CHAPTER TWENTY-THREE

461 61 16
                                    

Shane Andrea Juarez

"We can ask one of the kids to take a gap year kung hindi na natin kaya."

"No! Ano na lang ang sasabihin ng mga amiga ko?" At umiyak na ang mommy habang inaalo ni Dad. Natigilan ako sa paghakbang patungo sa kitchen. Imbes na mag-aalmusal pa sana ako bago pumuntang school hindi na natuloy.

Kay Ate ko na napag-alaman ang panibago naming problema nang hapong iyon. She dropped by my school. Hinintay niya ako sa information desk sa Engineering Building dahil bawal pumasok ang guest nang hindi nag-iiwan ng ID. At ayaw niyang iwan ang school ID niya dahil baka raw manakaw ng guard.

May pagkahibang kasi ang ate ko. Akala niya dahil ang ganda niya, lahat ng tao interesado sa picture niya. Hay naku.

"Do you still have any contact with Micah Contreras?" tanong niya agad sa akin. Walang paliguy-ligoy. Nakapamaywang pa siya. She's taller than me for about three inches at naka-heels pa siya ng ganoon din ka taas kaya nagmistula akong maliit sa height na five-five.

Bruha man ito, proud ako sa kanya dahil pinagtitinginan siya ng mga schoolmates ko with admiration. Mukha kasing ang sosyal niya sa suot niyang white long sleeves na naka-loose tuck sa checkered niyang pleated skirt na three inches above the knee.

Pinaningkitan ko siya ng mga mata. Ano ang dahilan nito para tanungin pa ako no'n? As much as possible, I don't want to be reminded about him.

"Their bank is trying to squeeze us dry! Nakakainis! Akala ko pa naman settled na ang issue na iyon. Shit! Mapupurnada na naman ang European tour ko nito with my friends for sure!"

Nagpanting ang tainga ko. Heto nga't nahihirapan na ang parents namin at iniisip na ni Dad na patigilin sa pag-aaral ang isa sa amin, pero European tour pa rin niya ang kanyang iniisip.

"Ate, naririnig mo ba ang sinasabi mo? Mom and Dad were already talking about asking one of us to take a gap year tapos pagliliwaliw sa ibang bansa pa rin ang nasa isipan mo?"

She pouted and crossed her arms on her chest, pero hindi nagsalita. Later on, pinressure ako. "Gawan mo ito ng paraan, Shane! Pinaasa mo kaming lahat!" she hissed at me.

Inirapan ko siya. Siya dapat itong gumagawa ng paraan dahil mas matanda siya sa akin pero ako raw ang gagawa ng paraan? Bruha talaga, 'to!

"I still have classes, Ate. Mauuna na ako."

At lalayasan ko na sana siya roon nang pigilan niya ako sa kamay.

"Shane, maiilit na naman ang bahay natin. Dad is already looking for a much smaller house to move into. And I'm scared. Wala na akong ihaharap sa mga kaibigan ko't kakilala if that happens." At pinangiliran siya ng luha. Nainis akong naawa. Iyon lang ang inisip niya samantalang ako'y namomroblema na baka ako ang pahintuin sa pag-aaral ng mga magulang namin. Gayunman, looking at her na parang basang sisiw, parang may kung anong nakanti sa puso ko. I held her hand and we walked towards Jollibee across from where we were talking. Nag-atubili siya siyempre, pero wala ring nagawa nang akayin ko.

Habang nagsasalo sa tig-isang burger meal, nagkwento siya ng nadiskubre niyang puno't dulo ng patung-patong naming utang. Bukod sa may isa kaming staff na tumakbo ng earnings ng isa naming restaurant, naloko plaa si Mom ng isa niyang amiga. Nagsosyo sila sa isang mango orchard project sa Iloilo na nauwi sa wala nang masalanta ng Bagyong Frank ang Visayas. Ang pinohonan nito sa orchard na mahigit kumulang singkwenta milyones ay hindi nabawi dahil halos uprooted ang more than half ng mga manggang pananim sa farm diumano ng amiga. Nagpaluwal pa ito ng halos the same amount of money, pero wala ring nangyari dahil kinailangang magtanim uli ng panibago. Ang pagkakaalam ni Mom, after five years ay makakapag-harvest na sila. Ilang taon siyang bigay nang bigay lang sa pinagkakatiwalaang amiga only to find out later on na she sold the property without her knowledge.

QUEEN SERIES #3:  THE MILK TEA QUEEN [COMPLETED]Where stories live. Discover now