CHAPTER 37

6.9K 200 5
                                    

Sapphira POV

Mabilis naman lumipas ang mga araw dahil hindi ko din naramdaman na wala dito si draven.

Lumipas din ang dalawang linggo, dapat sana ay noong nakaraang linggo ang kasal nila kaya lang ay inurong sa susunod na buwan. Hindi ko sigurado kung ano ang dahilan nila.

Palagi kaming magkausap ni draven, kada tatlong oras ay tumatawag siya sa akin para mangamusta at kinukuwento din niya ang mga ginagawa nila doon.

Katulad nalang na kasama niya si grandpa doon at napapadalas din ang pagpunta dito ni seraphina.

Pinakilala ko naman na siya kay skylar at noong una ay nalito pa si skylar ng makita kaming dalawa.

"Nasaan pala si draven? Bakit hindi ko yata siya nakikita na kasama mo?" Tanong ni shaira habang naglalakad kami palabas ng mansion.

"Hindi ba kasama din siya sa gathering ng pamilya niyo mamaya?" Dugtong nitong tanong kaya na patango ako sa kaniya.

"Kasama niya sila kyleigh at darwin. Ang sabi niya mauna nalang daw ako dahil baka matagalan siya sa ginagawa nila" sagot ko at naglakad na kami palapit sa limousine na naghihintay sa amin.

Pinadala pa ito ni grandpa para sa amin ni skylar, dahil may gathering ngayon ang pamilya namin kung saan kasama ang pamilya ni draven at ng mga avalon.

"Himala. Pinayagan ka niya na umalis ng hindi siya kasama?" Sabi nito habang natatawa pa kaya na pailing-iling nalang ako.

Madalas kasi ay kasama ko si draven at hindi din siya pumapayag kung hindi ako kasama.

Pinauna ko nalang na pumasok si skylar sa loob bago ako sununod sa kaniya kasunod si shaira.

Inimbitahan din nila grandpa ang pamilya valdez at hindi ko pa sigurado kung tungkol saan itong gathering na gaganapin ngayon.

Wala naman kasi silang sinabi tungkol sa biglaang gathering, kanina lang sila nagsabi at ang sabi ni seraphina kanina sakin ng tumawag siya ay malalaman ko nalang daw kapag nagsimula na.

Umalis na kami kaagad at ilang sandali pa ay tumigil na din ang sinasakyan naming limousine sa tapat ng malaking pinto ng mansion.

Ilang sandali pa ay bumukas na din ang pinto kaya pinauna na namin si skylar na lumabas at sumunod kami ni shaira.

Magaling naman na si skylar at kaya niya na din magsalita ng maayos at makalakad ng tuwid, sa susunod na linggo pa siya makakapasok.

"Lady Sapphira"

Napabaling ang paningin ko sa kaliwa ko ng marinig ko na may tumawag sa akin hanggang sa nakita ko ang butler ni grandpa.

"Kanina pa po kayo hinihintay ng grandpa niyo. This way, please" aniya nito habang nakaturo pa sa daan kaya na patango nalang ako sa kaniya bilang tugon.

"Alam mo na ba yung tungkol sa mga balita ngayon?" Tanong ni shaira kaya na patingin ako sa kaniya pero ibinalik ko din kaagad ang paningin ko sa linalakaran namin.

"Balita? Tungkol saan naman?"

"Tungkol kay yesenia"

"Yesenia? Anong meron sa kaniya?"

"Sapphira!"

Hindi na natuloy pa ni shaira an sinasabi niya dahil biglang sumulpot si seraphina sa harap namin.

"Sera" pagtawag ko sa kaniya. 'Sera' ang tawag ko sa kaniya, inshort of her name seraphina.

"Nasa loob na sila, kayo nalang ang kulang. Let's go" tugon nito bago naunang maglakad palayo kaya sumunod kami sa kaniya.

Got Pregnant by Mr. MillionaireWhere stories live. Discover now