Kabanata 4

6.4K 143 5
                                    

Kabanata 4

My Property

“Cous—“ Hindi na muling nakasabat si Marco nang biglang naglakad pababa si Conrad. Tinignan ko na lamang ang preskong paglakad niya hanggang sa nawala na siya sa aming paningin. “Kainis!” Bigla akong napatingin kay Marco na ngayo’y hawak-hawak ang buhok. “Shit, Conrad!” Napataas pa ito ng kamay ko na para mong nagpipigil ng kung ano man. Binagsak naman niya iyon at napatingin sa akin. “Pagod na akong maghanap o mag-hire ng sinoman dyan! I’d been emailing models! Pero wala pa rin!” Marco shakes his head.

Napatingin ako kay ate Jam na pinagmamasdan ang daliri. She just shrugs her shoulders. Teka ano ba?

Bumalik muli ang tingin ko kay Marco. “Please, miss, be our model for this project. And I’ll damn pay you double the salary of our resident models.” Lumapit si Marco at kinuha ang kamay ko. “Please, miss.” His eyes are pleading for my yes. “Please.”

I bit my inside cheek. Babayaran niya raw ako kapag pumayag ako sa kagustuhan nila. Babayaran daw nila ako ng doble maging model lang nila. Ibig sabihin ito na iyong sagot sa katanungan ko. Magkakapera na ako. Pero pwede ba ako sa ganito? At saka may ayaw naman sa akin dito. “Pero…’yung pinsan mo.” Napaiwas ako ng tingin pagkasalita ko. Halata namang ayaw sa akin nung pinsan niya at hindi ko alam kung bakit ganon siya umasta na para mong dala niya ang problema ng mundo.

“Conrad is a jerk, an arse, and a douchebag boy! Wala akong pakelam kung ayaw niya nitong gusto ko! But I will damn save our name!” Bigla na namang nainis ang tono ni Marco. “Pumayag ka na, please. You’ll be the replacement of Maggie for this project. Please…please.” Maggie again. Sino kaya ‘yung Maggie na ‘to na mula pagkarating ko rito sa Manila siya na lamang ang bukang bibig ng mga tao rito? “Please, come back tomorrow. My sister will be here to ensure you that Conrad will never refuse about this…about you—our replacement.” Pinisil ni Marco ang kamay ko. Anong gagawin ko?

Napatingin ulit ako kay ate Jam na handa na palang magsalita. “But Mar, hindi sanay si Janella sa ganito.” Ani ate Jam. Napatango naman ako.

“Oo…” nahihiya kong sagot.

“But…please. Please…please I’m begging you.” Pasalit-salit si Marco sa pagtingin sa amin ni ate Jam. “Please…please.”

I pressed my lips. Tumingin ako kay ate Jam pagkatapos kay Marco. “Sige.” I dont’t even know how I said this word…how this one word formed into my lips…I don’t know if I did the right thing.

I don’t know. Gumawa na naman ako ng desisyon para sa sarili ko.

**

“Ate Jam mali ‘yung desisyong ginawa ko. Paano kung makarating sa San Mateo ‘to?” Napakagat na naman ako ng loob ng pisngi ko. Napapunas ako ng palad sa kulay asul kong dress na suot ngayon. Papunta ulit kami sa shop. “’Di ba nalalagay ‘tong kung saan? Baka…baka makita ni dad! At makita niya ako!” Hindi ko maiwasang hindi mag-alala. “Paano?!”

Napahalakhak naman si ate. “Don’t worry. Hindi ko nga nakita nagbasa ng magazine o ano man si tito William. Hindi ko siya nakitang gumamit ng laptop para mag-facebook o twitter o instagram man lang.” Napatawa ulit si ate Jameica. Habang ako kabang-kaba na dahil pupunta ulit kami roon. Ang hindi ko lang alam kung saan ako kinakabahan ng sobra. Sa pagtanggap ko ng offer nila o kay Conrad na ayaw naman ako sa project na ‘to? O baka iyong dalawang ‘yun? Ha!

“Pero ate—“ Hindi na ako nakapagsalita dahil huminto na ang kotse. Bumaba agad si ate Jam at pinagbuksan ako ng pinto. Binigyan niya ako ng ngiti at kinuha ang kamay ko. Nilagay ko naman iyong akin at bumaba na ako ng kotse.

Fall and Chase (ML, #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon