CHAPTER 5

10.1K 247 6
                                    

Sapphira POV

[Kick his ass]

ng masigurado ko ng nakaalis na sila shaira ay tinignan ko sila isa-isa, ngayon ko lang uli nagamit ang na tutunan ko sa martial arts ng college pa kami ni shaira at ng huli kong ginamit ang martial arts ay naging kritikal ang taong iyon at na confined sa hospital ng isang taon.

yun ang una at huling beses na ginamit ko ang natutunan ko sa martial arts dahil ang sabi nila ay makakapatay ako kapag ginamit ko uli iyon.

tinignan ko muna ang paligid para malaman kung may madadamay ba sa gagawin ko, ng makita ko na kami lang ang nandito ay hindi na ako nagsayang pa ng segundo at na unang lumapit sa kanila.

Ipinalo ng malakas sa ulo ng lalake na nasa kanan ko ng susubukan niya sana akong hawakan, ang sumunod naman ay sinikmuraan ko sa tiyan at agad akong yumuko ng maramdaman ko ang isang presensiya sa likod ko.

agad akong umikot paharap sa lalakeng iyon binigyan siya ng isang malakas na suntok sa panga at malakas na sinuntok sa tiyan kasabay ng isang malakas na pagsipa na naging dahilan para tumalsik ito ng malakas sa pader at tumama din ang ulo niya sa pader kaya nawalan ito ng malay.

tatlo na nag na papatumba ko at may tatlo pang natitira ngayon sa harap ko. Tumakbo ako paakyat sa pader at sinipa ko ang mukha ng isa kaya na patalsik din ito pero agad na sumugod sa akin ang isa kaya hindi ko na siya hinayaan na mahawakan ako dahil agad ko pinatamaan ang weakspot niya.

alam ko din ang mga kahinaan ng isang lalake kaya hindi ako nahihirapan na patumbahin agad sila. May isang kamay ang humawak sa balikat ko kaya na paikot ang mata ko.

agad ko hinawakan ang kamay nito at malakas na ibinalibag ang buong katawan nito sa sahig, na milipit pa ito sa sakit dahil sa ginawa ko.

Habol ko ang paghinga ko ng mapatigil ako at ng tinignan ko sila isa-isa ay nakita ko na wala ng mga gumagalaw na kahit sino sa kanila kaya binitawan ko na ang hawak kong stick.

agad akong naglakad palayo doon at sinundan sila shaira at skylar sa labas, hindi ko alam kung saan sila pumunta ngayon pero habang naglalakad ako ay kinuha ko agad ang cellphone ko sa bulsa ng pants ko at dinial ang number ni shaira, nakailang ring pa bago niya sinagot.

'hello shaira! where are you? si skylar?" tanong ko ng sinagot niya ang tawag ko.

[yes, kasama ko si skylar ngayon. Papunta kami ngayon sa isa mo pang apartment] sagot nito kaya na kahinga ako ng maluwag ng malaman na kasama niya pa din si skylar. May isa pa akong apartment na binili ko bago ako umalis dati at tanging si shaira lang ang nakakaalam kung na saan iyon.

"okay susunod na ako sa inyo diyan, hintayin niyo nalang ako ni skylar"

[Sige, ako ng bahala kay skylar. Mag-iingat ka}

sabi ni shaira kaya binabaan ko na agad siya ng tawag at binalik sa loob ng bulsa ko ang cellphone ko. Lalo ko pa binilisan ang paglalakad ko at agad akong humanap ng masasakyan.

may nakita ako na paparating na taxi kaya itinaas ko ang kamay ko pero na gulat ako ng may kung anong matigas na bagay ang humampas sa ulo ko na naging dahilan para magdilim ang buong paligid ko.

Nagising ako ng makarinig ako ng ingay kaya dahan-dahan kong idinilat ang dalawang mata ko, isang hindi pamilyar na kisame ang nakita ko ng idinilat ko ang mga mata ko at ng inikot ko ang buong paningin ko sa paligid ay na patigil ako sa paggalaw ng makita ko ang madaming mga servant na nasa paligid ko.

"bilis! bilis! gising na siya!"

"tawagin niyo si master! gising na siya!"

"bilisan niyo ang pagkilos niyo! padating na si master draven!"

Got Pregnant by Mr. MillionaireWhere stories live. Discover now