CHAPTER 36

7K 165 12
                                    

Draven POV

Nandito na ako ngayon sa airport at naglalakad palapit sa gawi nila Kyleigh at darwin.

Na patingin sila sa akin ng makita nila ako at may dala din silang mga luggage nila dahil sasama sila sa akin sa Australia.

"What took you so long? Alam mo na 1:30 p.m ang flight natin. It's already 2:00 p.m!" May halong pagkainis na tanong ni kyleigh ng makalapit ako.

"Tss. I just want to say my goodbye to her"

"Alam ba niya kung anong oras ang flight mo?" Tanong niya habang naglalakad kami at umiling nalang ako bilang tugon sa kaniya.

Bukod sa business meeting ko sa Australia ay tinutulungan ko din sila para sa mission nila.

~FLASHBACK~

"Oh paalis ka na? Sabay na tayo"

"Why are you still here? I thought you already left?"

Tanong ko kay Kyleigh habang naglalakad ako palapit sa elevator. Naabutan ko kasi siya sa labas ng opisina ko at ang akala ko ay umalis na siya.

"Because there's something that I want to discuss with you"

"Like what? Hurry. I still have a meeting" tanong ko sa kaniya at naglakad na ako papasok sa loob ng elevator ng bumukas ito.

"Mas maganda kung sa ibang lugar tayo mag-uusap. Hindi dito"

Na patingin ako sa kaniya at napansin ko na may tinatawagan siya pero ibang lenggwahe ang ginagamit niya.

Spanish language? I think?

"Pwede naman dito, anong pinagkaiba ng-"

"Hindi pwede. Baka may makarinig ng usapan natin, mahalaga ang sasabihin ko" pagkontra nito at nauna siya sa paglalakad palabas ng elevator ng bumukas iyon.

Napatingin ako sa wrist watch na suot ko bago ko tinawagan ang secretary ko para imove ang oras ng meeting ko dahil mukhang matatagalan kami.

Sumunod nalang ako sa kaniya at paglabas namin ay may isang itim na van ang nag-aabang sa labas.

Nauna siyang pumasok sa loob kaya sumunod nalang ako sa kaniya at ng makapasok ako sa loob ay pinaandar na kaagad ng driver niya.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta hanggang sa tumigil ang van sa isang bakanteng lote at wala din kahit na sino ang nandito.

Lumabas kaagad ang driver na kasama namin kaya na patingin ako sa kaniya na ngayon ay kinukuha sa loob ng bag niya.

"Tungkol saan ba ang pag-uusapan natin? Bakit dito mo pa ako dinala" tanong ko sa kaniya at may ibinigay siya na isang folder sa akin kaya kinuha ko iyon at binuksan.

Binuksan ko kaagad iyon at binasa ang nakalagay sa loob pero napapakunot ang noo habang binabasa ko yun.

"What's this? Why are you showing me this file? This is a top secret mission, Kyleigh" seryoso kong tanong sa kaniya at ilinapag ko ang hawak kong folder sa kabilang upuan.

"I need your help. Draven"

"You need my help? Paano kita matutulungan sa bagay na yan? Hah? Alam mong wala akong alam pagdating sa mga ganyang kaso. Kyleigh"

"Naging detective ka din, so stop acting like you don't know how it works"

Na paiwas nalang ako ng tingin sa kaniya habang na kaupo ako ng pang-dekwatro at nakasandal sa backseat.

Got Pregnant by Mr. MillionaireWhere stories live. Discover now