CHAPTER 4

10.7K 244 2
                                    

Sapphira POV

[Discharged]

"may gusto ka pa bang kainin?" tanong ko kay skylar habang pinupunasan ko ang gilid ng labi niya.

kakatapos ko lang pakinin si skylar ng pagkain na hinatid dito kanina ng nurse at pinainom ko na din siya ng gamot niya.

Isang pag-iling ang sinagot ni skylar kaya na patango nalang ako sa kaniya, inalalayan ko siya na makahiga uli at inayos ko din ang unan niya, ng makahiga na siya ay inayos ko ang pagkakakuot sa kaniya.

hinalikan ko siya sa noo niya at tumayo ako saka naglakad papunta kay shaira na nakaupo sa sofa habang may binabasa na isang document, nakapatong din sa ibabaw ng table ang laptop niya kasama ang iba pang mga documents na nakalagay sa loob ng folder.

Umupo ako sa tabi niya ng makalapit ako.

"Sinabi ko naman na sayo na hindi mo kailangan pumunta dito. Alam ko na madami ka din ginagawa" sabi ko habang na katingin sa mga patong-patong na mga folder.

"Hindi din naman ako matatahimik kung wala ako dito, it's my fault why skylar's here. Hindi ko naman kayo pwedeng iwan nalang lalo na ngayon at alam na natin kung sino ang daddy ni skylar" paliwanag nito habang nakatuon ang paningin sa ginagawa niya.

"Isa pa hindi din magiging madali kung malalaman ng lahat ang relasyon mo kay Mr.hudson, kapag nalaman nila na ang ama ng anak mo ay si mr. Hudson na Multimillionaire CEO ng Hudson company at ang company niya ang nangunguna sa business industry" dugtong nito kaya na pahinga ako ng malalim.

"Madami din ang mga nagakakandarapa at naghahangad na mapangasawa Multimillionaire CEO na si mr. Hudson dahil bukod sa pagiging Multimillionaire CEO ay nasa kaniya na ang lahat ng quality na hahanapin mo sa isang lalake" pagpapatuloy nito at may kinuha na isang document.

"Alam ko, aware ako sa pwedeng mangyari kapag nakalabas sa lahat ang koneksyon ni skylar kay Mr. Hudson at hindi ko naman gusto na si skylar ang maging spotlight nila" sabi ko at na pasandal nalang ako sa sofa.

Na isip ko na din ang mga posibleng mangyari kapag nalaman nilang lahat na may anak si mr. Hudson sa akin.

"Ano ng plano mo ngayon? I lalayo mo ba si skylar sa kaniya?" Tanong ni shaira kaya na patingala nalang ako.

"Hindi ko pa alam" sagot ko at na pahugot ng isang malalim na paghinga.

"Kitang-kita mo naman kung gaano kasaya si skylar ng sinabi ko ang tungkol sa daddy niya. Matagal ng hinahanap ni skylar ang daddy at hindi ko naman pwedeng ipagkait sa kaniya ang makasama at makilala niya ang daddy niya pero--"

"Pero ano? Natatakot ka ba na baka kunin siya ng daddy niya at ilayo siya sayo?" Pagputol nito sa sinasabi ko kaya na pailing ako.

"Natatakot din ako na malayo sakin si skylar pero ang mas kinakatakot ko ay ang kung ano ang mga pagbabago na pwedeng mangyari kapag nakasama na ni skylar ang daddy niya. Kapag napalapit ang loob niya sa daddy niya ay mahihirapan ako na bawiin si skylar kung magkataon na maisipan niya na ilayo talaga si skylar" paliwanag ko sa kaniya.

Ang mas iniisip ko ay ang mararamdaman ni skylar dahil siya ang maiipit kung magkaproblema ang pagitan namin ng daddy niya.

Wala naman akong pakielam kung Multimillionaire ang daddy niya, ano naman gagawin ko sa madaming pera kung hindi naman masaya ang anak ko?

"Malapit ng lumabas si skylar dito, bukas na ang discharged niya dito sa hospital at bukas na din kayo dadalhin ng mga nakabantay diyan sa labas sa mansion ni mr. Hudson" sabi nito kaya na pababa ako ng tingin at na patingin kay skylar na ngayon ay natutulog na.

Got Pregnant by Mr. MillionaireWhere stories live. Discover now