PROLOGUE

649 27 8
                                    

"Doc Ali, okay lang po ba kayo? Sa tingin ko po ay kailangan niyo munang magpahinga."

Mahigit dalawamput apat na oras na akong walang pahinga. Hanggang ngayon ay marami pa rin ang mga pasyenteng nangangailangan ng tulong.

"Yeah, medyo nahilo lang." tipid kong sagot bago naglakad pabalik sa table ko.

"Sige po Doc Ali, mauna na po ako." paalam ni nurse Althea bago lumabas ng office ko.

Pabagsak akong umupo sa swivel chair at marahang minasahe ang aking sentido. Napatingin ako sa relos ko para tingnan ang oras. Shit mag-uumaga na!

Matunog akong bumuntong-hininga bago inayos ang mga gamit ko sa lamesa. Napaangat ang tingin ko sa pinto nang biglang may kumatok.

"Come in," sambit ko habang nag-aayos ng mga gamit.

Kita sa gilid ng mata ko ang pagbukas ng pinto. Nabaling ang atensyon ko sa papalapit na yabag. Nang tingnan ko kung sino 'to ay bahagya akong nagulat.

"Dra. Pineza," sambit niya nang makalapit sa harap ng lamesa ko.

"Dr. Orwel Yamson. What can I do for you?" diretso ko lang siyang tiningnan sa mga mata.

Imbes na sagutin niya ako, marahan niyang nilibot ng tingin ang bawat sulok ng office ko. Bahagyang napagilid ang mukha ko bago siya pinagsingkitan ng mga mata. Ano ba kasing ginagawa niya dito?

Huminto ang tingin niya sa akin bago pinagkrus ang kaniyang dalawang braso. Kumunot ang noo ko nang mapansin ang pag-angat ng gilid ng kaniyang labi.

"You have a nice office, huh?" Tumatango niyang sambit.

Sa pagkakaalam ko ay ngayon lang siya nakapasok dito sa office ko. Nakatingala pa rin ako sa kaniya hanggang ngayon.

"If that's a compliment, thank you." walang reaksyon kong sambit.

"Would you mind if I seat?" taas kilay niyang sambit.

"Do whatever you want. Just tell me, why are you here?" may diin kong saad.

Nakita ko ang pag-igting ng kaniyang panga bago umupo sa kaharap kong upuan. Napalunok ako nang biglang sumeryoso ang mukha niya na minsan ko lang nakikita sa kaniya.

"Ali, bakit mo ginagawa 'to? Bakit kailangan mo pang bumalik?" diretso niyang sambit.

Kaagad akong umiwas ng tingin sa kaniya at sarkastikong tumawa.

"Pwede ba? 'Wag kang magsalita kung hindi mo alam ang katotohanan."

"Kaya nga inaalam ko, Ali." mariin niya akong tiningnan.

"Hindi ko alam na pakealamero ka na pala ngayon?" taas kilay kong usal. Alam kong pwede siyang ma offend sa sinabi ko pero hindi ko na 'yon inisip. Bakit pa kasi nagtanong.

"Ali." pagbabanta niya sa akin.

"Orwel, please lang. Umalis ka na hanggang hindi pa nauubos ang pasensya ko sa'yo."

Matunog siyang bumuntong-hininga bago tumayo. Tinapunan niya muna ako ng tingin at saka ako tinalikuran.

Nakahinga ako ng maluwag nang makalabas na siya sa office ko. Matagal ko ng hinanda ang sarili ko para dito. Pero kapag nakakaharap ko na sila, pakiramdam ko bigla akong nagpapanic.

Chasing The Sunset (To Be Published Under TDP Publishing House)Where stories live. Discover now