RBW II:

4K 184 51
                                    

* Dedicated sayo! *u* yieee.. ayan kana ! hahaha ayiee matuwa ka pleaseeeeee..... hahahaha! kaso kapata-patay ang character mo hahahaha! Don't cha worry gurl, isa ka sa may pinakamalaking part nito. *u*

ON GOING ko, 3 stories soon magiging 4 sila so may votes requirements ako bago mag update para naman di ako mapraning kakaisip ano ang uunahin iudate hahaha! 

My Devil Crush -- 50 Votes,

RBW II: 40 votes ,

ABTVAMPIREKING: 30 votes ! ;>  o diba? hahahahaha! 

                                                               RAISED BY WOLVES

                                                                        " NEW "

ROZEN'S VOICE.

         Simula ng umalis si Light bawat sulok ng lugar na'to naalala ko siya, nagpaalam na siyang aalis dahil magsasama na sila ni Crescent. Sino ako para pigilan siya? sino ako para bigyan siya ng pagtutol kung alam ko na napakasaya na nakasama niya uli si Crescent.

Umalis ako ng Snow Island para magtungo sa City ngunit ang totoo gusto ko lang itago sa lahat na nasasaktan ako. Sa bahay na'to may alaala din si Light, ang pagkatuklas niya sa larawan ni Lyra na kamukha ni Ceres nakakatuwang isipin na iisang mukha lang ang gusto nila.

Mula sa mga labi ni Light sinabi niya ang mga katagang " Ngayon na nahahawakan ko na siya hindi ko na siya kaylanman bibitiwan, minsan kong sinakripisyo ang sarili ko sa pagiging makasarili ko at naiwanan ko siya pero ngayon sabay kaming mabubuhay at maglalaho sa mundong ito " ang mga ngiti niya non at ang katotohanan sa mga sinabi niya ay nasa mga mata niya.

3RD PERSON

ZORDICK MANSION/ VAMPIRE COMMUNITY

 " Kapag lumagpas ka , tapos narin ang ugnayan nating dalawa "  si Vlad kay Crescent, magkatalikuran na sila. Si Emerald at Rain ay nakatanaw lang mula sa malayo at matamlay ang mga mata .

Mula sa isang kuwarto sa ikalawang palapag, naroon ang magkapatid na Vincent at Jasmine tinatanaw ang ama at si Crescent na nasa baba.

" Isa na siyang kalaban " si Vincent kay Jasmine.

" Hindi sila dapat maging magkalaban, malapit silang magkaybigan " protesta ni Jasmine na nakatingin lang mula sa ikalawang palapag na kinalalagyan ng kuwarto, kung saan natatanaw nila ang dalawa.

" Sinabi ko naman sayo kalaban siya! Isa siyang wolf kaya ..."

" Tahimik ang ingay mo! "

**

" Bakit ginawa mo sa sarili mong anak ang bagay na yon " si Vlad na tiim-bagang

" Hindi ko gustong mawala siya, siya lang ang tanging alaala namin ni Lyra,ngunit hindi ko kayang maging ama sakanya " si Crescent na ngumiti sa kawalan, hindi nila nakikita ang reaksyon ng isa't-isa ngunit dama nila ang emosyong nakalakip sa mga iyon.

RBW II: THE EVIL HALF(Under the papermoon) FIN.Where stories live. Discover now