RBW II: Obsession

3K 199 81
                                    


Magkakasamang umakyat sa kastilyo si Light, Greece at Alice. Sa pamamagitan ng pagiging Black Rabbit ni Alice, binuhat niya ang dalawa sa magkabilang braso niya at palipad na nirating ang tuntungan sa nakalutang na kastilyo. 


" Mauna ka na " si Greece kay Light. Napansin niya ang dalawang nilalang na paparating, kung maiistock ito sakanila pare-pareho silang matatagalan. Isang kalokohan ang lumaban sa isang laro, parang walang magandang idinudulot.


Kusa namang bumukas ang pintuan ng kastilyo. Papalapit na ng papalapit ang dalawang presensiya. Bumalik sa dati si Alice at pareho silang nabigla kung sino ang dumating. 


Si Lacie kasama nito si Xerxes. Ang kaibahan ni Lacie kay Alice ang kulay nang buhok nito na marahil ay kay Light nakuha. Maayos din ito at mas babae kumilos, maging ang suot nitong tila isang prinsesa. Isa sa bumigla kay Greece si Xerxes.


" Lacie! " si Alice, hinawakan ito ni Greece. Ang tingin ni Lacie at ang ngiti nito, tila kakaiba. May binabalak itong masama.


" Matagal ko kayong hinintay " si Lacie pagkit ang ngiti. Isang magic circle, malaki at kulay itim ang pumalibot sakanila at sa isang iglap kinuha sila nang liwanag nito. Napunta sila sa ibang dimensyon, ang Abyss.


" Lacie! " si Alice. Alam niya na ito ang nagbukas sa Abyss.


" Kung gusto mong makaligtas kailangan magsakripisyo. Sa'ting apat kailangan na dalawa lang ang makaligtas, sa loob ng isang oras matatapos ang lahat-lahat. " si Lacie pa. Kinabahan si Alice, nasa kontrata sila ni Greece at hindi niya to kakayaning pabayaan, paano naman si Lacie, at si Xerxes? totoo na mahal niya si Greece, ngunit hindi naman kaila sakanya na itinuturing niyang isang nakatatanda ng kapatid si Xerxes.


Hindi siya nagdududa, alam niya ang patakaran ng Abyss. Kailangan nito ng buhay na sakripsyo sakanila, minsan na silang naging tauhan sa loob niyon, ang kaibahan lang kapag sinabing buhay na sakripisyo ay mamamatay na talaga sila sa Abyss.


Hindi na makakaligtas pa. Susunugin sila nito sa apoy at pagdurusa. Paanong umabot sila sa ganoon ng kakambal niya?!


" Gusto mo kong mamatay? " si Alice, ganoon ba katindi ang galit nito sakanya?


" Oo gusto kitang mamatay. Hayaan mo kasama mo naman siya" turo nito kay Greece.


" Wag mo siyang idamay! Wala siyang kasalanan sayo! " sigaw ni Alice.


" Xerxes " bulong ni Alice ng wala itong reaksyon. Hindi naman ito makokontrol ni Lacie, at wala sa itsura nito na nakokontrol kaya naman imposible, ibig sabihin kagustuhan din nitong patayin sila? 


" Nasasayang ang oras " si Lacie na hinawakan si Xerxes sa kamay.


" Alice, lalabas tayong dalawa dito!  " si Greece na hinawakan si Alice, hindi alam ni Alice ang isasagot. Ayaw niyang mawalan ng kapatid kahit pa masama ang gusto nitong mangyari, mahal na mahal niya si Lacie. Hindi niya din kayang pabayaan si Greece, hindi niya mapapatawad ang sarili at hindi niya maaring piliin ang mga ito, nakakontrata sila ni Greece kung mamamatay siya, mamamatay din ito.

RBW II: THE EVIL HALF(Under the papermoon) FIN.Where stories live. Discover now