RBW II: Her Weakness

3.1K 195 51
                                    


 RAISED BY WOLVES II


" Her Weakness "



Nagsimula ang paligsahan. Maraming namatay sa unang araw, dugo, hiyaw at kamatayan ang lumaganap sa arena. Pagkawasak ang nagaganap, ang ngiti ni Imperial Lord ay hindi matawaran, tuluyan nang nauubos ang pinakamalalakas sa mundo.  Mananatili ang pinakamalalakas at ang huling mga karakter na magtatagal ang siyang magiging susi sa pag-angkin niya sa buong kapangyarihan ng Abyss. 


" Si Light .. hindi siya pangkaraniwan .. marami siyang itinatago kaya naman gusto ko siyang paglaruan, hindi siya nagpapakita ng kahit anong chain. Lumalaban lang siya na parang pangkaraniwan gamit ang espada niya " tila naiinip na wika ni Neo kay Ceres na tinatanggal ang maskara. Nasa loob sila ng kuwarto ni Neo at nakatanaw sa malaking screen sa nagaganap na laban ng grupo ni Light.


" Patayin mo ang mortal na kasama niya, masakit siya sa mata " ngiti ni Ceres na ang tingin ay na'kay Monique na kasama ng grupo,ngunit hindi lumalaban. 


" Sila ang siguradong makakapasok, at ang isa pang grupo na 'to " Turo ni Ceres sa screen kung saan nagpalit iyon ng view sa ibang laban. Tatlo ang miyembro niyon ngunit isa lang ang lumalaban, nakabalatkayo ang mga ito sa pamamagitan ng hood at maskara.  Halos durugin nito kalaban at maging ang mga nanonood ay namamatay dahil sa pambihirang kakayahan nito.


" Base sa kamay niya, isa siyang babae " Nafocus ang kamay nitong tulad ng sa babae at kuko na may cueticx kulay plum. Walang kahit anong rules ang nangyayari at nagmumukha nga lang riot ang lahat. Sa ikalawang araw tuluyan ng naging magulo ang labanan, tila wala lang naman iyon kay Neo dahil alam na niya na may papasok sa palasyo ang tatlong grupo, kaya naman ang mga alagad niya na hindi na pinasali sa laban ang haharap sa mga ito.


" Si Crescent .. paprating na siya .. " si Ceres na nilipat ulit ang screen sa pamamagitan ng pag galaw ng kamay patungo sa kanan. Nakita nga nila si Crescent na nakatuntong na sa Palasyo at walang kahit anong takot sa mga mata nito na naglalakad.


" Kung ganoon siya ang unang mamamatay? bakit naman kasi ang aga niyang dumating! " Naasar si Neo sa pagdating ni Crescent. Ito ang huling inaasahan niya, bakit ito nagmamadali? 


" Ihanda ang dalawang bihag , tignan natin kung sino ang pipiliin niya " si Neo ng dumating si Miguel. Tila naman nainis ito dahil kadarating lang pero sumunod naman, si Olive na nasa labas ay humagikgik sa nakitang pagkaasar nito ng lumabas.


" Sa Mansion namin hindi ako inuutusan! " si Miguel na simangot na simangot.


Samantala nagpatuloy ang usapan ni Ceres at ng Imperial Lord.


" Sa tingin mo sinong mas malakas sakanilang dalawa ni Crescent? " si Neo habang nakatitig sa screen kung saan nakangiti si Light kausap ang tatlong kasama nito na hindi maikakailang si Alice at Greece kasama si Monique.


" Sa emosyonal mas mahina si Light. Ngunit kapag nagalit siya mahirap nang pigilan. Mas nangingibabaw ang galit niya higit sa pag gana ng isip niya, kaya naman nagpipigil siya sa lahat ng oras. " sagot ni Ceres. " Pagdating kay Crescent, hindi ko siya kayang ilarawan sa isang salita. Marami siyang itinatago, makikita mo sa mga mata niya ang pagiging gahaman at tuso maliban sa pumapasok na Crescent ngayon. May kakaiba sakanya, hindi siya ang nakilala kong Crescent noon " dugtong pa nito.

RBW II: THE EVIL HALF(Under the papermoon) FIN.Where stories live. Discover now