CHAPTER 32

6.8K 216 4
                                    

Sapphira POV

Ng makalabas ako ay sinara ko na kaagad ang pinto at ng bumaling ang katawan ko sa kaliwa ay na patigil ako ng makita ko si sharlene at katabi din niya si maverick na ngayon ay seryosong nakatingin sa akin.

"Ano? Masakit bang malaman ang katotohanan? Baka naman ngayon ay pwede mo ng lubayan ang PAMILYA ko" sobrang yabang nito tumingin sa akin at pinagkadiinan niya pa talaga ang salitang 'Pamilya'

Hindi ko nalang ito pinansin at nagpatuloy nalang sa paglalakad palampas sa kaniya.

"I heard what happened to your daughter. She's at ICU now, right?"

Bigla akong na patigil sa paglalakad ng marinig ko ang sinabi niya kaya na palingon ako aa kaniya.

"Wala ka na ngang pamilya, pati ba naman ang nag-iisa mong anak ay mawawala pa dahil sa kapabayan mo? Ang malas mo naman yata sapphira. Lahat nalang nawawala sayo, baka mamaya tuluyan ng-"

"Sige, ituloy mo at didikit yang mukha mo sa lupa" Pagputol ko sa sinasabi niya at nagbabantang tumingin sa kaniya.

"Oww I'm scared! So scary!" Sarkastiko nitong tugon at inirapan pa ako.

"Yang pamilya na sinasabi mo. Sayong-sayo na yan. Dahil hindi ko din naman gugustuhing maging parte ng pamilyang sinasabi mo. Sino ba naman ang gusto maging parte ng isang mang-aagaw na pamilya? Kung ano ang puno, siya ang bunga. Manang-mana ka talaga sa mom mo, parehas kayong mga ahas" buwelta ko dito at na patingin ako kay maverick bago ako nagpatuloy sa paglalakad papalayo sa kanila.

Hindi ko na hinintay pang marinig ang sasabihin niya dahil naglakad na kaagad ako palayo sa kanila.

Nakaramdam ako ng pagkairita dahil sa nangyari. Tinignan ko din ang cellphone ko para imessage si shaira at tanungin kung kamusta na si skylar.

Hindi muna ako makakabalik doon dahil naisipan ko na pumunta muna sa labas para magpahangin sandali.

Ilang sandali pa ay nandito na din ako sa labas, nandito ako ngayon sa Garden ng hospital.

Hindi naman gaano madami  ang mga nandito ngayon na mga pasiyente. Naglakad ako palapit sa isang bench para umupo.

Ng makaupo ako ay na patanaw nalang ako sa mga na papadaan sa harap ko hanggang sa may biglang sumulpot na madaming mga lalake sa harap ko.

"Lady seraphina! Nandito lang po pala kayo. Kanina pa namin kayo hinahanap!" Aniya ng isang lalake na nasa harap at pinalibutan kaagad nila ako.

"Uhm, hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo. Hindi ako si-"

"Pang-ilang beses mo na kaming tinakbuhan. Palaging ganyan ang sinasabi mo sa tuwing na hahanap ka namin. Kailangan na po natin bumalik, hinihintay na kayo ng grandpa niyo" hindi na nito pinatapos pa ang sasabihin ko.

Magsasalita sana ako kaya lang ay bigla nila akong hinawakan sa magkabila kong braso at agad na hinila doon palayo.

"Nagkakamali nga kayo! Hindi nga sabi ako yung hinahanap niyo!"

Sigaw ko habang pilit kong tinatanggal ang pagkakahawak nila sa mga braso ko. Masiyado silang madami at wala pa akong gaanong lakas sa ngayon.

Isinakay nila ako sa isang limousine at pinaandar kaagad iyon. Hindi ko alam kung saan nila ako dadalhin, sinubukan ko din ipaliwanag sa kanila na hindi ako yung hinahanap nila pero sadyang ayaw nilang maniwala sa sinasabi ko.

Hinanap ko ang cellphone ko para tawagan sana si draven o si shaira pero na papikit nalang ako ng mariin ng mapagtanto ko na naiwan ko sa bench yung cellphone ko.

Got Pregnant by Mr. MillionaireWhere stories live. Discover now