Kabanata 9

5.6K 127 4
                                    

Kabanata 9

We’re friends

“Kanina ka pa ngiting-ngiti dyan. Stop that. Nagmumukha kang tanga,” angal ni ate Jam.

Pero hindi ko talaga maalis ‘yong ngiti ko pagkatapos noong nangyari kanina. Papauwi na kami ni ate sa apartment niya. Kalahating oras na kaming bumabyahe pauwi pero ngiting-ngiti pa rin ako.

“E?” Binaling ko ang tingin ko sa bintana ng kotse.

Nagbuntong hininga naman si ate at hindi na ako sinagot.  Wala. Walang nagawa ‘yong kasungitan ni Conrad sa sinabi ko. Kung kailangang gamitin ko ‘yong sikreto niya sa lahat ng bagay, gagawin ko. Huwag lang siya kumontra.

I won over Conrad Velez.

Hindi na ako nakaangal kay Conrad hanggang sa nakalabas kami ng room. Narinig ko pang tinawag ni Marco ‘yong pangalan ko pero wala pa rin. Kinaladlad niya ako habang suot ko ‘tong mataas na heels. Patuloy lang siya sa pagkaladkad at hindi na ako nakakabalanse hanggang sa—“AAA!” Napasigaw at napapikit ako nang muntik na akong madapa. May malakas na kamay ang humahawak sa akin ngayon. Agad-agad kong binuksan ang aking mata dahil akala ko napahiga na ako ngunit hawak niya ang aking bewang at suportang suporta ang isang tuhod niya sa akin. Pagdilat ko, hindi isang Conrad na nakakunot ang bumungad sa aking ngunit isa Conrad na kalma at nakatitig sa aking mukha. Bumaba ang tingin niya sa aking labi at napaawang ito ng bibig.

“Lampa mo naman.”

Binalibag niya ako. Mabuti na lang nabalanse ko ang aking katawan at nakatayo ng mabuti. Nagulat ako sa ginawa niya at akala ko may gagawin pa siya sa akin ng matalim niya akong tignan. “Kahit sarili mo hindi mo madala dahil sa heels mo. Quit. Now, Miss whatever your name is.” Inismiran niya ako at napa-HA ako sa sarili ko.

Inalis niya ang kanyang black leather jacket at ang white t-shirt niya ang nakayakap sa makisig niyang upper body ang nakikita ko.

“Ayoko. ‘Di ba ayoko? Kaya ayoko.” Ani ko.

Tumawa naman siya ng peke. “I am one of the owners of this company. Kapag ayaw ko, aayawan mo rin,” matigas niyang sabi.

Ngayon, kunot na kunot ang kanyang noo. Sayang ang dating niya kapag lagi siyang ganyan. Maaga ‘tong tatanda sa sobrang kasungitan.

“Ayoko! Kapag hindi mo ako tinigilan sasabihin ko talaga kung anong sikreto mo—NO! Sikreto niyo!” Sikreto niyo ni Newt!

Nanlaki ang mata ni Conrad at agad na sumugod sa akin. Napaatras ako hanggang sa napasandal sa malamig na pader. “Ano?” naghihimutok niyang sabi.

“Sabi ko ‘yong sikreto—“ Tinakpan niya ang aking bibig para hindi ko matuloy ang sasabihin ko. Sumilip ang isang ngiti sa akin labi. In fairness, mabango ang kamay ni Conrad. Sinubukan ko magsalita pero hindi ko magawa. Kinulong niya ako sa kanyang presensya hanggang sa sobra sobra na ang himutok niya.

Unti-unti siyang kumalma at parang may pumasok sa kanyang isip sa sinabi ko. Siguro nga nagi-guilty na siya. Siguro nga masama ‘tong gagawin ko pero wala naman talaga akong pakelam sa sikreto niya. Wala akong issue don pero sinubukan niya ako. Ayan tuloy, nasabi ko ‘to sa kanya.

“Ms. Janella Ortega,”  aniya. This is the first time he said my name. Ang kanyang mata’y dumestino sa akin. Nag-igting ang kanyang panga at sobrang ganda ng anggulo ng kanyang nito. “Shut your damn mouth. Shut your damn lips. Shut your goddamn mouth. And you’ll be fine here,” aniya at mabilis na naglakad at pumasok sa room.

Fall and Chase (ML, #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon