Kabanata 33

4.7K 140 13
                                    

Kabanata 33

In love


"Homer, will you please hold her waist, tightly. Masyadong maluwag pagkakahawak mo," said by Levi directing Homer to hold my waist. Naramdaman ko ang biglang paghigpit nito. "Lumapit ka," ani Levi. Mas lumapit si Homer sa akin at ramdam ko ang paghinga niya sa aking leeg. I felt his stare, too. Bigla akong na-conscious kahit pisngi lamang ang hawak ko kay Homer at kay Aries, siya sa kanan ko. Ako lang ang nakatingin sa camera habang silang dalawa ay sa akin. "Good." Pinuwesto na ni Levi ang DSLR sa kanyang mukha. "You guys know what to do," he directed.

Napa-oo na lang ako sa loob. Tumingin na ako ng maayos sa camera at sa kung anong inutos ni Levi sa amin. Ready na ako ngunit nawala ako sa kosentrasyon nang umentrada si Conrad sa harap naming tatlo nina Homer at Aries. Tinakpan niya si Levi at kunot na kunot ang noo sa harap namin. "Stop staring at her chest," seryoso niyang sabi at nakatingin kay Homer.

"Man, you're interrupting us," ani Homer sabay tawa.

Conrad's right brow arched. His jaw clenched. Napawala ako ng hawak sa dalawa. Ganon din sina Homer at Aries. Seryoso pa rin ang tingin ni Conrad kay Homer. Habang si Homer ay natutuwa sa reaksyon ni Conrad. "It needs to," ani Homer. Pinaglaruan pa niya ang kilay. Lalong umigting ang panga ni Conrad.

"It is just her boobs," sabat ni Aries.

Napakagat ako ng panloob na pisngi nang bumaling ang atensyon ni Conrad kay Aries. Napatingin ako sa suot ko ngayon. This is the usual dress I'd wore in the previous shoot. Iba lang ang design. Ganito rin naman ang dating mga ayos namin. But Conrad is being weird...or protective?

"Oh come on, Conrad. Let's end this day," ani Levi. Maghapon na rin kasi kaming nasa studio kaya gusto nang matapos ni Levi ang araw ngayon. Gusto na niyang umuwi. Dapat kasi si Conrad ang kukuha ngayon ngunit umayaw ito. Pero ito siya ngayon, ayaw pa niya yatang matapos 'to...

"Let's go, Levi!" I started. Tumingin ako kay Conrad. "It's okay. It needs to be like that, Conrad. It needs to be sensual," pagpapatuloy ko. Sa akin naman ngayon tumaas ang kilay ni Conrad. Ginalaw niya ang panga dahil naiinis na ito.

"But he doesn't need to stare at your chest. Pwede sa mukha!" Tumaas ang boses ni Conrad.

Ngumisi si Homer. "Man, Janella's not my type. Stop being impulsive."

"Don't be jealous," ani Aries sabay tawa.

Umiling si Conrad. "I can't help it. Just don't stare at her chest," aniya sabay talikod. "I am warning you," panghuli niyang sabi at bumaba.

Sabay-sabay na tumawa si Homer, Aries, at Levi pagkababa ni Conrad. Napakagat ako ng labi sa narinig ko kay Homer. "Maybe he sees Maggie in Janella. He's being possessive. That dude need some meds."

I felt something inside my chest ached.

**

Hindi pa rin pinapansin ni Conrad si Newt. Sasagot man ito sa tanong ni Newt ay hindi katulad nung dati. Simpleng sagot o wala ng karugtong ang mga sagot ni Conrad. Agad niyang tinatapos ito sa isang sagot. Newt always tried to talk to him. He always find ways to talk to Conrad but Conrad won't allow it. Lagi siyang umiiwas.

I saw pain in Newt's eyes. Conrad is his best friend. Gumagawa siya ng paraan ngunit wala lang kay Conrad. Kakausapin sana ni Newt si Conrad muli ngunit agad na binaling ni Conrad ang atensyon sa akin.

"Sumabay ka na sa akin. Ihahatid na kita," aniya.

Tumingin ako kay Newt at malungkot na ngumiti sa akin. Tumango ito at lumabas na ng shop. Naiwan kaming dalawa ni Conrad sa shop. Umuwi na iyong ibang models pati si Levi at ibang staffs.

Fall and Chase (ML, #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon