CHAPTER 11

8.6K 236 6
                                    

Sapphira POV

[Declined]

Na gising ako ng maramdaman ko na may kung anong mabigat na nakadagan sa bewang ko kaya unti-unti ko idinilat ang mga mata ko at ng mapabaling ang ulo sa kaliwa ay bigla akong na tauhan ng makita ko si draven na sobrang lapit sa akin at ng mapababa ako ng tingin ay nakita ko na nakayakap ang kamay niya sa bewang ko.

holy shit!

Agad akong na pabangon mula sa pagkakahiga dahil sa pagkagulat at lumayo sa kaniya. Sandali lang bakit magkatabi kami? Ilinibot ko ang buong paninigin ko sa buong paligid at na patigil ako ng makita na nandito ako ngayon sa loob ng kuwarto niya.

na pahilamos ako sa buong mukha ko at na pasandal sa gilid kung saan may nakalagay na unan. Pinakalma ko muna ang sarili ko dahil baka kung ano ang magawa ko sa kaniya kapag hindi ko pinakalma ang sarili ko.

Inalala ko ang mga nangyari kagabi dahil medyo na padami yata ang na inom ko kagabi? Ng mapabaling ang ulo ko sa kanan ko ay na patigil ako ng makita ko ang blue sapphire necklace na nasa gilid ng drawer nitong higaan at nakalagay din iyon sa isang maliit na box na kulay black.

maingat ko kinuha iyon doon at pinakatitigan ang necklace na hawak ko, unti-unting bumalik sa utak ko ang mga nangyari kagabi.

kaya ako nandito ngayon sa loob ng kuwarto niya at kaya kami magkatabi ay dahil sa pumayag ako na dito ako matutulog dahil binigay niya sa akin itong necklace na matagal ko ng hinahanap.

ilinapag ko na muna ito sa gilid ng kama saka tumayo na mula sa pagkakaupo ko pero na patigil ako ng may maramdaman ako na mga kamay pumulupot sa bewang ko at hinila ako paupo kaya na paupo uli ako at naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni draven mula sa likod at ipinatong pa niya ang mukha niya sa ibabaw ng balikat ko.

Hindi ako nakagalaw dahil sa ginawa niya kaya ng mapaangat ako ng mukha sa kaniya ay nakita ko na nakapikit pa siya, tinapik-takip ko ang kamay niya na kapulupot sa bewang ko.

"Draven bitawan mo na ako, kailangan ko ng lumabas. Kung inaantok ka pa matulog ka pa diyan" sabi ko.

Bigla siyang na padilat ng marinig niya ang sinabi ko.

"Hh-hmm"

Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa bewang ko at ng matanggal ko na ay agad ako tumayo at walang lingon-lingon na naglakad palayo doon.

Hindi ko na hinintay pa na marinig ang sasabihin niya dahil kaagad na akong lumabas sa kuwarto niya at tinungo ang kuwarto na

Pumasok kaagad ako sa loob ng makarating ako sa tapat ng pinto ng kuwarto niya at ng makapasok ako sa loob ay naabutan ko na gising na si skylar kaya lumapit ako sa kaniya.

"Good morning baby, how's your sleep?" Pagbati ko sa kaniya ng makalapit ako at na paangat pa siya ng mukha sa akin.

"Good morning mommy!" Pagbati din niya pabalik at agad na gumapang palapit sa akin at yinakap ako kaya hinalikan ko siya sa noo niya.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya ng mapatingin ako sa pinto ay nakita ko ang nanny ni skylar at ngumiti siya sa akin ng makita niya ako.

"Mommy need to take a shower, okay?" Sabi ko at ng makalapit na siya ay tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama ni skylar at naglakad palapit sa pinto ng bathroom.

kaagad din ako naligo at medyo sumasakit din ang ulo dahil na din siguro sa dami ng nainom ko kagabi. Ng matapos na ako maligo ay nagbihis na kaagad ako dahil kailangan ko pa pumasok.

bago ako lumabas ay sinigurado ko muna na maayos na ang lahat, tinignan ko pa ang sarili ko sa salamin para malaman kung maayos na ba ang pagkakatali ng buhok ko at masigurado ko na maayos na ay kinuha ko na ang gamit ko sa ibabaw ng study table dito sa kuwarto ni skylar.

Got Pregnant by Mr. MillionaireWhere stories live. Discover now