RBW II: Saving Grace

3.5K 172 99
                                    

RAISED BY WOLVES 2

" Saving Grace "




Hindi nila ipinapakita sakin kung paano nila sinasanay si Shin. Hindi ko lang mapigilan magalala kapag nakikitaan ko siya ng gasgas pero hindi naman siya nasasaktan. Nasa loob sila nang isang kuwarto at wala naman akong naririnig na kahit ano, nakakainis naman si Crescent!


Pinagsikitan ko yung tenga ko sa pintuan baka sakaling may marinig ako. Wala naman, it's been two weeks simula nang pumunta sila dito pero minsan ko lang sila makasabay kumain parang every lunch lang, dahil may kinakain yata sila sa loob, ewan ko nga kung anong itsura nang loob ng kuwarto na 'yon sa  fourth floor.


Nabigla ako nang bumukas ang pinto at si Crescent ang iniluwa niyon. Ang guwapo niya talaga, kailan kaya ako maniniwala na mahal na mahal ako ng lalaking 'to?


" Honeymylove! " niyakap ko siya, namimiss ko na siya, ang busy nila grabe!


" You're not allowed here Lyra ' turo nito sa sign board na iyon ang nakasulat, oo nga! sino ba gumawa niyan at talagang ako lang ang bawal!


"Baka naman ginugulpi at umiiyak na ang baby ko! " protesta ko sakanya.


 " Hindi, masaya siya sa loob. hindi mo ba gustong makasama ako? " si Crescent, tila naman nagkakawag ang buntot ko. Oo nga, busy si Shin baby at kami lang ni Crescent ...


" Sa kuwarto? gusto mo magsuot ako ng sexy dress? " tuwang-tuwa naman ako pero binatukan niya ko ng mahina.


" Sa kitchen tayo " laglag yung balikat ko nang sabihin niya yan! pero dahil ngumiti siya, wala na nangiti nadin ako.



KITCHEN


Panay ang picture ko sakanya kaya ilang tuktok ang inabot ko. Hindi naman daw ako nakikinig, ang hirap mag concentrate kaya! mas lumalamang yung kilig ko kesa sa pag-function ng brain cells ko.

"HoneyLoves why so guwapo?! " naghihiwa siya ng gulay, magkatapatan kami at nakakalumbaba ako sakanya. Pakiramdam ko nag twinkle talaga siya, I bet mas guwapo siya kay Light mas malakas ang personality ng asawa ko, siyempre mahal ko yan! *u*

" Madalas mo 'kong pinagpapantasyahan Lyra " aniya, kahit ang tipid niya ngumiti hayy heaven! kapag nakikita ko pa ang perfect built ng body niya, emegesh nasa-shy ako sa kalandian ko! *u*

" Oy .. " tinusok niya yung pisngi ko kaya natauhan ako.

"Yes honey my love so sweet? " nilandian ko pa kaya natawa na siya sabay iling then tayo. Humanap naman ako ng apron, ang guwapo niya kasi pag naka apron. Nakakita ako ng floral , wahaha! *u*

Pagharap niya sinuot ko yun sakanya, tumutingkayad pa din ako. Walang silbi ang nadagdag sa height ko, ang tangkad talaga niya kaya kapag nasa ilalim ako hihihi, wala lang. *u*

"Honey ang tunay na lalaki nagsusuot ng kulay pink! " ako,

Hinila niya ko at hinalikan ng nakabibitin dahil saglit lang sa labi. 

RBW II: THE EVIL HALF(Under the papermoon) FIN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon