RBW : CRESLIGHT

4.2K 166 54
  • Dedicated to Marivel cunanan
                                    

                 Dedicated sayo,  *u* Salamat kasi nagustuhan mo yung story ko hihi.! Salamat sa message mo, I truly appreciate your effort na pagmemessage sakin sa FB hihi. 

                                                    RAISED BY WOLVES

                                                      " CRESLIGHT" 

Kae : Nakilala siya ni Lyra at Alice sa barko. Fortune teller

Silver : Kasamahan siya ni Kae, 

NEW READER : CODENAME : FRANCES

ISLA DEOKMAN 

"Pinatay nila silang lahat ! ano ng gagawin ko .. kahit saan ako tumingin nakikita ko ang dugo nila sa paligid " Halos mawala sa katinuan si Kae, naalala niya ng araw na bumaba sila ng barko, ngunit bago pa maganap ang subastahan na target nila, Isang barko an dumaong.

Nakakatakot ang itsura ng barko , pirata ang inakala ng marami ngunit ng makita nila ang bandila nakalagay ang emblem ng " Imperial Palace " kasali sa subastahan si Serafall ang isa sa 7Generals.

Iniwasan nila ang miyembro ng Imperial Generals, para sa iba ang Imperial Capital ay ang kalayaan , katotohanan at nararapat na maghari sa mundo. Nililipol nito ang mga masasama kaya nga may mga pangkaraniwang tao na nais mapasok ang Imperial Capital.

Dalawampu silang bumaba mula sa iba't-ibang barko , hindi nila akalain na sila ang target ni Serafall. Akala nila matatakasan nila ito, ngunit malakas ang mga kasama nito lalo na si Serafall para lang silang naging pangkaraniwan at natipon nito ang labing walo sakanila.

Kitang-kita niya kung paano isa-isahin ni Serafall ang pagpatay sa mga kasamahan niya,  "Sila ang mga kilalang magnanakaw , ang mga tulad nila ay walang karapatang mabuhay!   " Malakas na sigaw nito, isa sa mga kasamahan niyang nakagapos sa gitna ang nakita si Kae sa makapal na tao , hindi siya nakikilala dahil tago ang mukha niya kaya maaring di alam ng mga ito na miyembro siya.

"Umalis ka na " iyon ang tinging ibinigay nito sakanya.

Pero hindi magawang gumalaw ng mga paa niya, kitang-kita niya ng pahirapan muna ang mga ito bago pugutan ng ulo. Nakita niya kung paano Isinaksak ang mga ulo nito sa tulos kasabay ng pag agos ng dugo pababa .

Wala siyang tigil kakaiyak , ang mga mata niya namumugto na at hindi niya matagalan ang panghihina , panghihinayang , kalungkutan at di matawarang sakit sa pagkamatay ng mga kasamahan niya. 

        Sa kabundukan siya pumunta, kailangan niyang kumalma dahil hindi siya makakapayag sa kalapastangang ginawa ng mga ito sa kasamahan niya. Wala si Silver sa mga pinugutan ng ulo kaya nasisiguro niya na pareho pa silang buhay, at ang Boss nila kailangan niya tong mahanap.

Nakasandal siya sa isang puno habang tinitignan ang mga kamay niya, walang patid ang pagluha at pagiyak niya ng malakas.

RBW II: THE EVIL HALF(Under the papermoon) FIN.Where stories live. Discover now