EPILOGUE

10.9K 250 29
                                    

Sapphira POV

"Mommy! You're so beautiful!"

Na pangiti nalang ako ng marinig ko ang sinabi ni skylar habang nakatingin ako sa repleksyon ko sa malaking salamin.

Nandito kami ngayon sa hotel na tinutuluyan namin ni skylar pansamantala habang hinihintay namin ang araw ng kasal namin ni draven.

Isang taon na din nakakalipas simula ng mangayri ang trahedyang iyon sa buhay namin at madami na din ang mga nagbago sa mga buhay namin sa isang taon na lumipas.

bumalik si kyliegh at darwin sa ibang bansa at kailangan na nilang bumalik dahil tapos na ang mission nila dito. Pero bumalik sila kahapon para makapunta sa kasal namin ni draven ngayon.

Naisilang ko na din ng maayos ang pangalawa naming anak at lalake naman ito. Kamukhang-kamukha niya si draven. Si skylar naman ay medyo malaki na pero hindi na siya mahiyain dahil nakakaya na niyang humarap sa madaming tao.

"Grandpa!"

na palingon ako ng marinig ko ang sinabi ni skylar hanggang sa makita ko si grandpa kasama sila papa kaya na pangiti nalang ako ng makita ko sila.

"Grandpa" pagtawag ko at naglakad ako palapit sa kanila, sinalubong ako ng yakap ni grandpa.

"You're gorgeous. Sapphira"

"Thank you grandpa"

"Nauna na yung iba sa simbahan. Isasabay ko nalang si skylar sa pagpunta ko doon" sabi ni grandpa kaya na patango nalang ako.

Inaya na niya si skylar na umalis, samantalang si dalton ay kanina pa nauna sa simbahan kasama ng mga magulang ni draven pati na si shaira ay nauna na din doon dahil may kailangan pa siyang asikasuhin.

Siya kasi ang tumutulong sa paghahanda ng kasal namin pero katulong din niya sa pagahahanda si martin at si seraphina naman nandoon na din kasama nila kyleigh at darwin.

ng makalabas na sila grandpa ay kami nalang tatlo ngayon nila papa, na patingin ako sa kanilang dalawa.

"Suot mo pa din ang binigay sayo ni gianna" sabi ni papa, ang asawa ni mama.

na pahawak nalang ako sa suot kong necklace habang na kangiti ako.

"Sayang po kasi wala dito si mama. Alam ko po na magiging masaya siya kapag nalaman niya na nagkaayos na kayo" saad ko at hindi ko na pigilan ang hindi mapangilidan ng luha.

"Pwede po ba akong humiling sa inyo?" dugtong ko habang pinupunasan ko ang luha ko.

Matagal ko ng pinag-isipan ang bagay na ito at alam ko na sila lang ang makakatupad ng hihilingin ko.

"Of course, tell me"

"What kind of wish?"

"Pwede po bang kayong dalawa ang maghatid sa akin sa altar" sagot ko at bigla silang nagkatinginan dahil sa sinabi ko.

"But I'm not your biological father, sapphira. Si peterson dapat ang maghahatid sayo dahil siya ang tunay mong ama"

"Pero kayo po ang nagpalaki sakin. Simula bata palang ako kayo na yung nandiyan para sa akin papa" tugon ko saka hinawakan ang mga kamay nila.

"Gusto ko po na kayong dalawa ang maghahatid sa akin sa altar" dugtong ko habang nakatingin sa kanila.

Sabay ang pagtango nila bilang pagpayag kaya lalo akong na pangiti. Yinakap ko silang dalawa at labis din ang kasiyahan na nararamdaman ko ngayon dahil sa wakas ay magiging mapayapa na ang lahat.

Bigla nalang bumukas ang pinto hanggang sa pumasok dito sa loob si sharlene. Yes, you heard me. Si sharlene ang pumasok dito sa loob.

Nakaligtas si sharlene sa pagsabog ng eroplano pero si yesenia ay hindi. Naging kritikal din ang kalagayan ni sharlene pero ngayon ay maayos na siya.

Got Pregnant by Mr. MillionaireWhere stories live. Discover now