Kabanata 7

5.6K 125 1
                                    

Kabanata 7

Pinasukan

Pinasuot sa akin ni ate Jam iyong jeans na bitin at isang hanging blouse na sleeveless. Pagkatapos may kung ano siyang nilagay sa mukha ko. Well, sa mata may nilagay din siya sa akin na nagpalaki at nagpapungay dito. Light make up lang ang ginawa ni ate sa akin pagkatapos ay pinusod niya ang aking buhok. And I have light pink lips.

"Ganito ba talaga kataas, ate?"

Kinuha ko ang red high heels na pinakita niya kahapon sa akin na susuotin ko ngayon.

"Yep. Mababa pa 'yan," aniya habang iniaayos ang pilikmata sa tapat ng salamin. Napalunok ako nang bigla ko ulit pansin iyong heels na susuotin ko. Mababa ba talaga 'to?  Na parang kalahating dangkal na ng aking kamay? Oh my gosh! Napakagat ako ng pangloob kong pisngi at tumitig doon. Natigil lang ako nang tapikin ako ni ate Jam na ngayo'y handa ng umalis.

"Come on! Don't just stare Janella! Wear the freaking heels right now," nagmamadaling sabi ni ate at kinuha ang bag niya. Napatikom ako ng bibig at dali-daling sinuot ang heels na muntik ng magpatumba sa akin.

Nang matapos kong suotin ang heels ay wala na sa loob ng apartment si ate. Mabilis akong lumabas at sinara na ang pinto. Pagkatingin ko sa kotse ay nasa loob na si ate at tinitignan ang sarili sa maliit ng salamin. "Let's go!" Napatalon pa ako nang mapansin niya ako. "Marco said 8 a.m. sharp. Let's go!"

Nanlaki ang aking mata nang magsalita pa si ate. Nagmamadali akong pumasok sa kotse at agad na pinaandar ni ate Jameica iyon. Nakabukas pa ang bintana ng kotse at hindi ko alam kung ayos pa ba ang nakapusod kong buhok. Nang tignan ko si ate, ngayon ko lang napansin na naka-sunglasses siya at hindi gulo ang maikli niyang brown na buhok. Napasilip tuloy ako sa salamin kung ayos pa ba aking buhok.

"Janella." I look at ate Jam. Huminto ang kotse at inalis niya ang seatbelt sa kanya. "Well, my dear cousin, you really fit to this project. Kaya bumaba ka ng kotse dahil mahigit tatlong minuto ka ng late. Go!"

"Pero—'

"Go," aniya at napatikom na naman ako ng bibig.

Napatango na lang ako. Itatanong ko sana kung papasok din siya sa loob ng building pero hindi na ata. Siguro ako na nga lang mag-isa ang papasok dito sa EVAF. Bigla-bigla akong kinabahan na ako lamang ang tatayo para sa sarili ko.

Ha! Kaya ko 'to. Hindi na ako iyong dating Janella na sumusunod na lang sa iba at kailangan ng tulong. Kaya ko ng tumayo sa sarili kong paa.

Lumabas na ako ng kotse at lumingon ako kay ate. Ate Jam gives me a smile. So I do. Pagkatapos naglakad na ako papasok ng building na taas noo. Napabuntong hininga pa ako bago harapin ang mga guard ng building.

May reception area na bubungad sa'yo. May dalawang babae ang nakapwesto roon katapat ng dalawang desktop computer. Agad silang ngumiti nang makita nila ako. Doon sa isang gilid naman ay may id barcode scanner para sa mga empleyado para makakapasok sila gamit ang kanilang i.d.

"Good morning, ma'am!" ani nung isang guard na maayos ang uniporme at walang gusot. Ganon din ang buhok niya.

Kahapon naman noong pumasok kami rito, dire-diretso lang. Bakit ngayon. Muntik na akong mapasimangot pero biglang sumingit iyong isang kasama niya.

"So you must be on a contract signing?" ani naman nung isa na hindi nakapusod ang buhok pero maayos at walang gusot ang business woman suit.

Napatango ako. "Uhm—Opo." I bite my inside cheek.

"Model?" ani nung isang nag-approach sa akin.

"Yes?" kunot noo kong sabi.

Sumilip naman ang ngiti sa labi nung guard na nagtanong.

Fall and Chase (ML, #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon