EPILOGUE

6.9K 239 101
                                    

 RBW SERIES 2: TORMENTED FATE

Do watch the video created by one of my RBW OP'S in Facebook(Seventh) 



AFTER 3 YEARS


 " Good morning honey babe! " Masiglang bati ni Lyra kay Crescent. Tumingala siya para pigilin ang luha niya sa pagpatak. Napakaraming larawan sa paligid niya at sa buong kabahayan. Ang buong pamilya niya. 


 " Lady Scarlet -- " si Yen na bumungad sa kuwarto niya. 


Naroon na siya sa isang Mansion mag-isa. Oo mag-isa dahil ibinigay niya ang pangangalaga kay Shin sa Pureblood na si Vlad. Hindi niya iniisip na namatay si Crescent, iniisip niya na babalik ito sakanila at kahit ilang taon pa maghihintay siya. 

Hindi madali pero kinakaya niya. Gusto ni Crescent na maging matibay siya kaya hindi niya ito gustong biguin. Sa loob ng tatlong taon inilaan niya ang oras sa pakikipagkilala at pag-aalaga sa mga mahihirap na tao at sa tuwing gusto niyang makasama si Crescent pinupuntahan niya ito sa Sacred Island. 


Kung ang iba ay nagiging abo, naging crystal si Crescent at naroon sa Sacred island ang mga iyon.Natutuwa siyang mag-alaga ng mga bata na nakakapagbigay sakanya ng kasiyahan.

 Siguro nga minsan nalulungkot siya pero tanggap na niya, wala na siyang hihilingin pa kundi ang makitang magtagumpay ang anak at kapag maganda na ang buhay nito at may sarili ng pamilya, siguro panahon na para makasama niya ng tuluyan si Crescent, ipapahinga na niya ang sarili kapag natiyak niya na masaya na ang anak nila. 


 " Aalis na tayo, Lady Scarlet -- " ngiti ni Yen. 


 " Okay .. " Minasdan niya muna ang loob ng kuwarto niya ang larawan nilang apat bago naglakad palabas ng kuwarto, katulad ng pangkaraniwan nagpunta sila sa maliliit na pamayanan. Kilalang-kilala si Crescent, may positibo at mayroon ding negatibo ganoon naman hindi lahat pare-pareho ng opinyon. 



 **LYRA'S POV 

Month of September , ito ang mga panahon na masipag si Crescent makipagloving sa'kin.*u* Parang nasa blood nila na ang September at December ay body heat moment nila. *u*Two hours na 'kong nakauwi at nakapaglinis na din ako ng katawan. Nakatitig ako sa buwan, full moon ngayon katulad ng inaasahan ko. Kapag nakikita ko ang buwan pakiramdam ko nasa tabi ko si Crescent, kaya kapag maulan nalulungkot ako.


 Si Shin, nasa poder na siya ni Vlad. At this moment din umalis si Vlad patungo kung saan, sa totoo magkaugali sila ni Crescent ayon kay Rain hindi niya din ito napipigilan, more on mas gusto nitong mag-isa at walang kasama lalo at wala pa sa tamang edad si Vincent.Sa loob ng tatlong taon marami pa ding hindi naniniwala na namatay si Crescent. May pagkakataon na nakakarinig ako na natagpuan siya sa ganyan at ganitong isla, pero siyempre alam ko naman ang totoo at hindi. 


 Nasisiguro ko na si Light ang nakita nila, siyempre magkamukha kaya sila.Speaking of Light, naglaho na din siya na parang bula ayon kay Yukino my pamangkin na minsan dinadala ni Break dito para ipaalaga sakin na kinatutuwaan ko naman. Busy kasi silang mag-asawa dahil buntis si Alunsina ulit at ayon sa babaylan ay lalaki, mahirap daw talagang ipagbuntis ang mga werewolf kapag lalaki at nasa ikapitong buwan na.

RBW II: THE EVIL HALF(Under the papermoon) FIN.Where stories live. Discover now