CHAPTER 28

6.7K 206 5
                                    

Sapphira POV

"Oh para kanino naman yang lunch box na ginagawa mo?"

Na paangat ako ng mukha kay shaira ng marinig ko ang tanong niya, nasa harap ko siya ngayon at pinapanood ang mga ginagawa ko.

"Balak ko sana dalhan ng lunch si draven ngayon, wala din naman kasi ako ginagawa kaya naisipan ko na gumawa nalang ng lunch box para jay draven since mag-lulunch time na din" paliwanag ko sa kaniya habang linalagay ko ang fried shrimp sa loob nitong lalagyan.

Wala naman kasi kami ginagawa ngayon dahil day off din namin at nasa school pa si skylar ngayon pero malapit na din matapos ang oras ng klase ni skykar.

Dahil ang sabi ng head ng school ay may event daw na gaganapin ngayon para sa mga staffs at teachers, kaya maaga ang uwian ngayon nila skylar.

"Talagang sasabihin mo na sa kaniya na gusto mo siya ah? May pa-lunch box, lunch box ka pa" Aniya nito na ikinaiwas ko ng tingin sa kaniya.

Hindi ko nalang siya pinansin, sa halip ay tinapos ko nalang ang ginagawa ko dahil malapit na din ang lunch time nila draven.

Nandito ako ngayon sa penthouse ni shaira at pumayag naman siya na dito ako gumawa ng lunch box, basta may maiiwan din sa kaniya na mga linuto ko.

Ilang sandali pa ay natapos na din ako kaya linagay ko na sa loob ng bag ko ang lunch box na ginawa ko.

"Sandali lang, kukunin ko lang yung susi ng sasakyan ko. Ihahatid na kita" sabi shaira habang naghuhugas ng kamay niya dahil kakatapos niya lang kumain.

"Sige, sa labas nalang kita hihintayin" tugon ko at isinukbit na sa balikat ko ang hawakan ng bag ko.

Naglakad na ako palayo sa kaniya at tumungo sa labas, naghintay ako sa labas ng sasakyan niya hanggang sa dumating na siya kaya binuksan ko na ang pinto sa front seat at pumasok sa loob.

Sinuot ko na ang seatbelt at pinaandar na din ni shaira. May kalayuan ang penthouse ni shaira sa company nila draven pero binilisan naman niya ang pagmamaneho para makarating kami doon kaagad.

Habang bumabiyahe din kami ay puro mukha ni yesenia at draven ang mga nakikita ko sa mga billboards na nadadaanan ko.

Alam ng lahat ang kasal na gaganapin sa pagitan nila draven at yesenia. Maging sa mga headlines ng balita ay tungkol sa kasal nila ang pinag-uusapan.

Itinigil na ni shaira sasakyan kaya tinanggal ko na ang seatbelt na suot ko.

"Sabihin mo nalang kung gusto mo magpasundo ha? Nasa penthouse lang ako"

"Sige, thank you sa paghatid"

Sabi ko at humalik muna ako sa pisngi niya bago ko tinulak pabukas ang pinto ng sasakyan.

Lumabas na kaagad ako at naglakad papasok sa loob. Naglakad na ako palapit sa elevator na ngayon ay nakabukas na kaya naglakad na ako papasok sa loob at pinindot ang button level kung nasaan ang opisina ni draven.

Ilang sandali pa ay bumukas na din ito kaya naglakad na ako palabas at tinungo ang opisina ni draven hanggang sa makita ko si jennifer, ang secretary niya.

"Ms. Sapphira!"

Na patayo pa ito ng makita ako at nagmamadali siyang naglakad palapit sa akin.

"Si draven ba, nandiyan? May ibibigay lang sana ako sa kaniya" tanong ko sa kaniya habang na papatingin ako sa pinto ng opisina nito.

"Nandiyan po siya pero-"

"Sige, pupuntahan ko lang siya. Salamat"

Paalam ko sa kaniya at naglakad na palapit doon. Hindi ko maiwasan ang hindi mapangiti habang naglalakad ako palapit doon.

Got Pregnant by Mr. MillionaireWhere stories live. Discover now