Kabanata 2

6.9K 137 2
                                    

Kabanata 2

Uuwi ka na

Dumestino ang kamay niya sa bewang ko. Nakarinig ako ng ilang mura bago niya ako titigan. Ramdam ko ang titig niya sa akin na para mong inaakit ako na bumigay sa kung ano man ang gusto niya.

“No…” I gasped at my word. “Bitawan mo ako!” Agad naman niya akong binitawan. Ngumisi siya at napatingala pagkatapos.

“O girl…” He said, grinning. Mula sa mga kulay asul, berde, at pulang ilaw ng nightclub na ito ay hindi mawala ang ngisi niya habang nakatingala. Kinagat pa niya ang kanyang labi mapigilan lang angs sarili na mapatawa. “I’m drunk…” He chuckled and looked at me.

“You are,” ani ko at umatras sa kanya na naging dahilan para may matamaan akong nagsasayawan sa likod ko. Muntik na akong mapahiga mabuti na lang may malakas na kamay na humila sa akin. Nadestino ang kamay ko sa dibdib niya at para itong nanginig kaya napatingala ako. “Newt…”

“Yes?” He wiggled his brows and stared at me. “Am I still drunk, princess?” Bumaba na ang hawak niya sa bewang ko at nanindig balahibo ako ng mapunta ito sa bewang ko. Napapikit ako at napahawak ng mahigpit sa shirt niya.

“Bitawan mo ako…” para akong napaos ng sabihin ang mga salitang ito. Agad naman niya akong binitawan at yumuko pa siya pagkatapos.

“Damn, okay.” Para niya akong pinagsisilbihan sa mga salita niya. It creep me out. There was something on it that I can’t figure out. Mahina ako sa ganitong bagay kung ano man ang gusto niyang iparating. Maybe you intend to ignore this kind of message just not to assume things.

Yumuko ako biglang paggalang para makaalis na sa pwesto ko. Tatalikod na sana ako nang magsalita siya ulit. “Sorry for being aggressive, by the way, I’m Newt. And you are?” Nilahad pa niya ang kamay niya at pasigaw na sinabi ito dahil sa lakas ng musika. Humakbang pa siya makalapit sa akin hanggang sa nilapit na niya ang mukha niya sa aking tenga. “You are?” Iniuulit pa niya ang tanong niya sa akin. Ramdam ko ang mainit niyang hininga sa may leeg ko. Napaiwas agad ako at nakita ko ang paggalaw ng panga sa ginawa kong pagkilos at pagtama ng ulo ko sa balikat niya. Mataas si Newt at hanggang collarbone niya lang ako. Oh my god, his collarbone. "Hey!” Napatalon ako nang magsalita pa siya. Hindi pala ako nakasagot sa kanya sa page-examine sa kanya.

“Uhmm…” Umatras ulit ako. Mabuti na lang walang tao sa likod. Nag-iba na naman ang musika at napalitan ito ng slow music. Kailangan ko bang sabihin ang pangalan ko sa taong ito na ngayon ko lang nakilala? Sa panahon ngayon kahit magagandalang lalaki umaabuso na rin at hindi mapagkakatiwalaan. You just don’t give your trust to anyone. “Sorry,” sabi ko at umiling. Napatingin ako sa sahig at natagpuan ng mata ko iyong papel na hawak ko. Hindi ko namalayang nahulog pala ito. Marahil doon sa kanina na muntik na pagbagsak ko.

Napalunok ako ng maalala iyong gagawin ko ngayon. Kailangan matanggap ako sa trabaho na ito para magkapera. Hindi sapat iyong pera nasa bulsa ko para mahanap ang mom ko at ang kapatid ko.

Tumaas ang tingin ko at sa pagkagulat ko nakatingin na rin si Newt sa akin. Unti-unti siyang napaupo at kinuha iyong papel na tinitignan ko. “So are you applying, huh?” Napakagat naman ako ng pang itaas ng labi.

Don’t trust. Hindi ko pwedeng ipagkatiwala kahit maliit na detalye na tungkol sa akin. Kahit itong pag-aapply ko ngayon.

