CHAPTER 39

7.5K 200 7
                                    

Sapphira POV

"Sigurado ka ba talaga? Pwede ka naman hindi muna pumasok ng ilang araw kung gusto mo eh"

Tanong ni shaira habang tinatahak namin ang mahabang hallway papunta sa opisina niya.

Nandito ako ngayon sa company niya dahil na pagdeisyunan ko ng pumasok na since sobrang haba na ng leave ko.

"Magaling naman na si skylar. Hindi naman pwede na hindi ako pumasok, sobrang tagal na ng leave ko"

"Pero paano nalang yung......"

Nakikita ko ang pagdadalawang isip nito kung itutuloy niya ba ang sasabihin niya o hindi.

Alam ko na hindi din siya makapaniwala sa nangyari noong nakaraang araw.

Kalat na kalat din ngayon ang pregnancy ni yesenia pati na ang kasal nila ni draven na matutuloy daw.

Gusto kasi ituloy ng grandma ni draven ang kasal since na nabuntis daw niya si yesenia.

"Hindi matutuloy ang kasal nila kung yan ang inaalala mo"

Ilang sandali pa ay narating na din namin ang pinto ng opisina niya, bago kami makalapit ay binuksan kaagad iyon ng secretary niya ang pinto.

Nauna pa ako sa paglalakad papasok sa loob at ng makapasok na kami ay bigla akong na patigil sa paglalakad ng makita ko si draven.

"Mr. Hudson"

Pagtawag ko bago ako naglakad palapit sa kaniya at ng makalapit ako sinalubong niya ako ng isang mahigpit na yakap na may kasama pang matamis na halik.

"I made a lunch for you.... Baby"

Bigla nalang may dumaloy na kuryente sa buong katawan ko ng marinig ko ang tinawag sa akin ni draven.

Naglakad ako palapit sa table ni shaira para ilapag ang hawak kong documents at ngayon ay nasa likod ko si draven.

"B-baby?"

"Hh-hmm.... why, don't you like it? Baby?" Malambing nitong tanong at naramdaman ko pa ang pagpulupot ng mga kamay niya sa bewang ko saka yinakap ako ng mahigpit at ipinatong ang baba niya sa balikat ko.

Hindi ako nakasagot agad sa tanong niya at na paiwas din ako ng tingin, hindi ko na paigilan ang hindi mapangiti at mapakagat sa labi ko.

"Uhm hello! Nandito po ako? Kung gusto niyo maglandian ay bukas ang pinto at pwede niyong gawin sa labas. Respeto naman oh"

Bigla akong na paangat ng tingin kay shaira dahil sa sinabi niya. Na pairap nalang ito sa akin kaya hindi ko na paigilan ang hindi matawa dahil sa reaskyon ng mukha niya.

Napailing-iling nalang ito bago niya itinuon ang buong atensiyon niya sa ginagawa niya.

Pinaghila din ako ng upuan ni draven at siya pa mismo ang nagsubo sa akin ng mga linuto niya.

Tumagal din ng ilang minuto dito si draven bago siya umalis ay may mga bagay pa siyang binilin sakin at hintayin ko daw siya mamaya kasi susunduin niya ako.

Ilang sandali pa ay umalis na din siya at ngayon ay tinatahak namin ni shaira ang Hall way dahil may nakalimutan daw siyang kunin.

"Saan mo ba kasi linagay?"

Tanong ko habang tinutulungan ko siyang maghanap dito sa likod ng sasakyan niya. Nandito kami ngayon sa parking lot at hinahanap ang cellphone niya dahil may kailangan siyang tawagan, hindi ko din naman dala ang sakin.

"Hindi mo talaga lalayuan si draven, huh?" Bigla akong na patigil sa paghahalungkat ng mga gamit niya ng marinig ko ang isang pamiyar na boses.

Kaya ng mapalingon ako ay nakita ko si yesenia, mataray pa itong tumingin sa akin kaya na patingin ako kay shaira.

Got Pregnant by Mr. MillionaireWhere stories live. Discover now