RBW II: Angels and Demon

3.6K 184 88
                                    

RAISED BY WOLVES 2


" ANGELS and DEMON "



Maraming dugo ang kamay ni Miguel , tila wala na nga 'to sa katinuan habang nakangiti. Hindi kanyang dugo iyon, kundi kay Viel na tinanggalan niya ng kanang braso at maging ang katawan nito ay puno ng sugat at maging ang kasuotan nito ay puro bahid ng dugo.


" Ano? " ngiti ni Miguel kay Viel na tila galit na galit na. Malaki ang pinagbago ni Miguel. Susugudin niya si Miguel ng may patalim na bumaon mula sa likuran niya na nakapagpabagsak sakanya.


Nabigla maging si Miguel kung sino ang gumawa non.


" Umuwi ka na , hindi kita pinalaki para sumali sa ganitong grupo " si Gabriel na ikinagulat ni Miguel ng husto.


" Dapat nag-aaral ka hindi nagpapakalat-kalat. " Ibinigay nito sakanya ang comfort niyang teddy bear na si Poppipo na iniwan niya, simula ng mamatay si Gabriel hindi niya na 'to hinawakan.


" Paano ka nagbalik? " si Miguel na inikutan si Gabriel at nginitian habang naglalakad sila, napapailing 'to sakanya.


" Dali sabihin mo " inaya nito si Olive na sumunod sakanila ni Gabriel.


" Pinasundo ka niya sakin, masyado ka daw maraming kasalanang ginagawa at isinasauli ka na " si Gabriel na nangiti, sumimangot naman si Miguel.


" Miggy .. "


" Sinisimulan mo na naman ng Miggy ang pangalan ko.. " lalo 'tong sumimangot.


" Pangalan mo yun sa'tin, ilang taon pa lang nagpabinyag ka na ng bago? " si Gabriel na hindi napigil matawa.


" Miguel! Pareho nga tayo iibahin mo pa.. "


"Bakit mo iniwan si Poppipo? " Parang walang nagaganap kung magkalad sila.


" Hindi ko siya iniwan, pinabantayan lang kita. diba nga Poppipo?" itinango naman nito ang brown teddy bear, nakangiting nagkibit balikat nalang si Gabriel. Teddy bear addict to.


Matagal ng alam ni Miguel na mabubuhay 'to dahil sa hindi naman 'to totoong namatay. Dahil sa sakit kaya 'to nagmukhang pumanaw, pero kung maibibigay niya dito ang sinasabing lunas bago lumipas ang tatlong taon maari pa niya 'tong marevive, hindi niya lang inaasahan na ngayon na as in.


" Pinapatay mo ang mga halaman niya " si Gabriel.


" Hindi a! tinitignan ko lang kung mabubuhay sila pag nalunod! " - Miguel.


" Bakit siya ang napili mong samahan? " - Gabriel


" Nakita kita sakanya. Isa pa Pureblood na 'din tayo kaya hindi tama na magpasakop pa tayo sa ibang mga Pureblood, sakanya ko din nakuha ang lunas " ngiti ni Miguel.

RBW II: THE EVIL HALF(Under the papermoon) FIN.Where stories live. Discover now