Kabanata 8

5.4K 126 2
                                    

Kabanata 8

Secret

“If you’re Densel I should enjoy the view but you’re not!” ani Marco.

Napakunot ako ng noo dahil hindi ko nakikitaan na naiinis si Marco sa galaw ng mata niya sa paggala nito sa katawan ni Newt. Napalunok pa ako nang huminto ang tingin niya kung saan kaya napabaling ako ng tingin boardroom table kung saan nandoon ang ilang folders na maaring kinalalagyan ng kontratang pipirmahan namin.

“Wala pa ring bang sagot si Densel sa offer natin? Ha, Newt?” Marco added.

Napatingin ako kay Newt na preskong umupo sa isa sa mga upuan na malapit sa gitna. Nilagay niya ang kanyang kamay sa baba at napangisi nang makita niyang tinitignan ko siya. “I don’t know.” Newt shrugged his shoulders.

“I told you to ask him, right, di ba?” Marco said.

“I never asked him.” Newt winked at me. Muntik na akong mapaatras at patuloy pa rin niya akong tinititigan. Naapalis ako ng tingin sa kanya at tinignan na lang ‘yong ibang models. Vivienne and Gretel are talking. Ganun din si Homer and Aries na hawak ang kanilang phone. O! O! I bite my inside cheek.

“What?” Napataas ang boses ni Marco na naging dahilan para makuha ang atensyon ng mga models. “I told yah—O, great, Newt! Si Conrad na lang talaga ang kakausapin ko about this. Why did I ask you about this in the first place?” Marco shook his head. Pumalakpak siya at biglang nag-iba ang aura niya. “Let’s start!”

Ramdam ko pa rin ang tingin ni Newt sa akin. Mabuti na lamang hinawakan ako ni Marco sa balikat at napaupo na ako katabi niya. Kaharap ko naman si Newt kaya hindi ko alam kung saan ko igagawi ang aking tingin.

Nag-umpisa na ring ipaliwanag ni Marco iyong kontrata. Ngunit sinubukan kong ituon aking atensyon doon pero sobra akong nadi-distract kay Newt na kanina pa ako tinitignan. Hindi ko na nakayanan kaya tumingin na ako sa kanya.

“Princess,” aniya. “Anong nagdala sa’yo rito? Care to know?” he added.

My mouth opens but no words come out. Sinara ko ‘to at napalunok. Should I tell him na tinanggap ko ‘to dahil sa gusto kong magkapera para sa paghahanap ko sa mom ko? I know my reason is invalid to tell. Pero anong idadahilan ko?

“Ahm…gusto kong—“ Napakagat ako ng panloob kong pisngi. “I-try ‘to.” You got this right, Janella! Argh! Ang panget pa rin ng rason ko.

Newt nods at me. But his smile is so charming that I can’t even look away. Ngayon, sobrang pansin ko ang hulma ng kanyang mukha. He has a strong jawline. Cleft chin din siya but he looks so heart-rending because of his features. Para tuloy siyang may lahing banyaga? Sino kaya sa magulang niya? Mom or his dad?

Muntik na akong mapapikit sa tinging binibigay niya sa akin. “That’s nice. I love to work with you.” Napanguso siya sa akin na naging dahilan para ma-define ng maayos ang features ng kanyang mukha. Tense. Strong. Gorgeous. Ano pa ba?

Napailing ako sa iniisip ko. “First time ko lang.” My mouth is a traitor. I close my eyes.

“O,” he said in awe.  “I would love to teach you.” I don’t want to open my eyes. His words are really captivating that my eyes will traitor me to see his reaction. O noes!

Kalma kong binuksan ang aking mata. Ngumiti ako kay Newt at nagsalita, “Thanks.”

“My pleasure.” Ngiting sagot niya sa akin.

Napatango na lang ako.

“Are you guys done with your conversation?”

Napatalon ako sa pagkakaupo nang biglang magsalita si Newt. I was about to speak pero inunahan ako ni Newt. “Not yet.” Presko niyang sinandal ang likod sa upuan. Nilagay pa niya ang kanyang kamay sa ulo.

Fall and Chase (ML, #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon