CHAPTER 30

6.9K 201 10
                                    

Sapphira POV

"Most basilar skull fractures heal by themselves and do not require treatment. However, surgical intervention may be necessary in cases complicated by intracranial bleeding, severe nerve or vascular injury, or persistent CSF leaks."

"A-ano po ba ang kailangan natin gawin para maging maayos siya?----ano ba----kailangan ba niya iunder sa surgery?" Nagsisimula ng manginig ang tono ng boses ko habang nagsasalita ako.

"In her case, she need to under in a surgery as soon as possible because of her severe condition,  her body was too weak and we don't know if her body can hold the surgery" paliwanag nito na biglang ikinahina ng mga tuhod ko kaya napakapit ako sa braso ni shaira.

"Pero doc, may posibilidad pa din naman na makayanan ng katawan niya ang surgery na gagawin niyo, diba?" Tanong ni shaira habang inaalalayan ako na makatayo.

"Yes, there's still a chance that she can survive the surgery but there's a possibility of risk when we do the surgery" 

"P-please doc, gawin niyo ang lahat para maligtas niyo ang anak ko. Nakikiusap ako sa inyo, hindi siya pwedeng mawala sa akin. Hindi ko kakayanin kapag nawala siya" pakiusap ko sa doctor habang gumagaralgal ang tono ng boses ko at hindi na din maawat ang paglabas ng sunod-sunod na luha sa mga mata ko dahil sa sobrang pag-aalala.

"We will. For now we need to transfer her to another room for the meantime while we're preparing the O.R" Tumango nalang ako bilang tugon sa sinabi niya.

Ilang sandali pa ay nailipat na din nila si skylar kaya nandito ako ngayon sa loob habang nakaupo sa gilid ng hospital bed niya at hawak ko din ang maliit niyang mga kamay.

"Tinawagan ko na si draven, sinabi ko sa kaniya ang nangyari. Ang sabi niya papunta na siya" sabi ni shaira kaya na patango nalang ako sa kaniya.

"Paano naman mahuhulog sa hagdan si skylar? Hindi ba sabi mo nasa kuwarto siya?" Na patingin ako kay shaira ng marinig ko ang sinabi niya pero ibinalik ko din kaagad ang paningin ko kay skylar.

"H-hindi ko alam, kasama niya ang butler niya kanina ng iniwan ko siya sa play room niya" sagot ko.

Imposible naman iwan siya ng butler niya, nasa baba ang play room niya pero ang sabi ng doctor ay nahulog siya dahil kung nadulas lang siya ay hindi ganoon kalala ang pagkakatama ng ulo niya.

"Bukod sa mga housemaids at butlers na kasama natin kanina, may iba pa bang nandoon?"

"Iba? Anong ibig mong sabihin?"

"Hindi naman kasi siya mahuhulog kung walang tumulak sa kaniya"

"Ang sinasabi mo ba na isa sa mga housemaids o butlers ang gumawa nito kay skylar?"

"That's very impossible sapphira. Walang kahit sino ang nangangahas na gumawa ng kung ano lalo na kung sa mansion pa ni draven, masiyadong loyal ang mga kasama niyo sa bahay. Takot lang nila na mawalan ng trabaho" tugon nito kaya na ikinakunot ng noo ko.

"Sinasabi mo ba na may pumasok kanina sa loob ng hindi ko alam at ginawa ito kay skylar?" Kunot noo kong tanong sa kaniya.

"May posibilidad din na ganun nga ang nangyari. Pero hindi tayo nakakasigurado kung may pumasok nga ba o wala. Hindi naman tayo pwedeng mangbintang nalang ng walang ebidensiya na hawak" sagot nito kaya na pahinga nalang ako ng malalim.

Ilang sandali pa ay bigla nalang bumukas ang pinto at mula sa labas ay pumasok dito sa loob ang doctor na kausap namin kanina kaya na patayo ako mula sa pagkakaupo.

"Doc"

"I have the result for CT scan, X-ray, MRI and Blood test. We do all the test to confirm how severe her condition is"

Got Pregnant by Mr. MillionaireWhere stories live. Discover now