Kabanata 15

4.6K 114 2
                                    

Kabanata 15

She'll be here



Napakagat ako ng labi sa higpit ng hawak ni Conrad sa aking braso. Hila-hila niya akong paalis sa kwarto at saka binalibag. Mabuti na lang nakuha ko ang aking sarili at hindi natumba sa ginawa niya.


"Anong problema mo?"Nanggigigil nitong sabi habang masama ang tingin sa akin. His carved jaw clenched. Ilang linga ang ginawa niya bago tuluyang tumingin sa akin ng husto. "What the fuck is wrong with you?" He fiercely added.

Napalunok ako sa binigay niyang salita sa akin. Naalala ko lahat ng mga hinala ko sa kanya. Ang kahihiyang iniisip ko tungkol sa kanya. Iyong dahilan ng pagtatanggol niya at pagpupumilit na si Maggie dapat ang nasa posisyon ko. I know his reason now, how couldn't know this? I mean kita naman na sa gusto ni Conrad. I'm wrong, really wrong.


"I'm sorry." Two words formed in my lips. I looked at him in the eyes. "I'm sorry." I repeated.

Ngunit hindi pa rin kumakalma ang estado ni Conrad. Masama pa rin ang tingin niya sa akin. Nakayukom ang kanyang kamay. At nanggigigil.


"Conrad, sorry..." I pleased.

He arched his brows and shook his head. I was about to say sorry again ngunit tinalikuran niya ako at nagmamadaling pumasok sa kwarto niya. Biglang kumawala ang malalim ng buntong hininga sa akin nang ibalibag niya ang pagsara ng pinto. Napanguso ako pagkatapos. Ano ba 'tong ginawa ko? Ano ba? Bakit ko ba iniisip na tagilid si Conrad? Bakit ko ba naisip 'yon? Bakit naman ganito? Why he agreed to my useless reason? O mali lang ang naiisip ko at naiisip niya na sikreto na alam ko? Oh...anong pahamak ba ang ginawa ko sa sarili ko? May kinalaman ba si Maggie sa sikreto na akala niya alam ko tungkol sa kanya?

I felt dizzy. Nahihilo ako sa tanong na lumalangoy sa isipan ko. Sana hindi ko nagulo ang kung ano man ang mayroon. I wish I didn't complicate the things here...


**


Conrad didn't eat dinner last night. O maaring hindi ko napansing umalis ito. Kahapon buong araw akong nasa kwartong nilaan nila sa akin. Si Nina nasa kwarto din na nagpawala ng mga tanong na mayroon ako. Mabuti na lang nandyan siya para naman hindi ako nakokonsensya ng husto.

Today is Ms. Lea's birthday. Tumulong na ako sa kanila ni Nina sa kusina para lang hindi ako konsensyahin nang nangyari kahapon. May magaganap kasing salo-salo mamaya sa bahay ng Velez.


"So excited to see ate Maggie!" masayang batid ni Nina pagkatapos niyang basagin ang itlog at nilagay sa malaking mangkok. "Sabi niya sa 'kin pupunta siya!" dagdag nito. Napalunok ako at bigla na lamang napatingin kay Ms. Lea na sakto namang nakatingin sa akin at biglang alis. Tinuon ang atensyon sa niluluto.

"Pati ba sila Benj makakapunta rito?" tanong ko.

"Hindi pa sure si kuya Benj. Busy kasi masyado," malungkot na saad ni Nina. "Pero sana makapunta rin siya kasama 'yong girlfriend niya."

"Ganon. Malay mo naman makapunta sila rito," ani ko.


Biglang napalingon si Nina sa akin na nagsusumamo ang kasiyahan sa sinabi ko. I hope I won't fail this girl with the words I'd said. Mali yata itong sinabi ko.


"Aasahan ko ate!"

I was about to say something but Nina and I both looked Ms. Lea at her action. Bigla kasi itong napaharap na lang sa amin ni Nina. Napatungo ito sa pwesto namin sa bar stool ng kusina.

