RBW II: New Life

3.2K 165 86
                                    

                          RAISED BY WOLVES II

                                " New Life " 

" Shin! " tuwang-tuwa ang mga asawa ni Adra sa mabilis na paglalakad nito.

" Napaka kisig na bata naman talaga, higit sa dalawampu ang magiging asawa ng batang ito" si Adra na binuhat si Shin na tuwang-tuwa.

" Dada! " si Shin,

" Tignan mo kakaunti padin ang kaya niyang sabihin , imbis kasi na kausapin ninyo tinititigan niyo lang " si Adra na tuwang-tuwa kay Shin.

" Hindi ko na alagaan ng ganito si Sebastian, nakakatuwa pala ang ganito kaliit na bata. Nasisiguro ko na paglaki nito matigas narin ang ulo sa bato " si Adra na ikinatawa nilang lahat,

" Si Crescent ba, may balita ka? " tanong ng ikalawang asawa niya.

" Simula ng magsama sila ni Light, hindi ko na nararamdaman ang presensya ni Crescent. Maaring nandito siya o nasa ibang dimensyon" sagot nito.

" Hindi niya hinihingi ang tulong natin, isa pa maraming anghel ang haharang satin sakaling makialam tayo sa nagaganap " ang ikatlong asawa.

        Samantala, si Light naman ay kasamang naninirahan si Crescent sa dating bahay nito at ni Lyra. Nabubuhay sila na parang pangkaraniwan, hinihintay niyang tuluyan ng maglaho ang mga ala-ala ni Crescent.

" Gusto ka niya, sabi sakin ni Crescent " si Light na kinukulit si Rozen na abala sa pag guhit ng bagong manikang ilalabas ng Snow Island, nandoon sila sa kusina.

" Light " natatawa si Rozen na tinignan ito " Sinasabi mo sakin na gusto niya ko, tapos sasabihin mo sakanya na gusto ko siya. Ilang buwan mo na kaming pinagpapareha, halika babatukan na kita! " si Rozen, sumimangot naman si Light na sinara ang oven na may strawberry cake at naupo sa harapan ni Rozen.

" Bihira siyang ngumiti, bakit siya ganoon! " si Light na simangot na nangalumbaba,

" Makulit ka nga kasi, nagpapahinga siya " ngiti ni Rozen na tinuloy na ang ginagawa.

" .. hindi mo ba talaga gusto si Crescent? " -- Light.

Umiling si Rozen " Maiden ako Light, hindi ako pwedeng makipagrelasyon sa kahit na sinong lalaki " si Rozen na tinuoy ang giangawa at tinago ang pait sa boses.

" ..hmmmm !  Pwede naman walang mangyari sainyo, pag ganun Maiden kapa din! " si Light, natawa na ng tuluyan si Rozen sa suwestiyon nito.

Nakarinig sila ng mga Doorbell.

" Ako na " si Rozen, tumango naman si Light. Pinapanatili nila na walang makaalam na naroon si Light at Crescent, pinalalabas nila na ang tahanan na iyon ay binili na ni Rozen.

RBW II: THE EVIL HALF(Under the papermoon) FIN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon