CHAPTER 7

9.1K 231 6
                                    

Sapphira POV

[New Client?]

"let me show you, your room skylar" sabi ni mr. hudson habang nakaturo pa sa hagdan kaya pinauna ko na si skylar sa paglalakad paakyat.

nakaalalay ako kay skylar habang naglalakad kami paakyat sa hagdan, samantalang si mr. hudson ay nasa likod namin at nakasunod, ng makaakyat na kami ay isang napakalaking second floor ang nakita ko.

madami din mga pinto ang makikita dito at may malaki din itong living room na may kasamang malaking flat screen t.v.

Sumunod kami kay mr. hudson sa paglalakad sa isang mahabang hallway ng mansion niya, may mga housemaids din ang napapatigil sa paglalakad ng makita kami na nakasuot ng black and white uniform.

ilang sandali pa ay narating na din namin ang tapat ng pinto ng kuwarto ni skylar na sinasabi ni mr. hudson. Hinawakan niya ang door knob at pinihit iyon saka tinulak pabukas. Na una kami ni skylar sa pagpasok sa loob kasunod si mr.hudson.

Isang na pakalaking kuwarto ang bumungad sa amin na kulay peach and pink ang buong kuwarto. May isang malaki na master bed din na may nakalagay na madaming unan, kulay pink ito.

sa kaliwang parte ng kuwarto ay may makikita ka na madaming mga laruan na may mga kasama pa na mga teddy bears na malalaki at maliliit, meron din malaking flat screen t.v na katapat lang ng master bed.

"do you like it baby?" tanong ni mr. hudson kaya na patingin ako kay skylar. Nakita ko ang pagkagulat at pagkamangha niya ng makita ang buong paligid ng kuwarto niya.

"daddy is this skylar's room?" tanong ni skylar at biglang lumuhod si mr. hudson at humarap kay skylar.

"Yes baby, this is yours" sabi niya habanang nakangiti pa, tumingin sa akin si skylar na para bang tinatanong niya kung pwede niya hawakan ang mga gamit dito sa loob

tumango nalang ako sa kaniya habang nakangiti, agad siya tumakbo palapit sa master bed niya at kinapa-kapa pa ang ibabaw nito, umakyat ito sa ibabaw ng kama at tumalon-talon pa.

tuwang-tuwa siya habang tumatalon-talon siya at ng mapadapo ang mga mata niya sa mga laruan sa kaliwa niya ay napatigil siya sa pagtalon at agad na naglakad palapit sa gilid saka bumaba.

lumapit ito sa mga 'to at yinakap ang malaking teddy bear pati na yung iba pa. Kitang-kita ko kung gaano kasaya ngayon si skylar.

naramdaman ko na may pumulupot sa bewang ko kaya ng mapatingin ako sa kanan ko ay nakita ko si mr. hudson pati na ang kamay nito na nakapulupot sa bewang ko.

"Mr. Hudson could you please let me go?"

"I want to show you something, come" sabi niya habang nakangiti pa kaya isang seryoso na tingin ang ibinigay ko sa kanila, bigla niya akong hinila palapit sa pinto.

pinigilan ko siya paglalakad, "wait, I can't leave skylar-"

"don't worry I hired a nanny for her, she will watch skylar for us" pangununa niya sa sinasabi ko at tuluyan na akong hinila palabas doon.

na palingon pa ako kay skylar at nakita ko na nakatuon ang buong atensyon niya sa paglalaro kaya hindi niya na pansin ang paglabas namin.

dinala niya ako sa isang kuwarto at tatlong kuwarto ang layo nito sa kuwarto ni skylar, pinauna niya ako sa pagpasok sa loob kaya pumasok na ako sa loob.

isang bago'ng kuwarto ang nakita ko, mas malaki pa ito kaysa sa kuwarto ni skylar at may living room din siya dito na sinamahan pa ng mga nagkikinangan at mamahaling mga gamit at may malaki din na flat screen t.v.

May malaki din na master bed, ilinibot ko ang buong paningin ko sa buong paligid at ibinalik ko ang paningin ko kay mr. hudson na nasa likod ko habang nakangiti.

Got Pregnant by Mr. MillionaireWhere stories live. Discover now