Newt was about to speak nang may humawak sa braso ko. “Nella!” Nanlaki ang mata niya sa akin. “What the heck, Janella! What the heck?!—“

“Ate Jameica?” Pinutol ko na ang sasabihin niya dahil baka may makarinig pa ng alala niya sa akin. Inalis ko ang gulat sa loob ko.  I made up mind. Hindi pwedeng may makaalam sa akin na umalis ako ng San Mateo pero ngayon alam na ng pinsan ko…anong gagawin ko?

Hinila na niya ako hanggang sa makalabas kami ng Bar. Doon ko lamang nakita ang suot ni Ate Jameica. Makinang na fitted dress ito na yumayakap sa katawan niya. Dalawang taon ang tanda niya sa akin. “Anong ginagawa mo rito?” Tinaasan niya ako ng kilay. “Nagbabakasyon ba kayo? Bakit ka nandito? Alam ba ni tito ‘to?” Palakad lakad siya sa harap ko. “Gods, don’t you…” Napatango ako sa hindi niya natuloy na sasabihin. “Lumayas ka?” Bigla siyang nagpapadyak. “Damn.” Nanatili pa rin akong tahimik sa inis niya sa akin.

Mali nga ang ginawa ko pero hindi ko kinakaya iyong lahat ng nalaman ko. “My dad lied to me, ate Jam. Buhay pa ang mom ko. Niloloko ako ni Jon. May nangyayari sa kanila ni Celine. They are all lying to me. Anong gagawin ko. I’m 19. I’m not a child anymore!” Napalunok ako sa sigaw ko. My face is wet with my tears. Unti-unti akong binabagsak ng sakit ng nararamdaman ko. “I couldn’t stand all the lies.” Napailing ako at napatingin sa kotse na dumadaan. May naramdaman akong kamay sa aking balikat kaya lalo akong naiiyak.

“I’m not going to say it will be okay, Nella. I know tito. But right now, we should go home…” Napatango ako. Alam ko malalaman din ito ni dad. Pero hindi ko hahayaang may makaalam pa. “Sa apartment ko na lang tayo mag-usap.” Seryoso ang mukha ni ate Jam kaya sumunod na lang ako sa kanya.

Naglakad na kami hanggang sa matagpuan namin iyong kotse niya. Bubuksan ko na iyong pinto nito nang may tumawag sa pangalan ko. “Janella!” Madilim kaya hindi ko maaninag kung sino iyon. Tumakbo na ito hanggang sa makarating sa pwesto namin. Nakalagay ang isang kamay niya sa batok niya. May inilahad siyang papel sa akin. Yung hawak ko kanina. Napatingin naman ako kay Jam na nakatingin din kay Newt. “Are you applying? Kung oo, tanggap ka na.” Ngumiti siya sa akin na nagpalaglag ng panga ko.

“Newt…” Hindi ko alam kung ano pang sasabihin. Kailangan ko rin ng pera. Hindi iyong aasa lang ako kay ate Jam. Pero tama ba natanggapin ko na ito?

“Why?” Napakunot si Newt ng noo.

Tumingin ulit ako kay ate Jam. Nawala na siya sa pwesto niya kanina at natagpuan ko na lang siya sa harap ni Newt. She said something to Newt. Pagkatapos ay umalis na ito at pumasok ng kotse. Newt is kind a disappointed. Kita sa mukha niya.

Bigla ko tuloy binuksan itong pinto para makausap si ate Jam para malaman iyong sinabi niya kay Newt. “Ate—“

“No! Umupo ka na.” She starts the engine.

Nakatayo pa rin ako sa labas. “Pero ate Jam, sayang kung—kailangan ko ng pera!” Tumingin siya sa akin. Napalunok ako sa seryoso ng mukha niya.

“You don’t need to, Janella. Uuwi ka na.”

“No…” I broke off.

“Yes. You’re going home. Uuwi na kita sa dad mo.”

Fall and Chase (ML, #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon