CHAPTER 33

6.9K 202 7
                                    

Sapphira POV

LUMIPAS ang ilang linggo at naging maayos na din si skylar. Pagbalik ko ng hospital noong araw na iyon ay sakto namang na gising si skylar.

Wala ng banta sa buhay ni skylar pero hindi pa magaling ang malaki niyang sugat sa ulo.

Nahihirapan din siyang makapagsalita at kumilos kaya todo ang pag-alalay namin sa kaniya ni draven.

Nandito na kami ngayon sa bahay, ngayon na ang araw na ang paglabas niya pero kailangan pang magpahinga at magpagaling para mabawi niya ang lakas niya.

"Okay na ba? Sumasakit ba ngayon yung ulo, baby?" Tanong ko sa kaniya ng maihiga ko na siya sa kama niya.

Inayos ko din ang taas ng unan niya at sinigurado ko na magiging kumportable siya sa puwesto niya.

Tumango si skylar bilang sagot niya, hindi pa kasi siya makakapagsalita ng maayos dahil na din sa lakas ng pagkakahulog niya at pati ang pagsasalita niya ay naapektuhan.

Pero ang sabi naman ng doctor ay babalik din sa normal ang kalagayan ni skylar pero matatagalan bago siya gumaling.

"Dito ka lang muna ha, pupunta lang si mommy sa kitchen para iprepare ang lunch mo" paalam ko sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi niya.

Katabi lang naman nitong kuwarto ni skylar ang kitchen, dito kasi siya sa kuwarto sa baba mananatili kung saan ay may pinahanda si draven na isang kuwarto para sa kaniya.

Naglakad na ako palabas at ng makalabas ako ay na patigil ako ng makita ko si shaira sa tapat ng pinto.

"Oh kamusta na si skylar?"

"Maayos naman na siya, kailangan ko nalang maghanda ng lunch niya. Paniguradong nagugutom na siya" sagot ko bago pinagpatuloy ang paglalakad at kasunod siya.

"Alam niyo na ba kung sino ang gumawa nito kay skylar? May balita na ba?" Tanong nito kaya umiling ako.

"Hindi pa namin alam kung ano ba talaga nangyari, sinabi ko na din kay draven ang tungkol dito at ang sabi niya ay siya na ang bahalang umalam kung ano ba talaga nangyari"

"Pero meron naman kayong surveillance camera dito, right? Baka dun mahanap niyo kung sino?"

"Hindi gumagana yung surveillance camera sa hagdan ng mangyari iyon. Ang nakuha lang nila draven ay yung footage na nahulog na sa baba si skylar pero yung footage kung sa pinakataas wala silang nakuha" paliwanag ko sa kaniya at ilang sandali pa ay nakarating na din kami sa kusina.

"Pano na yan? Ikaw ang sinisisi ngayon ng grandma ni draven. Paniguradong may gagawin yan para lang mabawi sayo si skylar" sabi nito kaya na patingin ako sa kaniya.

"Hindi mangyayari yan. Hindi ko sila hahayaan na makuha si skylar" giit ko sa kaniya.

Hindi ko naman talaga sila hahayaan na makuha si skylar. May laban pa din naman ako at kung talagang kailangan ko ng tulong ay siguro lalapit ako sa kanila.

Ilang linggo na din ang lumipas simula ng makausap ko sila. Hindi ko pa sila nakakausap uli pero may pinadala naman si grandpa para bantayan kami ni skylar.

Hindi pa naman nakakahalata si draven at wala pang nakakaalam tungkol sa pagkakaroon ko ng kakambal.

Hindi ko pa alam kung kailan ko sasabihin sa kanila ang tungkol sa pamilya ko, masiyadong madami din kasi ang nangyari kaya hindi ko na din maisingit na sabihin sa kanila.

"Sandali lang, naiwan ko yata yung cellphone ko sa living room. Kukunin ko lang" Paalam nito kaya tumango nalang ako sa kaniya at nagmamadali pa siyang naglakad palabas ng kusina.

Got Pregnant by Mr. MillionaireKde žijí příběhy. Začni objevovat