CHAPTER 24

6.9K 189 12
                                    

Sapphira POV

MABILIS na lumipas ang mga araw dahil ngayon na ang gathering ng pamilya nila draven kung saan ay kasama ang buong pamilya ng avalon.

Nandito ako ngayon sa kuwarto ni skylar kung saan ay nagbibihis ako dahil gusto ni draven na isama ako sa family gathering nila na gaganapin sa isang cruise ship.

Madami ang mga pinadala ni draven na mga dress na pagpipilian ko para isuot mamayang gabi, hapon palang naman ngayon at may dalawang oras pa bago maggabi.

Magaganda naman ang mga pinadala niya pero mas gusto ko na simple lang ang isusuot ko, kung saan ako mas kumportable.

Ang pinili ko ay ang long chiffon-off-shoulder red dress, at tinali ko din ang mahaba kong buhok, half curly ponytail ang ginawa ko sa buhok ko at naglagay din ako ng kaunting foundation at blush on sa mukha.

Isang 4.5 inches na high heel naman ang suot ko ngayon. Kinuha ko din sa maliit na box ang blue solitaire sapphire ko na necklace saka isinuot iyon.

Napangiti nalang ako ng makita ko iyon kaya ng matapos na ako sa pag-aayos ay tumayo na din ako at kinuha ang purse ko saka naglakad na palapit sa pinto para lumabas.

Nauna ng bumaba si skylar kung saan ay tapos na siyang magbihis, maaga kami pupunta doon dahil may kalayuan din ang lugar na sinabi ni draven.

Hindi namin kasama si draven dahil nauna na siya doon at ang sabi niya ay sasalubungin nalang niya kami ni skylar.

Ng makababa na ako ay tumungo na kaagad ako sa labas, nauna ng pumasok sa loob ng sasakyan si skylar at may ilang mga bantay din na pinadala si draven para samahan at ihatid kami doon.

Habang naglalakad ako palapit sa sasakyan ay binuksan na ng isang butler ang pinto. May kasama din kaming butler ngayon.

Sumakay na ako kaagad sa loob ng makalapit ako, pagpasok ko ay napangiti ako ng makita ko si skylar na suot ang Royal Red dress niya at naka-pony tail din ang buhok niya.

ILANG sandali pa ay nandito na din kami, tumagal din ng higit dalawang oras ang biyahe namin bago kami makarating dito at sa loob din ng higit dalawang oras ay panay ang pagtawag at pagpapadala ng message ni draven para tanungin kung nasaan na kami.

Tinulak ko na pabukas ang pinto at nauna na ako sa paglabas, ng makalabas ako ay sinalubong ako ng isang malakas na hampas ng hangin kaya lumutang sa ere ang mahaba kong buhok.

Tinulungan ko na makalabas si skylar at ng makalabas siya sinara ko na ang pinto saka naglakad na papalapit sa napakalaking cruise ship na nasa harap namin ngayon.

Naririnig ko din ang mga malalakas na hampas ng alon habang naglalakad kami.

May sumalubong naman sa amin sa loob ng makapasok kami ni skylar, may isang staff ang naghatid sa amin para makapasok sa loob.

Ilang sandali pa ay nandito na din kami sa loob at ng mapatingin ako sa buong paligid ay nahagip ng mga mata ko si Ms. Ellison habang kasama si drawin kaya naglakad na ako palapit sa gawi nila habang kasama ko si skylar na ngayon ay nagtatago sa likod ko dahil na din sa dami ng tao na nandito ngayon.

"Ms. Rionach! I'm glad to see you again. I don't expect that you will be here" pagbati sa akin ni ms. Ellison ng makalapit kami kaya na pangiti ako sa kaniya at napatingin kay darwin, walang kabuhay-buhay niya akong tinapunan ng tingin.

"Is she my niece?" Seryosong tanong ni darwin habang nakababa ng tingin kay skylar. Na patango nalang ako sa kaniya bilang tugon.

Bahagya itong yumukod at sinubukan na hawakan si skylar pero lalong nagtago si skylar sa likod ko habang nakahawak ng mahigpit sa laylayan ng dress ko.

Got Pregnant by Mr. MillionaireWhere stories live. Discover now