Kabanata 39

5.5K 126 8
                                    


Kabanata 39

Fall back


"Where are we going?" I asked Conrad multiple times but he kept ignoring me. O kaya'y walang connect ang sagot niya sa akin. Iniwan namin ang motorcycle niya—iyong Ducati niya sa Grecia at naglakad kami papunta sa Luwasan o baka malapit lang doon ang aming pupuntahan. I'm not sure. Mahaba-haba na rin kasi ang aming nilalakad ngunit hindi pa rin kami humihinto kahit saan. Malapit na kaming makapunta sa Luwasan.

"Malapit na," aniya. Humigpit ang hawak niya sa aking kamay. Tinignan ko siya saglit ngunit nakita ko ang pag-aalangan sa kanyang mukha. Inalis ko ang tingin ko sa kanya. Alam kong maayos na kami kagabi. Ngunit nakakaba ang nangyayari ngayon. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ni Conrad. And Daddy...hindi niya alam ang tungkol sa amin ni Conrad.

Nadaanan na namin iyong karatula na nagsasabing nasa Luwasan na kami. Iilan lamang ang bahay na mayroon rito. Sobrang tahimik at sobrang madadama mo ang paligid. Iyong alon. Iyong katahimikang dinadala nito. This is what I liked in this place, the peacefulness.

Humihip ang hangin ng malakas, napapikit ako. Right choice na hindi ako nag-dress ngayon sa lakad namin ni Conrad. Simple V-neck white t-shirt and jeans would do. Iilang tao rin ang aming nakakasalubong. Hindi masakit sa balat ang sikat ng araw. Saka, we both wearing a hat para naman makita namin ng lubusan iyong paligid na hindi iniinda ang sinag ng araw.

"Hanggang dito na lang ako," ani Conrad. Mahigpit ang hawak niya sa kamay ngunit binitawan niya 'to. Napaharap ako sa kanya. Parehas na nagsalubong ang kilay ko nang tignan siya. Habang si Conrad ay nakalagay ang kamay sa kanyang bulsa. Mukhang nag-aalangan at hindi mapakali. "I don't think it's a good idea. But..." He trailed off.

"Conrad...anong mayroon?" tanong ko. He gave me a small smile.

He didn't mind my question. "But it was your purpose why you went to Manila," ani Conrad, sabay tingin sa isang direksyon. I looked at where his eyes fixed. I saw a woman beside the sea shore. Malalim ang tingin nito sa dagat. She's familiar. I looked at Conrad again. "I want you to know, you didn't go home for nothing." He held both side of my head. "You found what you were looking for." My heart is beating wildly inside my chest. I know what it was. Hindi ko malaman kung ano 'tong nararamdaman ko, halo-halo na hindi ko makumpirma.

This is about my mother. My mother.

Conrad kissed my forehead before letting me go. "Puntahan mo na," aniya.

I didn't know what to say instead I breathed these three words to him, "I love you."

"I love you," he told me back.

I heaved a sigh. Matagal kong pinakawalan si Conrad sa titig ko bago ako tuluyang maglakad sa pwesto noong babae. Ramdam na ramdam ko ang tibok ng aking puso sa bawat hakbang na ginagawa ko. Ilang buntong hininga ang aking ginawa sa sobrang kaba.

This is my mother. I'm going to meet my mother. My mother...my mother.

I kept uttering those words. Hindi pa rin ako makapaniwala.

Pinasadahan ko siya ng tingin ngunit nakita kong pinagmamasdan pa rin niya ang dagat. She looks so familiar. The woman is wearing a denim jeans and a collar shirt. Nakayakap ito sa sarili. Patuloy ang aking paglalakad at sa papalapit ko ay tumutodo ang kabog sa aking dibdib. Ilang hakbang na lamang ang layo niya sa akin.

What should I do first? Ano bang marapat kong sabihin sa pagkikita naming ito? I don't know...

I kept my eyes towards the white sand. Tatlong hakbang na lang siguro ang layo namin sa isa't isa. Napahawak ako sa aking dibdib. I should stay calm. This is my mother, I shouldn't be this nervous.

Fall and Chase (ML, #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon