RBW II: Heartbeat

3.3K 171 98
                                    

                         RBW II

                   "Heartbeat"

" Pinatay ko si Crescent .. pinatay ko siya, kasalanan ko kung bakit siya namatay .. kasalanan ko kung bakit siya napunta  sa Abyss... kasalanan kong lahat ... Pinagtiwalaan niya kaming lahat pero nakita ko yung sakit sa mga mata niya ng patayin siya, narinig kong sinabi niyang bakit..anong kasalanan yung ginawa niya "  

Bumangon si Monique sa pagkakahiga at minasahe ang ulo, hindi mawala sa isip niya ang mga sinabi ni Light. Isama pa na natakot talaga siya kay Crescent.

" Ang horror naman ng dating ni Crescent dun! " bulong niya, kinapa niya ang cellphone sa ilalim ng unan niya, hindi niya namalayan na tumatawag pala sakanya si Rozen, "5 missed calls? bakit di ko naramdaman na nag vibrate siya? " binukas niya nalang ang message nito.

" Kamusta sila? "

" Bakit ayaw mong sagutin ang tawag ko? nandiyan pa ba sila?!"

" Monique!!"

" Monique !!!!! "

Nangiti si Monique sa mga nabasa, si Rozen napapansin niya na madalas itong nag-aalala kay Crescent. Totoo na isa si Rozen sa nagkukulong kay Crescent sa hawla napapansin niya iyon, hindi nito gustong lumabas man lamang si Crescent para bang laging takot ang mga ito na may mangyari, minsan parang eksaherasyon na ang ipinapakita ni Light at Rozen ngunit alam naman ni Monique na may magkaibang takot na pinagmumulan ang mga ito.

Tatawagan niya sana si Rozen ng makarinig siya ng makina ng sasakyan, sumilip siya sa bintana at nangiti ng bumaba doon si Rozen at Dmitri.  For sure naiinis to sakanya, bumaba siya para salubungin si Rozen pero natigilan siya ng makita si Crescent na kausap nito, kaya pasimple na siyang nag exit ng may ngiti.

" Akala ko magtatagal ka?  "si Crescent na nangingiti,

" Wag kang ngumiti! Nakakainis kayo, wala man lang sumasagot ng tawag ko! " si Rozen, tumikhim naman si Dmitri kaya lalong nainis si Rozen.

" Rozen Maiden, aalis na ako pabalik ng Snow Island. Sigurado ba kayo na kaya ninyo bukas? " si Dmitri na may pag-aalala.

" Oo , hindi na ako bata " si Rozen,

" Saan ka ba pupunta bukas? " si Crescent,

" Wala, wag mong isipin may kikitain lang akong mga models " si Rozen na ngumiti kay Crescent, kanina pagod siya, naiinis, naasar at nag-aalala pero ng makita niya to tila ba naglaho lahat ng negative energy na nararamdaman niya.

" Sasamahan ko nalang siya " si Crescent kay Dmitri, natuwa naman ito kahit naman walang ala-ala si Crescent hindi naman nawawala dito ang pagiging makapangyarihan.

" Hindi .. kaya ko mag-isa! " agap ni Rozen, nawala ang ngiti ni Crescent na ikinatakot niya.

RBW II: THE EVIL HALF(Under the papermoon) FIN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon