Simula

16.6K 222 6
                                    

Simula

"Bye ate! Balik ka ulit!" bungisngis ni Lily habang nagpapaalam sa akin. Sumakay naman akong tricyle at inayos sa kanan ko ang bag na dala ko na naglalaman ng ilang coloring books na pinagawa ko sa mga bata at ilang pagsusulit na dapat kong check-an.

"Sige...bukas!" ani ko at kumaway. Nginitian ko si Lily na limang taon lang at ilang batang kalaro niya sa Hospicio San Mateo. Ilang buwan na rin naman akong pabalik balik sa ampunan para bisitahin ang mga bata. Laking pasasalamat ko nang payagan ako ni Daddy tungkol dito sa pagtuturo ko sa ampunan dahil mula pagkabata sa loob lang ako ng mansyon o kaya hacienda.

Pinagbabawalan ako ni daddy na lumabas ng walang paalam. Kaya pati ang pag-aaral ko naging komplikado. I was enrolled online. Tapos may modules lang na pinapadala sa akin via email na dapat kong sagutan at ipasa sa deadline na binigay ng online instructors ko. Hindi tuloy ako gaanong malapit sa tao sa nangyari sa akin. Iyong mga kasama ko na lang sa hacienda at mansyon ang kilala ko.

Nalaman ko lang 'yong Hospicio noong minsang isinama ako ni Daddy doon dahil isa siya nagsusuporta dito. Nang makita ko 'yong ilang bata sa ampunan hindi ko maiwasang malungkot sa kalagayan nila. Iyong iba iniwan na lang. Iyong iba galing pang Manila at dito dinala. Iyong iba ipinamigay ng magulang dahil hindi nila kayang buhayin. Doon ko lang nakita 'yong realidad na ganito pa rin 'yong naranasan ng iba. Na akala ko ako lang 'yong walang nanay pero swerte ko pa pala dahil may ama pa 'ko. Pero si Lily, 'yong isa sa mga bata sa ampunan na iniwan lang sa tapat ng ampunan. Kaya kahit 'yong pagmamahal na mayroon ako, gusto kong ibahagi sa kanya at sa ibang bata. Kahit iyong natutunan ko, gusto kong matutunan din nila. Sana lang hindi ako pagbawalan ni daddy dito.

Tumingin ako saglit sa mga bata at kay Sister Mely. Mabuti na lang nakangiti ako bago umandar ng mabilis ang tricycle na sinasakyan 'ko. Sinubukan sumilip at kumaway hanggang sa nawala na sila sa paningin 'ko.

Kalahating oras lang ang ginugol ko at nakarating na akong hacienda. Pagkababa ay nagtatakbo ako papasok sa mansyon para ibalita kay daddy ang gagawin ko. Kahit na ayaw niya 'tong marinig, sinusubukan ko pa rin magreach out sa kanya. Siya na lang ang mayroon ako, ayoko ng malayo pa ang loob namin sa isa't isa.

I was about to approach him but my body went rigid at his cold voice and statement. "What about Teresa?" I heard my mother's name to my father. Kasalukuyang may katawagan si dad at mabuti na lang nakakilos ako para makapagtago. Naisandal ko ang likod ko sa malamig na pader. "Patay na siya para kay Janella. I don't want her to know about her mother." Madiing sagot ni dad sa tawag. Unti-unting napaawang ang bibig ko sa narinig ko.

Mommy...

Nanghina ang tuhod ko. Gusto kong hindi marinig ito pero mayroon sa akin na gustong malaman ang katotohanan. Buhay pa si mommy...buhay pa siya. Buong akala ko patay na siya. Mula pagkabata, hinahanap ko siya pero sabi ni daddy patay na siya.

"Wala na akong pakela Juanito kung nasa Maynila siya o saang lupalot ng mundo. Ang ayaw ko lang pumunta siya rito. We don't need her, understand?" Binalibag ni dad ang telepono.

Kahit hindi ko kayang tumayo nang maayos pinilit ko. Pinilit ko ring maglakad ng mabilis. Lumakad ako hanggang sa tumakbo na ako sa labas ng hacienda. I need him. I need Jon now. Siya lang ang makakausap ko tungkol dito.

Dad lied to me. Sabi niya wala na si mommy. Sabi niya namatay na ito. I don't even know a single detail about mom. Nalaman ko lang 'yong pangalan ni mommy nang minsang pumasok ako sa opisina ni daddy. Pero...itong...nalaman ko? Hindi ko alam...hindi ko alam gagawin ko.

Tumakbo na ako ng mabilis at ramdam ko ang paglipad ng palda ko dahil sa hangin. Pero hindi ko ininda para lamang makapunta agad kay Jon. Hindi ko alam kung anong takbo ang ginawa ko. Hindi ko rin napansin na umiiyak na pala ako. Agad akong napapunas nang makarating ako sa bahay nila Jon. Dirediretso akong pumasok sa bahay nila dahil kilala naman ako ng tao rito. Kasintahan ko si Jon kaya malaya akong nakakapasok dito. Umakyat agad ako para marating ang kwarto niya. Naglalakad pa lang ako sa direksyon ng kwarto niya ay kita ko ng nakabukas ang pinto nito. Isang hakbang na lamang ang gagawin ko at hawak ko na ang pihitan ng pinto nang bigla akong napahinto.

Fall and Chase (ML, #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon