CHAPTER 26

7.3K 211 4
                                    

Sapphira POV

Nagising ako ng maramdaman ko na may gumagalaw mula sa kanan ko kaya unti-unti ko idinilat ang mga mata ko.

Medyo malabo pa ang buong paningin ko ng idinilat ko ang mga mata ko pero ibinaling ko sa kanan ang ulo ko.

Isang malaki na katawan ang nakita ko na nakahiga sa tabi ko at ilang sandali pa ay luminaw na din ang paningin ko hanggang sa mapag-sino ko ang katabi ko.

D-draven?

May magulo itong buhok at gusot-gusot din ang suot nito na mukhang hindi pa siya nagbibihis dahil naksuot pa din siya ng pangtrabaho niya.

Nakabukas din ang dalawang button sa itaas at may malalim ito na mga mata.

Naramdaman ko na may nakahawak sa kamay ko kaya na pababa ako ng tingin hanggang sa nakita ko na nakahawak ang kamay ni draven sa kamay ko.

Ginawa din nito unan ang braso niya habang nakatagilid paharap sa akin habang natutulog siya.

Hindi ko maiwasan ang hindi mapangiti habang nakatitig sa kaniya. Sobrang maamo ang mukha niya, para siyang bata na natutulog.

Itinaas ko ang isang kaliwang kamay ko at marahang  hinaplos ang mukha niya gamit ang likod ng kamay ko.

Hindi ko siya gustong gisihin dahil nakikita ko ang sobrang pagod sa mukha niya kahit na natutulog siya kaya dahan-dahan ako umurong palapit sa kaniya.

Biglang gumalaw si draven hanggang sa dahan-dahang dumilat ang mga bilugan nitong mata nito. Nanlaki ang mga mata nito habang nakatingin sa akin.

Isang mahigpit na yakap ang natanggap ko mula sa kaniya, hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero itinaas ko ang kaliwang kamay ko ay ipinulupot iyon sa likod ni draven, samantalang ang kanan kong kamay ay hawak niya pa din.

"D-draven?"

Pagtawag ko sa kaniya habang tinatapik-tapik ko ang balikat niya dahil sobrang higpit ng pagkakayakap niya sa akin.

"F*ck! Thank god your finally awake!"

Aniya nito at para itong nakahinga ng maluwag.

Humiwalay din ito ng pagkakayakap sa akin saka umupo mula sa pagkakahiga.

"I-I'm, did I hug you too tight?"

Tanong nito kaya umiling nalang ako sa kaniya.

"Wait me here, I will call the doctor" pagpapaalam nito at isang halik sa noo ang natanggap ko mula sa kaniya.

Nagmamadali din itong naglakad palabas kaya ng makalabas siya ay dahan-dahan akong umupo mula sa pagkakahiga.

Na patigil ako ng biglang bumukas ang pinto at ilinuwa noon si Kyleigh. Isang malaking ngite ang umukit sa mukha nito ng makita ako.

"Mabuti naman at gising ka na. You've been in coma for five days" sabi nito habang naglalakad siya palapit sa akin.

Hindi ko maiwasan ang hindi makapunot ang noo dahil sa sinabi niya.

Coma?

Magsasalita sana ako para magtanong, kaya lang ay biglang bumukas uli ang pinto at pumasok dito sa loob si draven na may kasama isang doctor.

Lumapit ito sa akin at may ginawa na ilang test at chineck-up sa akin. Tumagal din iyon ng ilang minuto bago natapos.

"Maayos naman ang mga vitals niya, wala naman ako nakikita na magiging problema sa kaniya. We need to observe her for another few days just to make sure na wala na talagang problema and also she need to take some medicines to help her to gain her strength" paliwanag ng doctor kaya na patango nalang ako sa kaniya at na patingin ako kay draven na nasa tabi nito.

Got Pregnant by Mr. MillionaireWhere stories live. Discover now