RBW II: Fear

3.7K 173 83
                                    

                                 RAISED BY WOLVES II

                                            " FEAR " 

ROZEN'S POV 

        Tuluyan ng nabura ang mga ala-ala ni Crescent at sa panahon na iyon sinamahan ko siya, kami ni Light ang mga ala-ala na nabura sakanya ang naging sanhi naman ng pagbalik ng mga dating ala-ala niya bilang si Crescent bago mamatay si Light. Sa totoo lang para naman walang nagbago sakanya, yung ugali niya ganun padin! -_-

        Madalas din naming bisita si Monique , masayahin siya at nakakatuwa dahil madalas siyang pinagtatawanan ni Light medyo lampa kasi pero okay lang maganda naman siya. *u*

        " Rozen, diary na naman? " si Light yun, nasa likod ko siya at iniistorbo na naman ako.

" Mahalaga ang mga ala-ala, with this makikilala ko ulit ang sarili ko if ever na may magbura ng mga ala-ala ko diba" sinara ko yung diary at tumayo na. Sa nakalipas na isang taon hindi ko alam kung may ginagawa silang dalawa na hindi ko alam, ang alam ko lang nagpapalakas si Crescent dahil nanghihina siya dahil kay Light pero hindi niya ipinapakita iyon kay Light.

" Sige matutulog na'ko, magpalit naman tayo ng higaan " si Light na nahiga na sa kama ko, ang kulit niya talaga madalas para siyang bata si Crescent naman taga-saway. Nakikita ko naman magkasundo sila, lumabas ako ng bakuran, bukas ng umaga aalis ako pabalik ng Snow Island,sa isang linggo isang beses lang akong bumabalik dito para tiyakin ang kalagayan nila, hindi sila lumalabas kaya ako ang nagdadala ng kakainin nila na mula sa Snow Island, minsan din nandito si Dmitri.

" Crescent" nakita ko siyang nakaupo sa isang batong upuan kaya tumayo ako sa likod niya at hinawakan ang balikat niya magkabila.

Nabigla ako ng hawakan niya yung isang kamay ko at dalhin niya sa noo niya. " Mainit ang kamay mo" aniya na ikinangiti ko.

" Babalik na'ko ng Snow Island, siguro isang buwan akong mawawala. Wag kang lalabas .." - 

" Ilang ulit mong sinasabi sakin yan, hindi mo ba alam na nakakainis " aniya imbis na maasar lalo akong nangiti. Minasahe ko ang ulo niya hindi naman siya tumutol, oo maayos na ang pagsasama namin bilang magkaybigan at aaminin ko na malapit ang loob ko sakanilang dalawa, madalas din na nagkakasundo kami dahil madalas inaasar niya si Monique at Light, imbis na mainis ako natutuwa ako dahil ang cute nilang dalawa maasar.

" Wag kang masyadong magtagal " aniya, bumilis ang tibok ng puso ko. 

" Oo naman, kung wala naman akong mahalagang gagawin masyado. Wag kang lalabas.. " natatakot akong pag lumabas siya baka mawala siya, umalis siya patungo kung saan.

" Nababawi ko na ang lakas ko, hindi magtatagal aalis rin ako para ..."

" Saan ka pupunta?!" napalakas ang pagkakasabi ko dahilan para lingunin niya ko, iyon ang dahilan kung bakit hinalikan ko siya sa ikalawang pagkakataon, halik na hindi na aksidente. Hindi ko alam kung bakit ayoko siyang mawala, gusto ko manatili nalang silang pangkaraniwan pero hindi, iba ang gusto nila ang digmaan ang kamatayan bakit kailangan pa nilang ilagay sa panganib ang mga buhay nila.

RBW II: THE EVIL HALF(Under the papermoon) FIN.Where stories live. Discover now