Kabanata 6

5.7K 127 13
                                    

Kabanata 6

Confirm

"Your name?" ani Marco at tumingin sa akin. Napatingin naman ako kay ate Jam na nakatuon ang atensyon sa kanyang phone. Ginalaw ko ang paa ko at tinama ko sa paa niya. Ate Jam scowls and looks at me.

"What?" She groaned.

Kasalukuyan kasing kinukuha ni Marco ang information ko para sa gagawing kontrata ko para sa kanilang agency. Wala kami sa shop at pinapunta ako ni Marco dito sa building nila. Kukuhanan lang daw niya ako ng ilang impormasyon tungkol sa akin. Pero bigla akong kinabahan na baka kumalat ang ilang impormasyon at mabalitaan na lang 'to ni Daddy.

Ate Jam rolls her eyes. Alam ko namang narinig ni ate Jam iyong tanong ni Marco.

"Janella?" Napatingin ako kay Marco. "Your name?" Marco smiles at me. Napalunok ako.

"Mar?" Biglang nagsalita si ate Jam. Doon na napunta ang atensyon ni Marco. Nakita ko ang pagtango nito. "Can you keep all her information?" seryosong tanong ni ate Jam at tumingin sa akin. "First time lang kasi ni Janella sa ganito."

Napangiti ako. Right!

"Of course!" Tangong-tango naman si Marco. "But I need to know her whole name and some information about her?" ani Marco.

"Thank you!" Napakagat ako ng labi sa pagpipigil ng ngiti. "Janella Fall Ortega." Marco looked at me. He nodded. Tumingin muli siya sa laptop.

"Your age? And birthday?" tanong ulit ni Marco. Hindi na ako tumingin kay ate Jam at alam kong kailangang sumagot na ako.

"19. August 20." I smile at him. So he does.

"O, parehas palang kayo ni Cons ng birthday," aniya habang nag-tatype.

Biglang tumaas ang balahibo ko sa batok sa pangalang binanggit ni Marco. Kahapon, hindi ko rin naman inaasahan 'yong sagot ko pero wala rin naman akong magagawa kung hindi ako magsasalita. Kailangan ko rin naman ng trabaho at hindi umasa kay ate Jam. Kailangan ko rin tumayo sa sarili kong paa. Kailangan kong panindigan kung ano talaga ang pinunta ko rito: ang hanapin si mommy at ang kapatid ko.

Alam ko namang hindi madali ang gagawin ko pero hindi naman pwedeng manatili na lang ako sa kasinungaling binuo ni daddy sa akin.

"Ganon ba? Alam mo Marco hindi ko alam kung bakit ganon na lang si Conrad sa akin." Napatakip ako ng bibig sa sinabi ko. "Sorry, hindi—sorry."

Tumawa naman ng maarte si Marco. Nanlaki ang mata ko. Una ko palang nakita si Marco—feeling ko talaga—feeling ko talaga hindi siya pusong lalaki. Wala namang issue sa akin kung anong kasarian ng isang tao pero nararamdaman ko lang talaga. Mamaya, itatanong ko na 'to kay ate Jam.

"Wag mo na lang pansinin 'yon. Minsan hindi ko alam kung may dalaw ba 'yon!" Natatawa niyang sabi.

Nanlaki na naman ang mata ko. "Dalaw? Ibig sabihin?" Napakagat ako ng labi. Maaring katulad lang din ni Marco si Conrad...na hindi lalaki? Kaya ba ganon siya? Insecure? I don't know. Hindi naman sa nanghuhusga ng sobra pero katulad din ba siya ni Marco?

"OO! Ganon 'yon! Medyo alam mo na! Laging may dalaw!" Humalakhak siya.

Talaga? Talaga! Kaya pala lagi siyang inis! At mainit ang ulo! Parang nagkukunwari lang siya? Ganun ba 'yon?

Oh my gosh! Kaya pala, Conrad! Siguro sinisekreto niya lang na hindi siya lalaki! Siguro ayaw niya lang malaman ng iba!

"Thank you, Janella. Bukas na 'yong signing kasama mo 'yong ibang models tom. a. You should be there. You promise me, girl? Okay?"

"I promise!" Tinaas ko pa ang aking kanan kamay.

Tumayo naman si Marco. At nakita ko ang paggalaw ng balakang niya ng sobra. I mean, kumekembot siya habang papunta sa pwesto ko. Napatayo at bigla niya akong hinagkan. "Salamat, Janella. You save our ass!" Kumalas siya at hinawakan ang magkabilang balikat ko. "Thank you so much, girl! You don't need to mind Conrad, okay?" Napatango ako ng dalawang beses.

Hindi ko na talaga papakelaman si Conrad ngayong nalaman ko na...ganon pala siya.

**

"Matagal-tagal na ring hindi ako nakakatikim ng ganito. Sabi kasi ni daddy, wag magkakain ng ganitong pagkain," ani ko at sumubo pa ng egg waffle. "Ang sarap talaga nitong egg waffle ate Jam!" Napasalita pa ako habang may laman ang bibig ko.

Sa San Mateo kasi sa bayan namin, hindi madalas na may ganitong nagtitinda ng egg waffle, fishball, kikiam, and squidball. At kung meron man pinagbabawalan nila akong bumili. Hindi naman daw maganda sa kalusugan.

"Egg waffle? Anong sinasabi mo? Kwek-kwek 'yan!"

"Ha? Egg waffle din tawag dito, ate!" Kumunot ang noo ko. "Nag-search ako minsan sa internet. And egg waffle din tawag dito." Well, noong gusto kong malaman 'yong kinain ko na itlog na may harina...tapos kulay orange 'yon. Sinearch ko talaga kung anong tawag don.

"Whatever!" Umirap si ate at napatayo siya.

Isang oras na rin kaming nakatambay sa Manila Bay. Papalubog na ang araw noong dinala niya ako rito. Madami-dami rin palang tumatambay dito. Maraming nga mga nagde-date at syempre maraming ring nagtitinda. Ngayon lang ako nakatambay sa ganitong lugar. I'm 19 pero parang ngayon ko lang nalaman na ganito kaganda pagmasdan ang papalubog na araw mula sa pwesto namin. Nasa gitnang bench kami.

"Uwi na tayo. Malamok na," ani ate Jam kahit hawak ang phone.

Napatayo ako.

Biglang humangin ng malakas at napahawak ako sa dress ko. Grabe, 'yong hangin dito parang sa San Mateo din. Urgh, I miss my home. I miss everything about San Mateo. Lagi ko na lang naalala!

"A sige!"

Nag-umpisa nang maglakad si ate Jam sa lugar kung saan niya na-park ang kotse. Sumunod na ako sa kanya hanggang sa may nahagip ang mata ko. May itim na motor, Ducati ang huminto sa isang gate. Naningkit ang mata ko para makita kung ano iyon.

Hospicio Jose

Orphanage

Bumaba ang tingin ko doon sa lalaki na huminto sa tapat ng orphanage. Inalis niya ang suot niyang helmet at laking gulat ko nang makilala iyon.

Si Conrad?

Bakit? Anong ginagawa niya sa bahay-ampunan? May kikitain siya?

May  huminto ulit na kotse bago sa motor niya. Naniningkit muli ang mata ko dahil pakiramdam ko kilala ko 'yong tao na bumaba sa kotse.

Newt?

Bakit sila magkasama?

Napapunta si Newt kay Conrad. Sumandal din si Newt sa motor ni Conrad at pinagmasdan ang bahay-ampunan. Nakita ko ang pagtawa ni Newt dahil maaring may pinagkekwentuhan sila.

"Janella, tara na!" sigaw ni ate Jam ngunit pinagmasdan ko pa rin si Newt at Conrad.

Nanlaki ang mata ko nang biglang umakbay si Conrad kay Newt. Napalunok ako nang maalala 'yong sinabi ni Marco about sa dalaw. Bigla ko ring naalala iyong naisip ko kanina...na baka...hindi siya talaga lalaki kaya ganon siya kasungit.

Oh my Gosh, confirm!

Fall and Chase (ML, #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon