CHAPTER 16

8K 196 5
                                    

Sapphira POV 

"Ito kaya? maganda siya at bumabagay din siya sa skin tone mo" 

suhestiyon nito kaya na palingon ako sa kaniya at na patingin sa hawak niya at isang red off shoulder dress ang nakita kong hawak niya.

"Hindi. Sobrang makikita ang cleavage ko kapag sinuot ko yan" pagtanggi ko sa suhestiyon niya at pinagpatuloy nalang ang paghahanap ng maisusuot ko. 

nandito kasi ako ngayon sa penthouse niya dahil ang sabi niya ay nandito pa din ang mga dati kong collection na mga dress mula sa mga sikat na designer na binili ko pa sa ibang bansa noong ako pa ang humahawak sa company namin.  Bukod kasi sa mga gamit na dinala ko papuntang africa ay may mga naiwan din akong gamit dito sa penthouse niya dahil hindi ko naman kayang dalhin lahat ng mga yun. 

bukod sa collection ng mga dress ay may iba pa akong collection, katulad ng mga mamahaling high heels, branded bags and purse, meron din akong mansion sa africa kung saan ako tumira for 4 years. Hindi naman talaga ako naghirap simula ng tinanggal ako sa posisyon ko as CEO ng company na hinahawakan ko at ng itinakwil ako ng pamilyang wala naman pakielam sakin. 

may mga na ipundar at na ipon din naman ako pero hindi ko ginamit ang mga iyon dahil gusto ibigay ang lahat ng meron ako kay si skylar, It's for her future. Pero kahit na bumalik kami dito ay hindi ko ginamit ang mga ipon ko para bumili ng malaki at magandang mansion, may mga properties din naman ako dito pero hindi ko pa ginagalaw. 

Habang pumipili ako ay may na kaagaw sa mga mata ko kaya kinuha ko iyon at pinakatitigan, isang V-neck half sleeve dress ang hawak ko ngayon na kulay purple kaya pinakita ko iyon kay shaira at na paharap siya sa akin. 

"Hh-hhm maganda din siya, yan ba yung susuotin mo?" 

"yup! magbibihis lang ako" 

sagot ko at tumango nalang siya kaya naglakad na ako palayo sa kaniya saka tinanggal ang suot ko at isinuot na iyon. Ilang sandali pa ay natapos na din ako sa pagbibihis kaya bumalik na din ako sa kabilang kuwarto kung saan ay naghihintay si shaira, ng makapasok ako ay naglakad na agad ako palapit sa kaniya at ngayon ay nakabihis na din siya. 

Isang red cold-shoulder long high-neck mermaid formal dress ang suot niya at messy bun with bangs naman ang ayos ng buhok niya ngayon samantalang ang sakin ay isang long curly hair with braids. 

Umalis na kami kaagad sa penthouse niya at sumakay na sa sasakyan na naghihintay sa amin sa labas, hindi ko din sinama si skylar dahil hindi pa siya masiyadong sanay na makasilamuha sa madaming tao pero kasama naman niya yung nanny niya, mabait din naman ang nanny niya at wala naman ako nakikitang problema kung sa kaniya ko ipagkakatiwala ang anak ko.

ilang sandali pa ay nandito na kami kaya ng tumigil na ay na patingin pa ako  sa labas at mula dito sa loob ay madaming mga tao ang nakikita ko na nakakalat ngayon sa labas ng mansion nila shaira na mukhang may mga hinihintay. Narinig at naramdaman ko ang paglabas ni shaira kaya tinulak ko na din pabukas ang pinto. 

naglakad na ako palabas at ng makalabas ako ay sinara ko na ang pinto saka humarap na pero na gulat ako ng biglang bumungad sa harap ko si draven kaya na patigil ako sa paggalaw at na patitig sa kaniya. 

sandali wala siya kanina dito ah?

saan naman kaya siya nanggaling?

na paiwas din ako kaagad ng tingin at na patingin sa buong paligid, nakita ko na sa amin sila nakatingin ngayon 

Hinanap ng mga mata ko kung na saan si shaira hanggang sa makita ko siya na naglalakad na ngayon papasok sa loob pero bigla itong na patigil at na palingon pa sa akin. Isang pilyong ngiti ang nakita ko mula sa kaniya.

Got Pregnant by Mr. MillionaireWhere stories live. Discover now