TWD 16

45 1 0
                                    


[DOROTHEA'S POV]


"Mag-iingat po kayo, mahal na reyna."

"Oo nga po, mahal na reyna. Kailangan po makabalik po kayo rito para po matikman ulit namin ang luto niyo."

"Huwag po kayo mag-alala, mahal na reyna, kami na po ang bahala sa palasyo."

"Kami na rin po ang bahala sa bayan natin, mahal na reyna."

"Siguraduhin niyo lang na pagbalik ko rito, maayos pa ang lahat. Nagkakaintindihan tayo?" 


Nang sabihin iyon ni Cercan, agad tumango ang mga armadong lalaki sa kanya, kasama ang mga armadong lalaki na galing sa bayan ng Regulus.

Hayun ang bayan ni Leo, na kailangan din namin puntahan ngayon. Mabuti na lang kilalang-kilala ni Vir ang lalaki na 'yon.

Halos lahat ng tao rito sa bayan ni Cercan, hinatid kami hanggang sa gate nila. May mga bata pa nga na yumakap sa kanya habang naglalakad kami ngayon. May iba naman na umiiyak, mga matatanda sila.



"Bakit ba ang sungit sungit mo sa mga tauhan mo?" tanong na lang ni Vir habang naglalakad na kami ngayon palabas ng bayan ni Cercan. Sakto naman na suminag ang liwanag ng buwan dito.

"Hindi ko sila sinungitan. Ganoon lang talaga ako magsalita."

"Talaga ba?" Naramdaman ko ang mabigat na kamay ni Vir sa akin kaya napatingin ako.

"Huwag ka gagaya sa kanya, ha?"

"At bakit naman?"

"Hindi ka makakapag-asawa niyan kapag sobrang sungit mo sa ibang tao."


Pagkatapos niyan sabihin 'yon, bigla na lang siya lumutang. Hindi na ko nagulat dahil alam ko kung sino ang gumawa no'n. Salamat sa kapangyarihan niya.


"May problema ka ba sa akin, Vir?" Tumingin ako kay Cercan, nakatingala ngayon kay Vir habang mahigpit niyang hinawakan si Vir ngayon, gamit ang malaking kamay niya na binuo sa tubig.

"Ibaba mo ko!"

"Ayoko!" sigaw niya tapos tumingin sa akin, "kailangan na natin pumunta sa bayan ni Leo. Ako na ang kakausap sa kanya para sumama sa atin."

"Ako na lang ako kakausap sa kaibigan ko, hoy!"

"Hoy ka rin, lintek ka!" Nakita ko na mas hinigpitan pa niya ang pagkakahawak kay Vir. Pero, mukhang nakakahinga pa naman siya ng maayos.

Tumingin ako kay Cercan. "Makakahinga pa siya ng maayos, 'di ba?"

"Aba, oo naman. Ayoko lang siya makatabi ngayon sa paglalakad kaya inangat ko muna." Pagkatapos, nauna na siyang naglakad.


Masasanay din naman ako sa kanilang dalawa.



* * *

Naabutan na lang namin ang bayan na 'to na sira ang bawat bahay na yari lamang sa kahoy. May iba pang bahay na umuusok, mukhang kakawala lang ng apoy.

Ang mga tao rito, kanya-kanya ang pag-aasikaso sa mga nabiktima. Mabuti marami ang mga gumagamot sa mga 'to.


They Were DestinedWhere stories live. Discover now