Kabanata 32

4.9K 125 9
                                    

Kabanata 32

We're even


Kapag naiisip ko 'yong nangyari kagabi, hindi ako mapakali. Paulit-ulit itong tumatakbo sa isipan ko hanggang sa hindi ko na masundan iyong palabas sa telebisyon. Ilang palabas na yata ang nagpalipatlipat ngunit iba ang umeere sa aking isipan. I closed my eyes and tried to push away all my thoughts and drift those to something else but I failed.

He was jealous. He was jealous. He was jealous.

Napahawak ako ng pisngi ko. I am blushing. Oh, I am blushing! I can't stop myself from blushing! Napakagat ako ng pang-ibaba kong labi at napapikit.

"Oh, umagang-umaga, ngiting-ngiti ka. Nakakatawa ba 'yang Flash Report na pinapanood mo?"

Napalunok ako nang marinig ang boses ni ate Jameica. Hinanap agad ng aking mata si ate na kababa lang sa hagdan. Kunot noo siyang pumunta sa kusina at uminom ng tubig. Kagigising lang nito.

"Uh!" all I could say. "Ano..." I stuttered. Tumingin si Ate Jam sa akin. Lalong kumunot ang noo niya. Napakamot pa siya ng ulo. Tumawa ako.

Ugh! Bakit ako tumawa!

Naramdaman ko ang pag-init ng aking pisngi. I remember Conrad and his words. I remember his face looking intently at me. I remember the hand that gripped my waist. I remember him, staying beside me up all night. I remember the breath touching my neck. I remember him all over. Oh...my...God.

Ate Jameica smirked. "What's happening? Can you tell me, what is happening between you and Conrad, ha? May dapat ba akong malaman?" Tumodo ang ngisi ni Ate sa akin. Nalaglag ang panga ko. "Bakit hindi ka pinakawalan ni Conrad sa tabi niya kagabi?" Natawa ito.

I can't find the right word to say. Lalo lang tumindi ang pula ng aking pisngi.

"Oh! Parang dati lang, kulang na lang kainin ka niyang si Conrad umalis lang ng EVAF tapos ngayon, kulang na lang 'wag kang pakawalan?" Lumakad si Ate papalapit sa akin. Iyong define na define niyang lips ay patuloy pa rin sa pagngisi. "Bakit 'di ka makapagsalita? Did you know his feelings towards you?" Umiwas ako ng tingin. Tinuon ito sa panonood ng telebisyon kahit hindi ko alam kung anong palabas ito.

One thing I know, I've never felt this kind of feeling. I've never felt this kind of emotion running to my system. I've never felt...this in my entire life. Kahit may Johnny na sa aking buhay dati, alam kong wala akong nararamdaman sa kanya. Alam ko 'yon. Alam ko. But this is different. Conrad's different.

Napakagat ako ng labi. "I don't know," I said and looked at Ate. "Pero hindi na siya iyong Conrad na sinisigawan ako. Hindi na siya naiinis sa akin. Ibang-iba na siya sa akin." Hindi ko na sinabi iyong iba, katulad ng sinabi niya na nagseselos siya. That's private part, I think.

"Woah!" Ngiting-ngiti na si Ate Jam sa akin. "Ikaw ba, ano bang nararamdaman mo sa kanya? You're not that young na ah! I know you know the different between attraction and love! Matanda ka na! You're turning 20 soon! You're no kid."

Tumango ako.

"Oo. Alam ko." I blushed.

Pinalo ako sa braso ni Ate Jameica at tumawa. "How 'bout the asshole in San Mateo? Ano bang pangalan ng gagong 'yon?" anito.

"Johnny." I whispered. "I don't care about him anymore. He betrayed me. He lied to me." Napayukom ako ng kamay nang maalala si Johnny at Celine sa kwarto at may ginagawang milagro. "My life in San Mateo is full of lies. I don't want to go back there anymore. You know my reason why I am here..." I remember Mommy. I want to see her. I want to know her. I want her to know about me. Maybe this is my life now.

Fall and Chase (ML, #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon