CHAPTER 19

6.9K 192 4
                                    

Sapphira POV

habang abala ako sa ginagawa ko ay narinig at naramdaman ko ang pagbukas ng pinto dito sa loob ng opisina ko kaya na paangat ako ng mukha at na patingin sa pinto. Nakita ko si shaira na naglakad papasok dito sa loob habang may dala na isang file folder, ibinalik ko nalang ang buong paningin ko sa screen ng laptop ko.

"Yung portfolio ko pala mamaya ko nalang ipapasa, isesend ko nalang sa g-mail mo. May kailangan lang ako ayusin" sabi ko habang inaadjust ang layout ng design para sa portfolio na ginagawa ko.

"Hindi naman ako nagmamadali, pero..." biglang na patigil at na tahimik si shaira kaya mula sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko na nagdadalawang isip ito kung itutuloy niya ba ang sinasabi niya.

"Pero ano? May problema ba?" Tanong ko sa kaniya habang nakatuon pa din ang buong paningin ko sa ginagawa ko.

Bumalik na din naman ako kanina at ang akala ko ay sasalubungin niya ako pero hindi dahil umalis din siya kaagad pero bumalik na din naman siya.

"May biglaan kasi kaming meeting out of the country. Magtatagal din kami doon ng isang buwan? Para pagplanuhan yung next project na gagawin natin" sagot nito kaya na paangat ako sa kaniya mukha.

"Ang akala ko naman kung ano na. Wala namang problema sa akin kung aalis ka. Ikaw ang CEO ng company na ito at tungkulin mo na gawin at puntahan ang lahat ng mga ganyan" pahayag ko at tinulak ko ang swivel chair ko palayo sa desk table ko at tinulak ito papunta sa kaliwa gamit ang isang paa ko.

"Pero matagal akong mawawala, paano ka? Hindi naman kita pwedeng iwan nalang dito" May pagkabahala at pag-aalala sa tanong niya. Kinuha ko ang isang folder sa kabilang table dahil may kailangan pa akong ireview para sa mga ilalagay ko sa portfolio ko.

"Ms. Valdez, kaya ko ang sarili ko, okay? Mas kailangan mong unahin yan. Isang buwan ka lang naman mawawala, sobrang bilis lang naman noon" saad ko at hinila na pabalik ang swivel chair ko sa tapat ng desk table ko habang hawak ko sa isang kamay ko ang folder na kinuha ko.

"Hindi mo kasi naiintindihan eh. Buong company ko ang nakasalalay sayo" sabi nito na para bang sobrang laki ng magiging problema niya kapag iniwan niya ako.

"Kailan ba ang alis mo?" Tanong ko sa kaniya at inayos ang mga nakalagay sa ibabaw ng desk table ko.

"Ngayon na, nasa labas na yung maghahatid sakin papunta sa airport" sagot nito kaya na patango-tango ako.

Ibubuka sana niya yung bibig niya para magsalita kaya lang ay may biglang kumatok sa pinto at ilinuwa noon ang secretary niya.

"Ma'am tinatawag na po kayo ng maghahatid sa inyo, kayo nalang daw po ang hinihintay" sabi nito at may hawak din siyang folder.

"Oh hinahanap ka na pala eh, umalis ka na at ikaa nalang ang hinihintay nila" sabi ko kaya na patingin ito sa akin at nakita ko ang pagtutol sa buong mukha niya

Nagpumilit pa siya na hindi na tumuloy pero pinagtabuyan ko siya palayo. Wala din naman siya nagawa kung hindi ang umalis nalang.

Hindi ko naman maintindihan kung bakit sobrang laki ng problema niya kapag iniwan niya ako dito, eh wala naman mangyayari na kung ano dito habang wala siya eh.

Pinagpatuloy ko nalang ang ginagawa ko at ilang sandali pa ay natapos na din ako at sakto naman na natapos ako dahil may isang client pa ang kailangan kong puntahan ngayon.

Hindi ko alam ang exact detail pero biglaan yung pagset niya ng meeting at wala din masiyadong nakalagay na madami sa background niya.

Kinuha ko na kaagad ang mga gamit ko at lumabas na sa building na iyon. Ng makalabas ako ay na patigil ako ng may isang sasakyan ang nakatigil ngayon sa harap ng building ng company at may dalawang lalake din na nakafull Black suit ang nakatayo sa labas. Ng mapatingin sila sa akin ay nakita kong naglakad sila palapit sa akin kaya na patigil ako sa paglalakad.

Got Pregnant by Mr. MillionaireWhere stories live. Discover now