RBW II: Dark Scheme

2.9K 179 96
                                    

RAISED BY WOLVES II


" DARK SCHEME "



" Greece!" si Alice, tutulungan niya 'to pero agad siyang sinugod ni Alice at nasugatan ang mukha niya sa ginawa nito. 


" Wag mo siyang isipin! isipin mo kung paano ka mabubuhay! " sigaw ni Lacie, naiinis siya, naasar siya. Kaunti nalang masisiraan na naman siya ng bait, bakit mahalaga dito ang isang lalaki na hindi naman ganoon nito katagal na kakilala? 


" Tama na! " sigaw ni Alice ng masaksak si Greece sa braso ni Xerxes.


Tumigil naman si Xerxes. "  Irelease mo na si Alice para makalabas na silang dalawa sa lugar na 'to " mahinang wika ni Xerxes kay Greece na panay ang patak ng dugo. Nag-angat ng ulo si Greece, ibig sabihin ba gusto nitong makaligtas si Alice? kasama si Lacie, ibig sabihin ayos lang dito na mamatay basta makaligtas lang ang dalawa?!


" Xerxes .. " si Greece.


" Xerxes! patayin mo na siya! " sigaw ni Lacie, 


" Wag Xerxes! tama na " si Alice na ikinainis ni Lacie kaya sinabunutan siya nito ,ayaw naman siyang labanan.


" Wag mong tawagin si Xerxes malandi ka! "gigil na wika ni Lacie,


Samantala inambaan na ng saksak ni Xerxes si Greece. Tumayo ng diretso si Greece, tama 'yon din naman ang gusto niya, ang magkaayos ang dalawa at hindi niya kayang maging makasarili para isipin ang sarili na maligtas higit kay Lacie.


"Greece SinClair " si Xerxes.


" Hindi ako kontra sa sinabi mo, oo nga sayang na mamamatay ako ang guwapo ko kaya lang mas gusto kong maging masaya si Alice, hindi siya mabubuhay ng maayos kung  mawawala si Lacie sakanya. " si Greece, 


" Xerxes! " sigaw n Lacie ng di pa'din 'to tumitinag.


" Salamat , hindi ko gustong mamatay si Lacie  " si Xerxes , 


" Tama na! " panay ang iyak ni Alice, gulong-gulo na siya. Paano niya ililigtas ang dalawang mahalaga sakanya? maging si Xerxes mahalaga sakanya. Sakanya naman lahat nagsimula kaya walang ibang dapat sisihin kundi siya.


" Bakit ka umiiyak ha?! ikaw ang mabait?!!" si Lacie na galit na galit kahit nakaluhod na sakanya si Alice dahil sa pagkakababa niya sa paghila ng buhok nito.


 ( Sundan ang kwento nila sa RBW side stories, para hindi spoiler at lalong mas naka focus sakanila at iwas lito na 'din sainyo. ) 

****


" Mahihina kayo " si Neo na hindi na nawawala ang pagkainis sa mukha nang itulak nito si Lyra pasadsad sa pader. Itinaas niya ang latigo niya na may bolta-boltaheng kuryente.  


Hahampasin niya 'to ng tila hindi niya  magawang igalaw ang mga kamay na nakataas, tinignan niya si Rozen bumibigkas ito ng mga incantations  patungo sakanya.  Nangiti siya, isa 'to sa pinakamagaling na spell caster pero wala 'tong laban sakanya.

RBW II: THE EVIL HALF(Under the papermoon) FIN.Where stories live. Discover now