"Si Cyrus nga pala!" Napakagat si Ms. Lea ng labi at nangamba dahil sa reaksyon ng kanyang mukha. "Baka hinahanap na niya 'ko. Minsan kasi hindi pa rin iyon sanay na nagigising ng wala ako sa tabi. Teka—"

Napatigil si Ms. Lea at parehas kami ni Nina na nagkatinginan sa isa't isa. May nangangamoy! Nagmamadali si Ms. Lea na pumunta sa pinaglulutuan niya dahil amoy sunog na ito! Napakagat ako ng panloob na pisngi ngunit agad na akong nagpresenta.

"Uhm! Ako na lang po titingin kay Cyrus. Kung gusto niyo po?" ani ko.

"Really?" Biglang linga ni Ms. Lea. "It's okay! And thank you, Janella! Thank you! Aakyat ako kaagad pagkatapos nito." Napangiti ako at ginantihan ko rin siya ng ngiti.

"Punta na po ako," I said and started to walk.


I heard Ms. Lea's thank you again. Nagmamadali naman akong naglakad para makaakyat kaagad sa ikalawang palapag kung saan naroroon ang kwarto ni Cyrus na katabi lamang ng kwarto ni Mr. Douglas at Ms. Lea. Wala pa sigurong limang minuto ay nakaakyat na 'ko. Tumuon ang tingin ko sa pinto ng kwarto ni Conrad ngunit inalis ko kaagad. Hindi mawala 'yong guilt sa akin. Nakakainis!

Napatingin na lamang ako sa sahig at naglakad papunta sa kwarto ni Cyrus. Ngunit sa pag-angat ko ng aking ulo ay laking gulat ko na bukas ang pinto nito. Nagtatakbo ako papasok sa loob ng kwarto at wala si Cyrus sa kama.

"Cyrus?" tawag ko. "Cyrus?" Ilang beses kong tinawag ang pangalan niya ngunit walang sumasagot. Hala! Wala naman kaming naririnig na tawag o iyak ni Cyrus? Nasaan na iyong bata na 'yon? Saan naman pumunta 'yon? Malaki ang mansyon nila! Kaya nandito lang siguro iyon! Ayoko namang ipag-alala si Ms. Lea sa araw ng kaarawan niya!

Nagmamadali akong lumabas ng kanyang kwarto at bumaba sa hagdan. Kumakalabog ang aking dibdib sa sobrang kaba. Nararamdaman ko ang panginig ng aking binti habang pababa.

Saan naman pumunta si Cyrus?

Ilang araw palamang ako rito sa kanila pero malikot talaga siyang bata. Saan naman kaya nagsusuot 'yon?

Nang makababa ay luminga-linga ako sa paligid—dito sa malaking mansyon na 'to. Ngunit sa kaliwang parte ay may pamilyar na boses na umalingawngaw.


"Si Cyrus!" sabi ko.

Hindi na ako nag-alinlangan at tumakbo na ako papunta roon. Bukas bahagya ang pinto nito kaya siguro narinig ko ang boses ni Cyrus. Bubuksan ko sana nang bigla akong napahinto nang marinig muli ang boses ni Cyrus. "I called ate Maggie. I told her she needs to come for me," masayang batid ni Cyrus.

"And?" boses ni Conrad.

Sumilip ako nakita ko ang isang Conrad na nakaluhod sa tapat ng nakangiting Cyrus. Napatingin din ako sa kwarto. Mini-gym? May mini-gym ang mansyon at siguro para lang kay Conrad ang kwartong 'to. Kita rin naman sa hulma ng kanyang kawatan. Lalo na sa parang laging tense niyang arms. Lalo na sa kalagayan niya ngayon dahil sa gray niyang sando na nakayakap sa kanyang upper body. Sa parang galit na galit niyang braso sa pag-unat at paglagay ng kamay niya sa balikat ni Cyrus.

Napailing ako.

"And she'll be here!" Cyrus said, cheerfully. Nagtatalon pa ito sa harap ni Conrad. "Pupunta si Ate Maggie dito! Kuya!" Masayang-masaya ang mukha ni Cyrus. Nang ituon ko naman ang atensyon ko kay Conrad ay napaatras na lamang ako sa pwesto ko.


Conrad is really smiling, really smiling at Cyrus' news.

Fall and Chase (ML, #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon