RBW II: Bloody message

4K 193 59
                                    

 FB: Jobelle Rivera( MisaCrayola )

FB PAGE: MisaCrayola

ADD ME ;> .. Kagagawa ko lang nang acct. na'to, chitchat nalang tayo about sa mga stories, questions niyo or even anime . :'>>

Zero Kiryuu - Crescent White  hair

Kaname Kuran - Crescent black hair

Yuki Kuran - Lyra Scarlet 

Anime - Vampire Knight  

                                                 RAISED BY WOLVES II

                                                    " Bloody Message "

                Inaayusan ng itim na kasuotan si Lyra ni Yen habang nakaharap ito sa salamin, mapapansin na ang tagasunod niya ay walang repleksyon, samantalang siya meron. Iyon ang pagkakaiba ng Royal blood at Pureblood sa ibang level ng mga Vampires.

" Bihirang makita si Miguel Nightray sa mga pagtitipon ng Nightray, sa pagkakaalam ko malaki ang kamiserablehan na nararamdaman niya simula ng mamatay ang unang head ng pamilya nila na si Gabriel, bago pa man sila itakdang Pureblood kritikal na ang kondisyon niya " si Yen habang sinusuklayan na ang nakaupong si Lyra.

" Pureblood, bakit sila mamamatay. Sabi nila sakit ang ikinamatay niya, posible ba sa isang Vampire ang magkasakit? " si Scarlet na naglagay na ng pulang lipstick.

" Ibang Vampire sila , hindi lakas kundi kaibahan Lady Scarlet,  kaya nilang mabuhay na parang isang pangkaraniwang tao, hindi sila hayok sa dugo , may affinity sila na tinatawag o dugong nakakapagpalabas lang ng pangil nila, at ayon sakanila ang kamiserablehan ng tao, Vampire ang nagpapaigting nag pagkauhaw ng magiging asawa ninyo" si Yen, umiling nalang si Scarlet medyo nahihirapan siyang makagets.

" Hindi naman kita magets! " 

" Ganito! Makinig kang mabuti Lady Scarlet, ang Nightray Pureblood Family may blood affinity sila o yung desired blood, isa sakanila si Flynne Nightray na ang iniinom lang na dugo ay may Love, or kapag totoo ang love sa pagitan ng dalawang tao, kapag kinagat niya ang taong may LOVE sa katawan sa isang kisapmata yung taong nakagat niya mawawala lahat ng Love sa partner niya, at iyon ang kakaiba sa pamilya nila " si Yen, naunawaan na ni Scarlet kaya tumango siya. Ang Nightray ang ikatlong pamilya ng Pureblood, ito din ang maraming miyembro.

Nagtungo sila sa Mansion ng mga Nightray, ito lang ang Pureblood na naninirahan kasama ang mga tao. Malaki ang buong lugar at sinalubong ang sasakyan nila ng mga tagasilbi.

" Lyra! " salubong sakanya ni Shina na asawa ni Raven Nightray na kasama nitong sumalubong .

" Kilala mo siya Lady Scarlet? " si Yen, nabigla din si Lyra pero umiling siya.

" Totoo nga na wala ka ng ala-ala" si Raven na lumapit sakanila, ito ang kasalukuyan na Head ng mga Nightray, ito din ang dating Presidente ng pinanggalingan niyang eskuwelahan na pag-aari nila Lyra ang Rainswort University.

RBW II: THE EVIL HALF(Under the papermoon) FIN.Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin