Kabanata 5

5.8K 137 6
                                    

Kabanata 5

I'm not sorry

"What the hell is that Conrad?!" ani ng isang babae. Napatingin ako sa bagong dumating. Nandoon din si Marco. Matalim ang tingin nung babae kay Conrad. I look at Conrad and his brows are creased. The girl has a pretty face. Model rin kaya siya rito? She's wearing a red fitted dress. Na makikita ang kurba ng katawan niya. "What's wrong with you?" Naglakad siya papunta sa pwesto namin. Naglakad naman doon sa kabilang couch si Conrad na parang walang kumakausap sa kanya at umupo doon. Tumingin siya ng masama sa akin kaya napaiwas ako.

"I'm sorry about him." Kinuha nung babae ang kamay ko at pinisil. Napatingin ako kay ate Jam at tumango lamang siya sa akin. Tinuon ko muli ang tingin ko rito sa babae.

"Mali ako dahil pinakelaman ko—"

"No, he should treat you well," madiin niyang sabi at tinignan si Conrad. Pero si Conrad ay hawak ang phone niya na parang wala lang itong babae sa kanya. Bakit ganon na lamang ang pagturing niya rito sa babae? Kinakausap siya! Dapat lang na ituon niya ang atensyon niya! "Dapat masanay na siyang nandito ka."

"WHAT?" Napatayo si Conrad. Napalunok ako dahil na sa akin na naman ang masama niyang tingin. Pero tumalikod iyong babae sa akin na naging dahilan para hindi ko makita si Conrad.

"Yes, you've heard me right, Conrad."

"No, Ericka. No!" Muntik na naman akong mapatalon sa pagkakaupo sa boses niya...ni Conrad. "She can't—goddamn—replace her position!" Well, ayaw niya talaga niya ako rito dahil kay Maggie siguro?

Si Ericka pala 'tong babae na sinasabi ni Marco na kapatid niya?

"This girl will replace Maggie." Ericka's back is tensed. "Sa ayaw mo man o sa gusto mo."

"Ayoko!"

"Cous, please." This time si Marco na ang nagsalita. "Ayaw na nga ni Maggie. And I don't why kung bakit umayaw na lang siya." Napataas muli si Marco ng kamay at saka binagsak iyon sa sobrang pagpipigil ng inis.

"I can convince her. I can convince Maggie about this project. Give me time." Biglang uminahon ang boses ni Conrad. Kanina pa ako inuusisa ng curiosity ko dahil kay Maggie. Sino si Maggie? Sino siya sa buhay ni Conrad at ganito na lamang ang pagpipilit niya?

"No!" Napatingin mula ako sa tense na likod ni Ericka. Hindi ko alam kung sobra na ba siyang nagagalit o naiinis sa pakikitungo ni Conrad.

"Yes. Pupuntahan ko siya sa bahay niya ngayon. And I can convince her to do this project. Or I'll text Benj about Maggie. Alam ko makikinig si Maggie sa kuya niya." Hindi ko alam pero parang desperado ang pagsasalita ni Conrad ngayon. There is something about him and Maggie.

"Tinanggap na ng pinsan natin ang offer ng VFS sa kanya," ani Marco. He crossed his arms above his chest. Tinignan niya ng masama si Conrad. Hindi ko pa rin nakikita ang reaksyon ni Conrad dahil nakaupo lang ako at mas naisin kong hindi ko siya makita. "Wala ka ng magagawa pa, Cons. Tinanggap ng ng pinsan natin ang offer ng VFS."

Pero mali ako...walang namamagitan kay Conrad at Maggie dahil magpinsan sila.  Pero bakit ganon? Bakit ganito? Pakiramdam ko talaga mayroong relasyon o ano man si Maggie at Conrad dahil sa asta niya?

"Goddamn, no." Conrad swore. "I'll talk to her—" He interrupted.

Lumakad na si Ericka sa pwesto ni Conrad na naging dahilan para makita ko ang reaksyon niya. Tumingin ako kay ate Jam na parang natural lang sa kanya ang ganitong eksena dahil nagbabasa na lang siya ng magazine.

"You pushed her too far, Conrad. You damn pushed her. Pumayag na si Maggie sa 'tin siya. Pero anong ginawa mo? Pinipilit mo 'yung gusto mo!" Rage is running to Ericka's words. Siguro tuluyan na siyang nainis sa pinsan niyang 'to. "Maggie is our cousin! God, Conrad, tumigil ka na! Paano kapag nalaman 'to ni tito Douglas? I will never save your ass anymore!"

"She's not my cousin, goddamn it, Ericka." Namula na sa galit ang mukha ni Conrad. He's panting. Napapalunok na lamang ako sa tensyon na mayroon sa kwartong ito.

"Iyon na nga! Conrad! Iyon na nga! Batas na 'yon!" Ericka surrendered. She shakes her head. "Itigil na natin 'to. Janella will replace Maggie. Wala ng tanong pa. God, Conrad." Tumingin si Ericka sa akin. Nawala ang inis niya ng magtapo ang mata namin. Tumango ako.

"NO!" Conrad shrieked. "No.  Ericka please! No one can replace her. No one..." He's too desperate about her...too frustrated.

"You do not own this shop. You do not own this agency, Conrad. I damn save your ass to your father!" Parang hingal na hingal si Ericka pagkatapos niyang sabihin ito. Namumuro na siguro si Conrad sa kanya at nawawala na ang kanyang pasensya.

"Tama na nga Cons. Tama na." Marco said. "Tama na." madiin niyang sabi.

"Ayoko!" Tumingin si Conrad sa akin. Bigla kong gusto may kapitan na bagay sa masamang tingin niya. "You can't replace Maggie with that girl!" Tinuro pa niya ako.

"OUT, Conrad!" Ericka cried out. "OUT NOW!"

I think I'm holding my breath. Ako na ang may kasalanan nito.

Tumawa  naman si Conrad. Tumingin kay Ericka at tumingin sa akin ng masama. Pagkatapos ay naglakad na siya pababa hanggang katahimikan na ang bumalot sa kwartong iyon at nawala ang tensyon.

**

"Sino ba si Maggie?" tinanong ko agad si ate Jam nang bumaba si Marco at Ericka. Kami na lang dalawa ni ate sa taas ng studio at kumakain ng lunch.

"Pinsan nila Ms. Ericka, Mar, at Conrad. Kapatid ni Benj dating photographer dito." Sumubo ulit si ate Jam ng pagkain pero hindi iyon ang gusto kong makuhang sagot sa kanya. "Dapat talaga hindi na lang umalis si Benj dito para walang gera. At least kapag nandito si Benj hindi naghi-hysterical 'yang si Conrad." Ate Jam rolled her eyes.

"Sino si Benj?" nagtanong ako. "Nakita ko na ba siya? Sana nandito na lang pala siya."

"Hindi." Inirapan ako ni ate sa tanong ko. "Sana talaga. Pero alam ko abala siya ngayon. Minsan dumadalaw siya rito." Sumubo ulit si ate. Nawalan naman ako ng gana dahil oo magtatrabaho ako rito pero paano si Conrad? Ayaw naman niya? Baka lagi na lang magkagulo dito?

"Aa..." Napakagat ako ng panloob kong pisngi. "Sana okay na kay Conrad na ako ang pumali—"

"No."

Sabay kaming napatingin ni ate sa nagsalita. Napasadahan ko siya ng tingin at nakapants at simpleng shirt siya. Nandoon pa rin ang kunot-noo niyang mukha na dala ang problema ng mundo. "Hindi pa rin ako pumapayag na ikaw ang gawing model sa project." Umiling siya. Bumalik na pala siya na hindi man lang namin naririnig ang yabag niya papunta rito. Pumunta siya sa couch kung nasaan ang gamit niya. Tinipon niya iyon at nilagay sa bag niya.

"Conrad tumigil ka na nga." Ani ate Jam. "Pinag-usapan na 'to di ba?"

"Ayoko." One word and it fears me. But I don't want this fear to conquer me. I already said goodbye to the old Janella who fears the world. Kailangan magkaroon na ako ng sariling desisyon sa buhay ko.

 Magsasalita pa sana siya pero inunahan ko siya.

"Sorry pero kung ayaw mo man na ako ang maging model sa project, wala na akong magagawa kung ayaw mo. Tinanggap ko na. Pipirma na ako ng kontrata." Unti-unting umawang ang bibig niya. Nawala ang kunot ng noo niya. I press my lips and speak, "I'm sorry I'm not really sorry about this, Conrad Velez."

Fall and Chase (ML, #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon