Kabanata 36

4.3K 109 5
                                    

Kabanata 36

Back again


I stared at the ceiling. Ilang oras na akong gising ngunit hindi ko makuhang tumayo o lumabas man lang ng kwarto. Ilang linggo na ako ganito. It took me hours before letting myself to do something usual. My room is not familiar to me now. Parang hindi akin 'to. Parang hindi ako nanatili sa malaki at nakakasakal na kwartong 'to.

It's been weeks.

It's been weeks of loneliness.

And I all I can feel is emptiness and nothing at all.

Akala ko sa bagong mundong kinagagalawan ko magiging masaya at hindi na ako mabubuhay sa kasinungaling muli. Ngunit mali ako ng pinaniwalaan. Maling pinaniwalaan ko ang sarili ko. Maling-mali. I let myself fall on this trap. It is so wrong.

"Nella," a familiar voice. Kumatok din ito sa pinto ngunit pumikit ako ng mariin. Araw-araw na lang ganito. Sa hindi ko pagsagot ay siyang bukas niya ng pinto. Minulat ko ang mata ko ngunit hindi ko siya tinignan. "Nella, talk to me. It's been weeks," aniya. May narinig ako nilapag niya sa side cabinet. I looked away when he sat on the side of my bed. "Nella, I'm sorry. Natukso lang—"

"Please..." I pleaded. "Umalis ka na lang..." Tumagilid ako ng pagkakahiga. Pumikit muli ako. I want to sleep again. I want to forget everything. I want to think all the things happened to me in those months are just nightmare. Please. I've begged many times to myself.

"Dahil ba sa kanya? Is it because of that asshole? Now you tell me?" Johnny snapped. Nawala ang bigat niya sa kama marahil ay tumayo na ito. Narinig ko ang yabag niya ngunit hindi ito umalis sa akin kwarto. Palakad-lakad lamang ito. Nanatili ako sa aking pwesto. "Now tell me? Pinalit mo ba siya sa akin? You want that man! Ha! Siya ba!"

Nag-igting ang panga ko. I've never felt this rage in me. I've never felt so angry in my whole life. Napayukom ako ng kamay. My breathing is slow. I swallowed.

"Ano! Nella! Ganto na lang ba lagi? Ganito na lang ba? Siguro, tama ako! Pinalitan mo na ako kaagad! Ganon lang kadali sa 'yo! Habang ako rito sa San Mateo, alalang-ala sa'yo! Hindi ako makatulog kakaisip kung saan ka nagpunta! Hindi ako makakain ng maayos dahil wala ka! Dahil hindi ko alam kung nasaan ka! Kung maayos ka lang! Tapos ito...ito ang bubungad sa akin! How? Tell me how you fell out of love to me, Nella! How! Damn that stupid asshole, I should've kick his damn—"

"Tama na!" I hissed.

Napaupo ako sa aking kama at tinitigan si Johnny. "Umalis ka na lang! Parang awa mo na! Umalis ka na lang!" I cried out.

I am shaking. Niyukom ko ang aking kamay. I need to calm down. Tinitigan ko ng diretso si Johnny na ngayon ay hindi makapaniwala sa sinabi ko. He bit his lip for seconds. Umiling ito. He laughed bitterly. "Now, you've changed. You're not anymore my Nella because of him." His eyes are in hurt. He shook his head again. "Mahal na mahal kita pero pinalitan mo ko. Alalang-alala ako sa'yo ngunit nag-iba ka—"

"Mahal? Paano kayo ni Celine? Johnny! Paano kayo ni Celine! Iyong ginagawa niyo kapag wala ako! Now tell me, may hindi pa ba ako alam na ginagawa niyo? Sabihin mo kung anong mayroon sa inyo? Ano?" I've never felt this hatred. My mouth won't stop right now. He is accusing me wrong. It is time to fight for myself. "Don't you say I've changed for nothing? I'm not even yours to begin with!" I glared at him. "OUT!" I've never screamed so loud in my life.

Johnny is confused and shocked. Tinititigan niya lamang ako ngunit agad siyang napayuko. Humiga muli ako at tumaligid para hindi makita ang mukha niya. Narinig ko na lamang ang pagbukas ng pinto at pagsara nito. Hindi na nagbigay pa ng ibang salita si Johnny.

Fall and Chase (ML, #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon