CHAPTER 20

7.7K 201 1
                                    

Sapphira POV

Bumukas na ang pinto ng elevator kaya naglakad na ako papasok sa loob pero bago ako pumasok sa loob ay na patingin uli ako sa kaniya.

Ng makapasok na ako sa loob ay pinindot ko na ang number ng floor na pupuntahan ko at na paatras pa ako palayo sa pinto saka na patingala sa itaas kung saan nakalagay ang mga number ng mga floor dito.

Sumara na ito kaya hinintay ko nalang na bumukas uli ito. Ilang sandali pa ay bumukas na din ito kaya naglakad na ako palabas at tinungo kaagad ang VIP room kung saan ay naghihintay sa akin ngayon ang client ko.

Ng makarating na ako sa tapat ng pinto ay kumatok na ako saka na paatras pa ako ng bahgya habang hinihintay ko ang pagbukas ng pinto.  Ilang sandali pa ay bumukas na din ito kaya na paangat ako ng tingin pero na patigil ako ng makita ko siya.

Siya yung nakita ko kanina ah?

"You're Ms. Rionach? Right?" Tanong nito kaya na tauhan ako mula sa pagkakatulala sa kaniya.

"Y-yes! I'm sorry but I think I knocked in wrong room-"

"Nope! I'm her friend, may pinuntahan lang siya pero babalik din naman siya. She also asked me to open the door for you" pagputol nito sa sinasabi ko kaya na patigil ako ng maglalakad sana ako paalis at na patingin sa kaniya.

Inaya niya ako na pumasok sa loob pero nagdalawang isip pa ako kung papayag ako. Na patingin ako sa buong paligid para malaman kung may iba bang nakatingin pero wala naman kaya pumayag na din ako na pumasok sa loob.

Gumilid pa siya para makapasok ako at ng makapasok ako ay sinara na niya ang pinto kaya na patingin ako sa buong paligid.

Naglakad na ako palapit sa couch saka umupo na, ilinapag ko din sa ibabaw ng table na nasa harap ko ang bag na hawak ko pati ang ilang folder na dala ko na kung saan ay naglalaman ng mga report tungkol sa mga clients ko.

Ang client ko ngayon na si Ms. Ellison ay isa sa mga kilala at sikat na  super-model, makikita mo din siya sa mga magazine at billboards sa labas, meron din siya ibang movie projects kung saan siya ay bida.

Siya ang pumapang-apat sa mga pinakasikat na celebrity dito sa bansa at pati na din sa ibang bansa ay kilalang-kialla ang pangalan niya.

Hindi naman ito ang unang beses na gumawa ako ng design para sa isang super-model, may mga iilan din na celebrity ang nagpagawa sa akin ng design nila.

"I'll  be in the next room, just call me if you need something"

Paalam nito kaya na patango nalang ako sa kaniyang bilang tugon. Naglakad na siya patungo sa kabilang pinto at pumasok na sa loob kaya ng makapasok na siya doon ay kinuha ko na ang bag ko at hinila pabukas ang zipper.

Kinuha ang maliit kong sketchbook  sa loob ng bag ko kasama ng lapis at iba pa na kakailanganin ko para sa design na gagawin ko. May binigay naman na si Ms. Ellison na idea para sa design na gusto niya kaya hindi din ako nahirapan na makaisip ng design na babagay sa kaniya.

Ilang sandali pa ang lumipas at bigla akong na patigil ng marinig at maramdaman ko ang pagbukas ng nito kaya na paangat ako ng mukha. Nakita ko na lumabas yung kasama ko dito at may hawak pa siyang isang dress?

"Hindi siya makakapunta ngayon dito, madami pa kasi siyang ginagawa sa baba kaya hindi pa siya makakaakyat dito" sabi nito at sobrang lalim din ng boses niya, na papahikab pa siya na mukhang kakagising niya lang?

"Pwede ko namna siya puntahan kung hi-"

"Pero ang sabi niya pumunta ka daw sa baba at doon nalang kayo mag-uusap para sa design na gagawin mo" pagputol nito sa sinasabi niya kaya na patigil ako.

Got Pregnant by Mr. MillionaireWhere stories live. Discover now