ka.

Kalahating oras ng matapos siya sa pag-aayos sakin, Inilugay nito ang buhok ko at ginamitan ng iron para maging bagsak ang pagkaka-straight nito.

Ang suot 'kong bistida ay bagsak rin, mahaba ito at hindi lang basta dress kung titingnan. Isa siyang gown na parang isinadya sa ganitong okasyon.

Ngumiti ako sa repleksyon ko, naalala ko ang sinabi ni mama noon. Magsusuot lamang daw ako ng bistida pag tumungtong na ako sa edad disi-otso. Ngunit sinuway ko ito, ilang beses na akong nakapag-suot nito na hindi niya nalalaman.

Ang Poging tambay sa kanto (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon