CHAPTER 6

10.3K 257 1
                                    

Sapphira POV

[New Home?]

Linisan ko agad ang lugar na 'yun at pinuntahan ko kaagad ang pangalawang apartment ko kung saan ay naghihintay sila shaiara at skylar sa akin.

nakasakay ako sa taxi ngayon, malapit na din ako makarating doon na pasandal nalang ako habang nakatingin sa labas.

Alam ko na masiyado akong padalos-dalos sa desisyon ko pero ang gusto ko lang naman ay masigurado na magiging maayos at masaya si skylar. hindi ko na pigilan ang mapabuntong hininga.

ilang sandali pa ay nandito na din ako kaya binigay ko na ang bayad ko at tinulak pabukas ang pinto ng taxi saka naglakad palabas.

ng makalabas ako ay sinara ko na agad ang pinto, humakbang na ako palayo doon at naglakad palapit sa pinto ng makalapit ako ay pinihit ko na pabukas ang pinto at ihinakbang ang mga paa ko papasok sa loob.

na gulat ako ng may mabangga ako kaya ng mapatingin ako ay nakita ko si skylar na nakaupo ngayon sa sahig.

"Skylar! anong ginagawa mo dito? bakit hindi ka pa natutulog?" tanong ko at tinulungan si skylar na makatayo saka pinagpagan ang suot niya.

"Mommy where's daddy?" tanong niya kaya na patigil ako sa ginagawa ko at na paangat ng tingin sa kaniya.

"u-uhm, busy pa kasi si daddy kaya hindi ka niya mapupuntahan sa ngayon" sagot ko at tumayo na habang na kahawak sa kamay niya, sinara ko na din ang pinto.

"skylar!"

na paangat ako ng tingin ng marinig ko ang boses ni shaira, nakita ko siyang nagmamadaling naglalakad pababa sa hagdan at ng makababa siya ay lumapit agad siya sa amin.

"sorry, may kinausap lang ako saglit sa phone ko pagtingin ko kay skylar wala na siya" sabi niya, "tapos na ba kayo kumain?" tanong ko sa kaniya. Hindi ko naman siya sisigawan dahil hinayaan niya si skylar na makababa mag-isa.

masiyado din akong pagod ngayon dahil sa dami ng mga nangyari ngayong araw. Tumango si shaira bilang sagot.

"Patutulugin ko lang si skylar" paalam ko at naglakad palapit sa hagdan saka humakbang paakyat, "Iinitin ko lang saglit yung linuto ko" sabi ni shaira kaya tumango nalang ako.

ng makaakyat na ako sa itaas ay tinungo ko agad ang pinto ng kuwarto ni skylar at tinulak iyon pabukas, naglakad na ako papasok sa loob at naglakad palapit sa kama ni skylar.

binuhat ko si skylar at ilinapag sa ibabaw ng kama niya, ihiniga ko ang ulo niya sa unan niya at inayos ang pagkakalagay ng kumot niya.

"Mommy when will daddy come? skylar wants daddy" tanong ni skylar kaya na paupo ako sa gilid ng kama niya.

"soon, baby" sabi ko, "kailangan mo ng matulog baby, its already bedtime" dugtong ko at binigyan ng isang halik sa noo si skylar.

hindi na nagtanong pa si skylar at ipinikit na niya ang mga mata niya kaya tumayo na ako at naglakad palapit sa pinto, pinatay ko na ang ilaw ng buong kuwarto ni skylar ng makalapit ako sa pinto saka lumabas na.

tumungo na ako sa baba, pumunta agad ako sa dining table kung saan naghihintay si shaira. Ng makarating ako doon ay nakita ko na nakahanda na ang linuto niya kaya naglakad na ako palapit sa upuan at na upo na.

"tulog na ba si skylar?"

"Tulog na, na patulog ko na siya" sagot ko habang linalagyan ko ng pagkain ang plato ko.

"Anong nangyari sayo kanina? bakit nung tinawagan kita iba yung sumagot? saan ka ba pumunta? kanina pa ako nag-aalala sayo eh" sunod-sunod na tanong ni shaira kaya na patingin ako sa kaniya.

Got Pregnant by Mr. MillionaireWhere stories live. Discover now