RBW II: Another

3.3K 173 95
                                    



RAISED BY WOLVES II


" Another "




IMPERIAL CITY



* EVIL CRESCENT *


" Papa, magtatagal ka ba? " tanong ni Shin kay Crescent habang magkasama sila sa kuwarto. Nakahiga si Crescent habang nakahiga naman sa ibabaw niya si Shin at hinahaplos ang buhok nito.


" Hindi. Hintayin mo lang ako at isasama ko na pabalik ang mama mo at aalis na tayo " sagot ni Crescent.


" Baka saktan ka nila .. " nag-aalala si Shin, napakalaki ng palasyo at alam niya na napag-usapan sa grupo na si Aleissa at Crescent lang ang papasok sa Imperyo. 


" Wag kang mawawala katulad noon, wag mong pahirapan si Tomo baka sa kunsumisyon sa'yo mamatay 'yon ng maaga " 



" Hmp! naglalakad-lakad lang naman ako, ngayon lang ako nakakita nang ganoon karaming tao. Palagi nalang akong kinukulong " reklamo ni Shin, nangiti naman si Crescent.



" Sa ngayon lang naman. Saan ka ba nagpunta no'n? " hanggang ngayon hindi niya alam kung saan 'to pumunta, ang alam niya lang naligaw ito.



" May kumuha sa'kin pero nakatakas din ako. Siyempre anak mo 'ko" masiglang sagot nito. " Ako lang dapat ang anak mo, ayoko nang may kahati papa " si Shin na nag-angat nang tingin kay Crescent, nakita niya na nakangiti ito.



" Ano pa ba ang ginagawa niya sa loob? " si Rayhana kay Aleissa na hindi nakalimutan magdala nang mga pampaganda nito at ngayon nga ay nagkukulot ito ng buhok habang nakaharap sa salamin.



" Hayaan mo silang mag-ama, hindi ko din alam bakit pahiga-higa at pa relax -relax pa. Marami na ngang namamatay at amoy na amoy na ang dugo pero parang wala pa siyang napapansin " 




" Gusto niya ba talagang iligtas ang asawa niya? Nasa Palasyo na ang isang Crescent, hindi ba siya natatakot maagawan? " - Rayhanna.



" Nakipag-agawan sa sarili? " natatawang nilingon ni Aleissa si Rayhanna.




" Hindi siya matatalo ninuman. Walang makakatalo sakanya, napakarami niyang trap card na nakahanda. Hindi na ang mabuti ang nagtatagumpay .. " ibinalik ni Aleissa ang tingin sa salamin at dinampot ang pula niyang lipstick at pinintahan ang labi. " .. kung sino ang mas marahas, mas masama at walang puso ang nagkakamit nang lahat. " 

RBW II: THE EVIL HALF(Under the papermoon) FIN.Место, где живут истории. Откройте их для себя