CHAPTER 18

6.8K 176 3
                                    

Sapphira POV

Habang naglalakad ako ay na patigil ako ng makita ko si cara kaya naglakad na ako palapit sa kaniya dala ang isang folder na binigay niya kanina sakin. May hindi lang kasi ako maintindihan sa file na binigay niya sa akin kanina.

"Cara, ito lang ba lahat ng details about kay mrs. nuevez? Parang may kulang lang kasi" tanong ko sa kaniya at na patigil pa siya sa pagtatype na ginagawa niya sa computer niya saka na paangat na patayo.

"Sandali lang po titignan ko"

sabi nito kaya na patango nalang ako at nakita ko na hinahalungkat niya ang mga folders na nakalagay sa ibabaw ng table niya kaya hinintay ko nalang na mahanap niya ito pero na pakamot nalang ito sa batok nito at na patigil sa paghahanap.

"Ms. Sapphira yan na po lahat, yan lang po yung na tanggap ko. Pero pwede ko naman po tanungin si ms. nuevez tungkol sa mga kulang po na nakalagay diyan" aniya nito kaya na patango nalang ako.

"Sige salamat. Ako nalang bahala kumausap kay ms. nuevez tungkol sa mga kulang na nakalagay dito, pakilagay nalang mamaya sa ibabaw ng desk table ko yung iba na hinihingi ko " saad ko at nagpaalam na din kaagad, naglakad na ako palayo sa kaniya saka tinungo ang pinto ng opisina ko.

"Sapphira!"

Na patigil ako ng marinig kong may tumawag sa akin kaya ng mapalingon ako ay nakita ko si shaira na nag-mamadaling naglalakad palapit sa akin.

"Oh bakit? May kailangan ka?" Tanong ko sa kaniya at humahangos pa itong na patigil sa harap ko.

"P-pwede ka bang pumunta ngayon sa company ni mr. Hudson?" Sabi nito kaya na pakunot ang noo ko sa kaniya.

"Sa company niya? Bakit?" Kunot noo kong tanong dahil ano naman ang gusto niyang gawin ko dun ngayon?

"Tumawag kasi yung secretary niya. Si jennifer. Pinapapunta ka niya doon ngayon" sagot nito kaya lalong napakunot ang noo ko.

Si jennifer?

"Ano naman ang kailangan niya? May tinatapos pa ako s-"

"Mamaya mo na tapusin yang gagawin mo, kailangan ka ngayon doon" pagputol nito sa sinasabi ko at kinuha niya ang hawak kong folder saka ibinigay iyon sa secretary niya na kasama niya.

Magsasalita sana ako ng bigla niya akong hinila kaagad ng mabilis at halos madapa din ako sa bilis ng paglalakad namin. Hinihingal kaming na patigil sa tapat ng elevator kaya binawi ko kaagad ang kamay ko.

"S-sandali nga! Bakit ka ba nagmamadali? Saka sabihin mo nga sa akin ano ba talaga ang kailangan niya at kailangan na ngayon pa ako pumunta? Hindj ba pwedeng mamaya nalang?" Tanong ko habang hinihingal ako at hinahabol ang paghinga ko.

"Basta! Sumunod ka nalang sakin, ihahatid na kita" iritado nitong sagot at ng bumukas ang pinto ng elevator ay hinila niya agad ako papasok sa loob.

Hindi ko alam kung ano talaga ang meron at nagmamadali siya? Kailangan ko pang tapusin yung portfolio na ginagawa ko na ipapasa na bago matapos ang unang semester ngayong buwan.

Ilang sandali pa ay bumukas na din ang pinto ng elevator at hinila na naman niya agad ako palabas doon. Sobrang bilis ng paglalakad niya kaya binilisan ko din lalo ang paglalakad ko para makasabay sa kaniya, habang naglalakad din kami ay na papatingin sa amin ang mga nandito ngayon.

Ilang sandali pa ay nakalabas na din kami at nakahanda na din ang sasakyan niya. Kahit na naguguluhan ako ay sumakay nalang ako sa loob, ng makapasok ako sa loob ay na gulat ako ng bigla niyang pinaandar agad ng mabilis.

Na patingin pa ako sa kaniya pero sobrang nakatuon ang atensyon niya ngayon sa pagmamaneho. Sinuot ko nalang ang seatbelt at na pasandal nalang ako. Ilang sandali pa ay tinigil na din niya sa gilid kaya na patingin ako sa labas.

Got Pregnant by Mr. MillionaireWhere stories live. Discover now